Chapter 25: The whole story

40.9K 438 22
                                    

AYUMI'S POV

Haiyoo~ May Good news and bad news ako sa inyo. Hihihi~ 

Ang Good news ay mas lalo akong gumanda! 

Ang Bad news ay, panget parin siya. Ew, kawawang babae. Hihihihi~ I'm so mean. 

"Dali na Cy, isa nalang na atis! T3T" Sabi ko sa kanya habang hawak hawak yung kabilang dulo ng paper bag na may lamang masasarap na atis. 

"Hindi pwede! Ta-tatlong piraso nalang yung atis ko! Leave my Atis alone, Bitch!" -Cy

Nakakainis naman, ang damot damot niya! T^T Parang magsha-share lang ng atis eh. Nabitin kaya ako dun sa isang dosenang atis. </3 Huhuhu, gutom pa kami ni baby! 

Maghahanap na nga lang ako ng puno ng atis! Kapag ako nakakita ng puno ng atis, hindi ko ituturo kay Cy kung nasaan! Bawal ang madamot!

T^T Huhuhu, atis...

Nilibot ko yung backyard nila at tinignan lahat ng punong nakatanim pero sa kasamaang palad, walang atis. Pero may CHICO! Mas masarap ito kesa sa Atis, Bleh! 

Kumuha ako ng tatlong piraso at umupo ako sa tabi ng pool. Nilublob ko yung feet ko para mawala yung pagod. Hihihi~ Ang lamig ng tubig sa pool. 

"Tss, magkakasakit ka sa ginagawa mo." 

Naramdaman kong may nagpatong ng jacket sa likod ko at umupo sa tabi ko. 

"Can't sleep?" 

Parang na-drain lahat ng energy ko nang tumabi siya sa akin. Ewan ko ba, naubusan na ata ng Enervon yung katawan ko. "Oo eh, naninibago ako sa lugar." 

"Same here." 

Kinuha ko yung isang chico at inabot ko sa kanya. "Gusto mo?" tanong ko. 

Ngumiti naman siya at kinuha niya yung chico mula sakin. "Salamat." 

"Chiro... why'd you leave me?" 

Ayokong marinig yung explanation pero gusto ko paring mag-explain siya. Ang labo noh? 

"I had to." He gave me a sad smile. "Kung hindi ako aalis, itatakwil ng lolo mo ang pamilya niyo."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Itatakwil? 

"Ayaw ng lolo mo sa pamilya ko dahil itinuturing niyang karibal sa lahat ang lolo ko. Ayaw daw niya ako maging parte ng pamilya niya. He threatened me that if I don't break up with you, he would make you suffer." 

"Pero si Lolo ang naglagay sa Last will and testament niya na ikasal tayo diba?" tanong ko.

"The day you saw me with Jane which was the same day you were hit by a car, I made up my mind. Nag-migrate ako sa Japan para makalayo dahil masasaktan at masasaktan ka lang kapag nasa tabi mo ako."

"That's bullshit." sabi ko.

"I was engaged in Japan. Akala ko naka-move on na ako sayo pero noong wedding day namin, tinawagan ako ni Jane, gising ka na daw. I ran out of the church at nagpa-book agad ng flight pabalik ng Pilipinas. And there, I saw you once more." 

Nagkita kami noong gising na ako?

"Lagi kang nakatulala at wala kang kinakausap. Nakiusap ako sa Lolo mo na payagan akong manatili sa side mo until umayos-ayos yung kalagayan mo. Pumayag naman siya. I stayed by your side for a month and then the day came when you came back to reality." 

Napatingin ako kay Chiro, may namumuong luha sa mata niya pero alam kong pinipigilan niya ito. 

"Alam mo ba kung ano ang una mong sinabi sa akin?" Tanong niya. "Ang sabi mo, 'Sino ka?'. Ang sakit lang diba? Naging malinaw bigla ang lahat sa akin na kailangan ko ng lumayo. Dahil sa takot kong makita yung babaeng iniwan ko sa Japan, sa New York ako nag migrate." 

"Continue..." 

"After 2 years, tinawagan ako ng Mom mo dahil doon lang nila binasa yung Last Will and Testament ng lolo mo tapos ayun, nakita nila na gusto ni lolo na ikasal tayo. Pinabalik nila ako sa Pilipinas and everything else happened." 

I glared at him. "So ikakasal ka pala dapat sa Japan? -.-" 

Biglang naglaho yung seryosong aura sa paligid namin. "H-Ha? Ah--Eh--" 

"Ang landi landi mo talaga!" Hinawakan ko yung sleeves ng hoodie niya at tinulak siya papunta sa pool. "Bahala ka diyan, matutulog na ako!" 

Pumasok na ako sa loob at umakyat papunta sa kwarto namin ni Ayumi. My heart feels so light. Parang natanggalan ng tinik. Hay, bukas na ulit. Matutulog na ako. 

***

Hindi ko ma-keri mag-update ng mahaba. XD Pero nahihiya naman kasi ako dahil ang tagal ko mag-update kaya ayan XD Maiksi pero at least, nagu-update. Hahaha! :D Super Eklaboo busy na talaga ako this and next week. Finals na sa March 15 ^O^ Kailangan tapusin ang clearance.

Sana wag niyo akong iwanan~ Alabyuuu all! :* 

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now