Daddy Wang- 2

578 14 0
                                    


1 day earlier...


"ANO BA TATANGA TANGA KANG WAITRESS KA YAN NA NGA LANG ANG GAGAWIN MO DIMO PA MAGAWA NG TAMA! TANGA BOBO INUTIL !" She poked my head. Ano bang magagawa ko? Eh kasalanan ko naman talaga. Pero bastusan? Lahat na ata ng katangahan tinawag na sakin! Pasalamaat ka kelangan ko tong trabaho ko kundi baka magkapalit yang mukha at paa ma! Di bale wala namang bearing!

"NASAN ANG MANAGER NYO? KELANGAN KONG MAKAUSAP ANG MANAGER NYO!!"

"Miss, wag nyo naman na po akong isumbong sa manager koo. Kung gusto nyo po babayaran ko nalang po yang bag nyong nadumihan"

"ANO? PINAPAMUKHA MO BANG MAS MAYAMAN KA SAKIN? BABAYARAN MO TONG BAG KO? EH MAS MAHAL PA TO SA BUHAY MO! DIMO BA ALAM NA LIMITED EDITION LOUIS VUITTON TO? KAHIT IBENTA MO PA YANG KATAWAN MO WHICH I DOUBT KUNG MAY BIBILI, HINDI MO MAAAFFORD TO TANGA! "  Wow! Ang ganda ni ate? Di hamak namang lamang sya ng isang drum ng sinaing sakin no! Mas sexy parin ako sayo ulol!

"Sorry po. Sabihin nyo nalang po kung anong kelangan kong gawin. Kahit ano po, wag nyo lang po akong isumbong sa manager ko Miss."

Taena, gustong gusto ko na syang sagutin kung di lang ako natatakot masesante eh. Eh sya kaya tong tatanga tangang biglang tumayo habang naglalakad ako, edi malamng mababangga talaga nya ako at yung hawak kong tray! Tapos ako sisisihin ngayon? Nasan ang hustisya! NASA BILBIL NYA!!! ><

"NO! I NEED TO TALK TO YOUR MANAGER! DAPAT SAYO TINATANGGAL SA TRABAHO! BOBONG TO SASAGOT SAGOT PA!!" Nakalunok ba sya ng mic?

Di ba sya marunong magsalita ng di nakasigaw? Pigilan nyo ko tatapyasin ko na bilbil neto!

"Miss, wag naman po sana kayong ganyan, Hindi ko naman po sinasadyang matapunan kayo nito,"

Pusang kinalbo naman pinagtitinginan na kami ng mga customer, yung iba nag-alisan na, pero tengene dipa nagbabayad yung isang umalis ah!? BRUHANG YON! MADAPA KA SANA UGOK!

"ANO? MAGMAMAKAAWA KANG WAG KITANG ISUMBONG? SIGE, HALIKAN MO PAA KO"

ULOL KA! MAS GUGUSTUHIN KO NALANG MATANGGAL KESA HALIKAN YANG PAA MONG FEELING KO NEVER PANG NAKATIKIM NG FOOTSPA! BUSET NA 'TO! PASALAMAT KA NATATAKOT AKONG MAKASUHAN NG ANIMAL ABUSE KUNG HINDI LUMIPAD KA NA SA IBANG PLANETA!

"YUCK" tanging nasagot ko!

"ABA WALA KA TALAGANG MODO!"

Inangat na nya ang kamay nya kaya napapikit ako. Hinihintay ko nalang lumanding ang malutong nyang sampal sa mukha ko.

Daddy Wang [On-Hold]Where stories live. Discover now