Chapter 6: Gabriel

69.1K 810 78
                                    

AYUMI'S POV

Hindi ako mapakali sa upuan ko, malapit na kasing mag-dismissal at hindi ko alam kung sasabay ba ako kay Chiro o hindi. Tss, kung hindi sana siya malandi edi sana hindi ako nahihirapan sa pagpili ngayon. 

"Mimi, ako nalang maghahatid sayo pauwi alam ko namang hindi mo masasabayan ang hubby mo kasi nag LQ kayo" Meron akong mindreader na bestfriend. Hahaha. 

"Woah Nana, Alam mo pala kung ano ang iniisip ko? Haha, salamat best" 

*PAK* Binatukan ko siya. 

 

"Waaaah Mimi naman! Ganyan ba ang makabagong pamamaraan ng pagsasalamat? May kasamang batok?" Sabi ni Yanna habang hinihimas yung bahagi ng ulo niya na nilandingan ng kamay ko.

"Bruha ka kasi eh, LQ ka dyan! Luhh" Ang LQ para lang yun sa LOVERS. Sa pagkakaalam ko, Mag-asawa lang kami hindi lovers. Like D to the U to the H noh. 

"Sorry na, Nga pala Mimi nakita ko si White knight mo na may pasa sa mukha kanina" 

 

"Whuuuut?! Si Kiel? May Pasa sa mukha?" Paano nangyari yun? Hindi naman basagulero ang boyfie ko ah. Pakers, ang landi ko pakinggan. Si Hubby at Boyfie ay magkaibang tao, ermagherd. 

"Oo, tinatanong ko nga kung saan galing yung pasa kaso ayaw naman akong sagutin" Teka, si Chiro din may sugat sa labi ah. Uso ba ang pakikipagbugbugan ngayon?

"Alam mo Nana, merong sugat si Chiro sa labi. Nagka-school rumble ba kanina? Parang wala naman akong nabalitaan na nagkagulo" Napahalumbaba ako kakaisip sa mga posibleng nangyari. 

"Mimi, di kaya nag-suntukan sila?" 

 

"Bakit naman sila magsusuntukan? Hindi naman pati alam ni Chiro yung tungkol sa amin ni Kiel. Ang alam lang niya ay may lalaki ako and besides, I'm 100% positive na hindi mangunguna sa away si Kiel. Malay mo nadulas lang sa saging yung dalawang yun." 

Masyadong Cool si Chiro para makipagsuntukan at masyadong mabait si Kiel. Readers, alam niyo ba kung saan galing yung galos nila? Anuvey, may rason kasi kung bakit hindi ako nanonood ng sherlock holmes eh. =.=

***

POGI ALERT! Hahaha, Joke na totoo. Si Kiel kasi naghihintay sa labas ng pinto namin. Hindi ko ine-expect yun kasi... alam niyo na. Ine-expect ko na si Chiro ang nandun eh. Tss, baka tuluyan ng sinuyo si Lauren. Ugh, bwisit. 

"Uyy, disappointed ang Gaga." Bulong sakin ni Yanna. 

"Che!" 

Niligpit ko yung gamit ko tapos nilapitan si Kiel. Nagkangitian kami. "Ayumi..." 

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now