Chapter 31: Bagay Kayo

40.6K 466 59
                                    

CASSY'S POV

"I hope you could attend our company's 25th anniversary. Take a friend with you if you feel uncomfortable attending alone." Inabot sakin ni Ms. Yano yung invitation. Grabe, pati invitation pangmayaman.

"E-Eh? Bakit mo naman po ako naisipang imbitahan?" Tanong ko.

"You're our company's model, of course you have to be there." Sagot naman niya. Tama nga naman. Tinulungan niya akong magkaroon ng pangalan sa publiko.

"Sige po, I'll attend the party." Sagot ko sa kanya. Sa dami ng naitulong niya sakin, hindi ko na alam kung paano pa ako tatanggi.

She gave me a sweet smile. "Thank you. Una na ako, Cassy. Good luck nga pala sa Shoot mo mamaya." Tumayo siya at umalis na. Ang bait niya talaga. Ang ganda din niya. Ang swerte siguro ng boyfriend niya.

***

CY'S POV

"Late ka na naman. -______-" Reklamo ko sa kanya.

"Sorry na, sinundo ko pa kasi si Kinami sa school." Pinisil niya yung pisngi ko at inabutan ako ng isang bouquet ng flowers.

"Konti nalang talaga, magseselos na ako sa batang yun." Pinagbuksan niya ako ng pinto at umupo ako sa loob ng kotse niya. Umupo siya sa likod ng manibela at kinabitan ako ng seatbelt.

"Alam mo namang napamahal na sakin yung bata." Sagot niya.

"Che! Nga pala, pupunta ka ba sa 25th anniversary ng company nila Ayumi?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, Ikaw ba?"

"Hindi eh, nasa New York ako nun. May new project ulit."

"Aalis ka na naman." Nagpout siya. "Nagseselos na ako dun sa Leading Man mo dun sa Play."

"Luhh? Selos your face! Ang panget kaya ng Leading Man ko. Dumi lang ng kuko mo yung mukha nun e." Syempre gwapo yung Leading Man ko pero lam niyo na, kailangang maging good girlfriend.

"Penge Kiss." Sabi niya. "Ang tagal mong nawala, namiss kita."

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at binigyan siya ng smack sa lips. "Drama mo, di bagay."

Ngumiti siya at binuksan na yung makina ng kotse. "Let's go!"

***

AYUMI'S POV

"I'm glad you were able to attend, Mrs. Ong." Bati ko sa kanya.

"No party would be complete without me, Ms. Yano." Ang kapal naman ng libag ng babaeng 'to. "But dear, di ko inaakalang wala kang taste sa pananamit." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Ngumisi ako. "Mrs. Ong, sinasabi mo bang walang taste ang asawa mo sa pananamit? He complimented me a while ago, he said I looked gorgeous."

"It's simply an act of kindness, dear."

"Well then, you look gorgeous too, Mrs. Ong. An act of kindness." Tumalikod na ako at inirapan siya. This is the business world. There's no such thing as friends here. Only Allies and Enemies. Parang si Jacob at Edward. They teamed up to protect Bella but they're not friends.

Mrs. Ong is the wife of Julian Ong. She's 10 years older than him. Kinasal sila para sa business and that led to Julian's new hobby, flirting. Biruin mo naman, nasa honeymoon sila tapos may ibang kasama sa kama si Julian. Which is why she's bitter towards me. I'm Julian's next target pero syempre, I won't fall.

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon