Chapter 29: Blue Bird

42.9K 405 37
                                    

AYUMI'S POV


"Papa Kiel, gusto ko rin ng Blue Bird!" Blue Bird? o.O Ano yun?

"Ha? Blue Bird?" Nagtatakang tanong ni Kiel. Saang lupalop ng mundo napulot ng anak ko ang Blue Bird na yan? Diba Big Bird naman yung nasa Sesame Street? 

"Yes, Papa! May nilalaro si Bakekang sa iPad niya na may Blue Bird tapos nung tinanong ko kung ano yung ginagawa niya, nagt-tweet daw siya. Bakekang is Weird, Papa." 

"Ah, Twitter! You should ask your mommy about that." At pagkasabi nun ni Kiel, nag-pout si Kinami sa harap ko with matching puppy eyes. Omayghad, bakit ang cute ng anak ko?!

"Mommy, Pleaaasseeee? I want to play with the Blue Bird too!" Lord, bakit po ba namana ng anak ko ang good looks ko? 

Napa-buntong hininga nalang ako at ininstall ko ang twitter sa iPad niya. "Kay Papa ka na magpatulong sa sign-up ha? Mommy needs to go to work." Sabi ko sa kanya. "Hoy Kiel, ingatan mo anak ko ah!" 

"Tatlong taon ko ng hinahatid-sundo si Kina sa school, wala ka paring tiwala sakin?" 

"WALA kaya don't text and drive. Nako, kapag may nangyari talagang masama kay Kinami kakaladkarin kita papuntang impyerno." Kinuha ko yung bag ko at pumunta na sa garahe. 

***

"Miss Yano, you have an interview scheduled at 9am with Sparkling's representative." 

"Is she in?" Tanong ko sa Secretary ko. 

"Yes, she came in a bit early." 

"Papasukin mo na siya para matapos na. I still have a mountain of work to do." 

Narinig kong bumukas yung pinto ng opisina ko at pumasok ang isang babaeng naka-Red cocktail dress with matching black killer heels. Yung totoo, interview ba ang pinunta nito o catwalk? 

"Good Morning po Miss Yano, sorry if my dress is quite inappropriate, nagkaroon po kasi ng changes bigla sa schedule ko. After this interview, I need to attend a photoshoot. Sorry po." 

"Photoshoot?" 


"Ah Eh-- Model po ako and at the same time, I'm pursuing journalism." 

"Your name?" 

"Cassandra Rexy Mariano, Cassy for short." 

Pinaupo ko siya at sinimulan na namin ang interview. Same questions, as always. Minsan nakaka-bore rin kapag pare-pareho ang tinatanong nila sa mga interviews. Wala na bang bago? 

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon