Daddy Wang 15

377 9 1
                                    


Mabuti nalang at umalis na ang walangyang lalaking yon. Gusto ko pamandin sanang matulog ng mas matagal dahil masyado akong napuyat sa kawalanghiyaang pinaggagagawa ng mga aleporos nyang hunghang kagabi, pero pano ko naman maitutuloy ang tulog ko kung umagang umaga palang nasira na ng kabobohan ni Gyeom at ng pagmumukha ni Wang.

Naligo nalang ako't nagbihis. Maglalakwatsa nalang ako tutal absent narin naman ako, susulitin ko nalang.

I went to the nearest stores just within the vicinity saka ako nag window shopping. Napaisip tuloy ako. Pano kapag lumaki na ang tyan ko at hindi na magkasya ang mga damit ko? Magmumukha pa kaya akong tao?

Paano kaya ang future ko? Hindi man halata pero pangarap ko rin namang magkaroon ng matino desente at kumpletong pamilya. Pamilyang pinangarap ko pero hindi ko naranasan. Pangarap ko ring makasal sa isang matinong lalaki. Lalaking mamahalin ako. Pero kingina pano yung matutupad kung disi-otso anyos palang ako, nabuntis na?

Pambihirang kabobohan!

May magkakagusto pa kaya sakin kahit na may anak na ako? May magkakagusto pa kaya sakin kahit lumba lumba na ako?

May magkakamali pa kayang magmahal sa tulad ko? Hindi man halata pero gabi gabi yang tumatakbo sa isip ko.

Leche!

"Miss. Wag kang magkakamaling gumalaw holdup to!"

"Tangina alangan namang rape!" Inis kong sigaw saka humarap sa kung sino mang ponsyo pilatong nagsasalita sa likuran ko pero natulala nalang ako nang may matulis na kutsilyong nakatutok sa tagiliran ko.

"Waaaaaaa RAPEEEE!!!"

"TANGA! HOLDUP NGA DIBA??!"

"DIMO KO REREYPIN?"

"TANGINA DI KITA TYPE!" aba choosy ng pukinginang to!

"TANGINA MO KUYA EDI WAG!"inis kong sigaw saka ko siya tinuhod hotsilog area saka tumakbo 

Halos malaglag ang puso ko nang biglang may humigit ng wrist ko saka ako hinila papasok sa isang eskinita.

"WAAAAA WAG PO BATA PA PO AKO DI LANG HALATA PERO MAY EBIDENSYA PO AKO SA NSO WAAAAA TULOOOONG!!!" nagsisisigaw ako pero patuloy parin kami sa pagtakbo. Mahihimatay na ata ako.

Lord help me! Promise dina.l ako magaabsent at maglalakwatsa huhuhuhu

Tumakbo ako ng pagkabilis bilis habang panay ang tingin sa likuran ko nang maramdaman kong nabangga ako sa iaang mala pader na bagay at natumba ako sa floor.

Nanlaki nalang ang mata ko nang iangat ko ang aking mukha at makita kung sino ang ponsyo pilatong nabangga ko na noon ay bumagsak rin sa semento.

"Ikaw!"
"You!!"
"Anong ginagawa mo dito"
"What are you doing here?"
"Sinusundan mo ba ako"
"Are you my stalker?"

Daddy Wang [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon