Chapter 18: Mistake

54.1K 512 41
                                    

AYUMI'S POV

Ang sakit! Ang hirap maglakad! Waah! Aish, bwisit naman kasi si Chiro. Hindi nakapagpigil kahapon. Nag-iinit kasi kaya ayun, nadamay ako. 

"Nana, ang sakit talaga, huhuhuhu! Alalayan mo 'ko!" Inextend ko yung dalawa kong kamay. 

"Ano ba kasi ang ginawa niyo?" Hinila ako ni Yanna patayo. Ang sakit talaga. 

"Pagkatapos naming mag-timezone, nag-init bigla si Chiro. Hindi nakapagpigil! Arghhh!" 

Bigla naman akong hinampas ni Yanna. "Waaah! Ano ba naman yang mga kinekwento mo sakin, Mimi! Hindi ba dapat sa inyong mag-asawa lang yan?" Napansin kong namumula ang mga pisngi ni Yanna.

"Huy Teh, may lagnat ka ba? Ang pula ng pisngi mo oh." Turo ko. "At ano naman kung ikwento ko sayo yung tungkol sa pagi-ice skating namin ni Chiro? Parang Yun lang naman eh." 

Tama naman ako diba? Huhuhu, ang sakit talaga ng legs ko. Hindi naman kasi ako marunong mag-skating kaya natumba-tumba ako. Ang hirap pa tumayo. Bwisit kasi yang araw na yan eh, kung bakit ba naman napaka-wrong timing.

Biglang tumingin si Yanna sa akin na para bang gulong-gulo sa mundo. "I-Ice Skating? Yun lang ba yung ginawa niyo?" Tanong niya sakin.

"Oo nga, ano ba ang iniisip mo?" Tapos biglang gumana yung mga mapupurol na makina sa utak ko at na-gets ko. "WAAAAH! ANG GREEN GREEN M--- Smmffffphh" 

"Mimi naman eeehhh. Ikaw kasi, yung choice of words mo masyadong... Green!" Inalis ko yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko.

"Halika na!" Hinawakan ko yung kamay niya at kinaladkad siya.

"W-Woi Mimi, saan mo ako dadalhin?" Tanong niya.

"Sa Simbahan! Lulunurin kita sa swimming pool na puno ng holy water. Bilis!" Masyado ng madumi ang isip niya, kailangang i-purify!

"Mimi naman T.T" Bigla akong napatigil kaya nabunggo si Yanna sa likod ko. "Ouch! Bakit ka tumigil?"

"Hi!" Bati nung babae na nasa harap namin. "I'm new here, do you mind if I hang out with you guys? You look nice kasi eh." Sabi nung babae.

"Best, ano daw? Dumugo ilong ko?" Bigla kong binatukan si Yanna. Bruha Forever.

"Hello, Ah sure! You can hang out with us. I'm Ayumi by the way and this is Yanna." Sabi ko dun sa babae. Ang ganda niya ha, infairness. At ang cute cute cute cuteeee! Para siyang barbie doll.

"Nice to meet you both. I'm Autumn. Sorry nga pala kung napapa-english ako. I grew up in Korea kasi kaya sanay ako sa english." Sabi niya in her cute tagalog accent. 

Arranged Marriage From HellTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang