Daddy Wang 8

426 9 1
                                    

<Yugyeom's POV>


"Hi Aiko... Good morning" bati ko kay Aiko. Sinabayan ko sya na maglakad papasok ng campus. Kras na kras ko to eh! Mukhang dyosa kaso may pagkamaldita! Sabay kaming naglalakad Kinikilig ako manahimik kayo!


Nung mapansin nyang tumabi ako sakanya sa paglalakad, inirapan nya ako. Shet ang cute nya talaga!

"Pwede magtanong??" sabi ko.

"Nagtatanong ka na nga diba??" sabi nya. WOW! Sinagot nya ako ngayon! Dati rati puro irap, tango, iling, sipa, sapak o sampal lang sinasagot nya sakin pero ngayon sentence na! WAAAAAAAA kinikilig talaga ako!


"Hmmmm. pag niligawan ba kita, sasagutin mo ako??" WALA NANG HIYA HIYA TO MGA LECHE KAYO DADAMOVES NAKO BAGO PAKO MAUNAHAN NG IBA KAY AIKO!

"Oo naman!" Oh shit! Sasagutin daw nya ako mga putangina hahaha ay oooops sorry for the term, Ayaw na ayaw ni Aiko ng nagmumura, kaya eto ako, patuloy na nagmamahal sakanya. Yieeeee puta kinikilig ako!


"Talaga? Sana sinabi mo agad para noon pa kita niligawan. hihihi. Ano bang isasagot mo!?" 


 "HINDI" inirapan nya ako saka tumalikod. Alam ko namang nagpapakipot lang sya. Mapapasakin ka rin Aiko!


Hinabol ko ulit sya saka tumapat at naglakad kami muli nang bigla nya akong sinigawan

"MAWALANG GALANG NA HINDI AKO NANANAKIT NG HAYOP PERO PWEDE KANG MAGING EXCEPTION KAYA UTAAAANG NA LOOB HA YUGYEOM LUMAYO LAYO KA SAKIN HABANG HINDI PA NAGDIDILIM ANG PANINGIN KO SAYO!" FUUUCK! habang tumatagal pahaba ng pahaba ang sinasagot nya. Feeling ko mahal na nya narin ako!

"Pag umalis ba ako hindi ka iiyak?" 

"Syempre iiyak"

"TALAGA!??" Nabuhayan nanaman ako ng dugo. Sabi na pakipot lang tong si Aiko eh, 


"OO NAMAN! MAHIRAP KAYANG PIGILAN ANG TEARS OF JOY" sagot nya. Tangina

KINGINA MO TALAGA HANGGANG SA BUTO AIKO, JAN KA NANG BUWISIT KA! 

SA SOBRANG KILIG SLASH BUWISIT KO KAY AIKO MUNTIK KO NA SYANG TIRISIN NANG BUHAY KAYA PUMUNTA NALANG AKO SA TAMBAYAN NAMIN BAGO KO MAKALIMUTANG SAME SPECIE KAMI!


Pagdating ko sa tambayan, naninibago ako.

Magmula noong nangyari yung sapakan at sigawan ni Jackson at Mark sa open field hindi na sila nagpapakita dito sa tambayan kaya heto ako ngayon, naiwang mag-isa kasama ng mga unggoy na 'to! Leche! Buwisit ka na nga tong mga unggoy na 'to pa madadatnan mo, nakakabuwisit na mga mukha. O diba? Lecheng buhay!

Dahil no choice ako, sumalampak ako sa upuan sa loob ng ilong ni Youngjae. CHAROT! 

"Ang tahimik" reklamo ni JB. Bigla namang nagsisisigaw si Bambam. ANG INGAY NYA PUTA


Daddy Wang [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon