Daddy Wang 14

354 10 0
                                    

"What are you doing here? Diba sabi ko secretary ko na ang bahala sa titirahan mo? Bakit nandito ka ngayon? Si Mark ba? Siya ba nagsulsol na dito ka tumira para lagi na kayong magkasama?"

"Alam mo ang labo mo? Your secretary brought me here. Ano bang pinuputok mo jan? I just obeyed what you instructed me to do!"


"He--- he brought you here?" Gulat nyang sabi "...Ang engot talaga ng gagong yun" bulong nya pero narinig ko naman.


"Sila Jinyoung.... lagi ba sila dito?"

"teka nga ano bang paki mo? Bat ang dami mong tanong? Close ba tayo?"

"Nililigawan ka ba niya?"


Kinginang to. Ano bang pinagsasasabi niya!

"Wagas ka mag interrogate ah? Magulang ba kita? Tangkad mo ah!" Irita kong sabi.


"Alam mo bang wala kang kwentang kausap at buwisit na buwisit nako sayo kanina pa?" Sabi niya.


"Dont worry. The feeling is mutual" ganting sagot ko saka siya inirapan. 

Nagkaroon ng saglit na katahimikan pero nabasag rin yon agad nang bigla siyang magsalita.

"Kumusta ka naman"

Hindi siya nakatingin sakin.


Or should I say, HINDI SIYA MAKATINGIN SAAKIN.


Nakayuko lang siya habang nilalaro ang ice sa baso nya.

"Anong nakain mo't bigla ka atang naging concerned sakin?"

"Asa. Hindi naman ako sayo concerned. Sa ano..."

"Saan?"

"Sa...."

"Tangina saan nga!" Sarap namang sapatusin nito!

"Sa... anak ko" mahinang sabi niya. Halos pabulong na yon pero narinig ko parin.

"Anak mo? Teka lang ha, diba ikaw narin nagsabi kaning wala kang anak? WALA KANG ANAK JACKSON WALA!" pinagdiinan ko pang sinabi ito para ramdam na ramdam niya.

"Anak ko parin yan kahit anong sabihin mo! Hindi mo yan mabubuo kung wala ako!" Bahagyang lumakas ang boses nya.

"Whats with the sudden change of heart? Kani kanina lang proud na proud kang isigaw na wala kang anak tapos ngayon sasabihin mong anak mo to? Jackson. Okay na ako sa set-up naming to ng mga kaibigan mo! They're more than enough! Pwede ba wag ka nang umepal!" Iritang sabi ko. Ngayon pa't nakakaadjust na ako sa mga pangyayari saka pa siya eepal! Neknek nya!

"Ipapaako mo sa iba yung anak ko? Sila ang kikilalanin nyang daddy imbes na ako? Hindi ako papayag!"

"Tanginang yan Jackson tigilan moko! Pumayag ka man o hindi wala akong pakialam. What matters is, masaya na kami ng magiging baby ko na wala ka. Pwede bang wag ka nang makigulo? I've been through hell because of what you did to me! Ngayong medyo nakakabangon nako eepal ka nanaman!"

"Please.... im sorry... give me a chance. Babawi ako sainyo ng anak ko. Please Naoki. Pananagutan na kita, wag mo lang ipagkait na makilala ako ng baby natin bilang daddy niya"

Iyak? Umiiyak siya?

Hindi, hindi ako pwedeng magkamali.

Umiiyak siya, may tumutulong luha mula sa mata niya. Nananaginip ba ako? Totoo ba to?

Daddy Wang [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon