Chapter 28: 5 Years Later

46K 459 44
                                    

AYUMI'S POV


"If you look at the contract closely, maganda ang benefits na makukuha natin kapag pinili natin ang Jaehee Corporation para sa expansion plan natin." Sabi ng Representative ng Yano Chemicals na si Mr. Lee

"What do you think, Ayumi?" Tanong sa akin ni Kuya Gabriel. 

"Proposal Rejected." Sabi ko. "Mr. Lee, How's your bank account? Punong-puno ba?"


"Miss Yano--" I cut him off.

"Magkano ba ang binigay sayo ng Jaehee Corporation para kumbinsihin kami na sila ang kunin? 20 million? 30?" He was stiff. "Sige, I won't mind the money pero makakabuti ba sa company natin ang makipag-ugnayan sa isang company na mahilig mag-transact ng illegal funds? Gusto mo ba talagang madumihan ang kumpanya natin?" 

Tumayo ako at sinaksak ang USB ko sa Laptop na naka-konekta sa Projector. Nag-flash ang isang slide na may listahan ng lahat ng illegal na ginagawa ng Jaehee.

"20 men died a year ago due to Jaehee's greed. Tinipid nila ang perang binigay para sa Construction ng isang building causing the building to collapse." 

"Samil Inc., after choosing Jaehee corporation, was erased from the business world."

"Their CEO was involved in a rape scandal but of course, it wasn't leaked to the public. Binayaran nila yung babae para manahimik." 

"I could go on and on spilling their dirt but you guys must've gotten the point." Sabi ko. "So Mr. Lee, do you still believe that you can convince me to choose them?" 

"I'm sorry, President." Sorry? Tss. 

"In the business world, there's no such thing as sorry, Mr. Lee." I told him. "Please announce to the Public that his position is open. We will be accepting applicants as early as tomorrow." 

Lumabas na ako ng meeting room. Hay nako, sakit sa ulo ng mga corrupt na empleyado. 

"Hoy, wag ka namang mang-iwan!" Tawag sakin ni Kuya Gab.

"Sorry, nas-suffocate ako sa loob eh. Puro matatanda -.-" Sabi ko. Pakiramdam ko tumanda rin ako ng sampung taon dahil sa kanila.

"Matanda ka na rin naman, may anak ka na nga eh." Oh diba? Tanda Tanda na marunong parin mang-asar. Sarap bangasan eh. 

"Wag mo nga akong idamay sa pagka-gurang mo, Kuya!" Habang tumatanda ako, tumatanda rin siya kaya wag siyang epal. "Una na ako, susunduin ko pa si Kinami sa School." 

"Ikiss mo nalang ako sa gwapo kong pamangkin!" Sabi ni Kuya Gab habang papalakad sa opisina niya at ako naman ay palabas ng building. 

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now