Daddy Wang 12

269 12 4
                                    


Jackson's POV

Alam mo yung nakakaputangina? Yun yung sasapakin ka nalang ng wala kang kamalay malay. At ang mas nakakaputangina dun, barkada mo pa!

Kung mga tambay lang sa kanto katanggap tanggap pa. Pero yung tanginang barkada mo pa? Ano bang problema nun?

Naoki Naoki pang nalalaman. Nakakasawa na. Lahat nalang Naoki ang bukambibig. Sino ba siya ha! Magmula nang dumating siya sa buhay namin nagkandaleche leche na ang lahat. Tapos yung mga barkada ko namang sinto sinto, siya pa ang kinakampihan! Shit! Shit talaga!

After 1 week ngayon na nga lang ako pumasok, ngayon na nga lang ako nagpakita, ngayon na nga lang kami nagkita kita tapos eto pa isasalubong sakin? Sapak?

TANGINA!


"Diba may pasok ka? Anong ginagawa mo dito!"

Eto na nga bang sinasabi ko, kaya ayaw ko pang umuwi eh.

"Stay right there!" Sita nya nung tumayo ako, aish! Buwisit naman!

"Sabing walag kang aalis!!!" Sita nanaman.nya noong nag-attempt akong humakbang. Maya maya,

"ARAY ARAY ARAY PUTANG---"

"ABA AT IKAW PA MAY GANANG MAGALIT AH!!!" mas hinigpitan niya ang pisil sa tenga ko saka ako kinaladkad papunta sa couch at binalibag, nakakabuwisit talaga tong kapatid ko!


"Ate san nakatago sungay mo!??" Bigla nyang inangat yung kamay nya at hahambalusin na sana ako. "Ate ate ate joke lang joke lang be kind to animals kakasuhan kita pag sinaktan mo ako!!"


"Hindi ako nakikipaggaguhan sayo Jackson Wang! Ang gusto kong malaman ay kung ANONG GINAGAWA MO DITO SA BAHAY!" Namumula na siya.

"Bakit? Bawal naba ako dito sa bahay ngayon?"

"May evening class ka pa diba? Anong ginagawa mo dito?" Nakapameywang pa siya.


"LBM ako!" Sabi ko saka tumayo at nagpamulsa.


Nilagpasan ko siya, sinigurado ko munang malapit ako sa pinto.

"Loose Bowel Movement?" Pagkukumpirma niya.


"Inde, La Balak Mag-aral Mehehehe"

"JACKSON WAAAAAANG!!!!"

PATAY TAKBOOOO!!!

***

Mabuti nalang natakasan ko si Suzy kung hindi nakatay nako ng walang kalaban laban.

Nagulat nalang ako nang mapansin ko kung nasan ako.

Pambihira! Nasanay na akong dito dumederecho kapag nababadtrip ako sa bahay.

Tumayo ako sa pinto at kakatok na sana pero nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba o hindi,

Siguradong badtrip parin siya sakin. Pero nakakaputa naman, ilang taon na kaming magbarkada pero dahil sa babaeng yun tinalikuran nila ako? MGA GAGO! TABLAHAN PALA HA!

Pero tangina wala talaga akong mapupuntahan,

ayoko namang magmukhang talunan, leche maka alis na nga!

Tumalikod nalang ako. Saka na, di pa ako ready harapin sila. Nakakagago.

San naman kaya ako pupunta? Nakakabadtrip. Wala manlang akong mapuntahan, wala din akong matawag na kasama. First time tong nangyari sakin ah?

Pakshet

"Hyuuuuung!!!" Limang metro palang ang nalalakad ko, napatigil ako nung may narinig akong sumigaw. Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Bambam. Winawagayway pa ang kamay. Ang bakla nya nakaka--

"Hyuuuung saaaan kaaaa pupuntaaaa???" Sigaw niya.

Dapat talaga nagsisigawan? Pwede namang lumapit diba?

Tumakbo siya palapit saakin.

"Hyung, anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Bawal?"

"Pinuntahan mo si Mark hyung? Makikipagbati ka na??"

"Hindi, naligaw lang ako" palusot ko.

"Pucha. Sa pagkakalala ko height mo lang ang pambata. Sa tanda mong yan naliligaw ka pa? Sama ka nalang samin para makapag usap kayo ni Mark hyung!"

"Ehh wala namang tao jan, nakapatay yung ilaw" sabi ko sabay turo sa bahay ni Jinyoung.

"Ahh, hindi kami jan. Nandun kaming lahat!" Sabi niya sabay turo sa bahay na nasa tapat ng bahay nila Jinyoung.

Nanlaki ang mga mata ko. Tae. Panong nangyaring occupied na yang---

"WAG MO SABIHING??"

Tuningnan nya ako. Curious siya.

"...nakauwi na si---" diko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong hatakin.

"Sumama ka nalang para malaman mo!"


Bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit sa pinto. Bakit? Bakit hindi niya sinabing nakauwi na siya? Bakit hindi niya manlang ako....

"Bambam bat ang tagal mo ata?" Rinig kong may nagsalita pag bukas ng pinto at diko inaasahan ang sumunod kong nakita

Daddy Wang [On-Hold]Where stories live. Discover now