Chapter 14: Sun & Rain

49.3K 587 24
                                    

AYUMI'S POV

Ako po'y napipikon na sa Cy na 'to. Alam niyo ba yung feeling na lagi nalang nakadikit na parang linta si Cy kay Chiro? Uso po ang distansya. May asawa na yung tao. =.=

"Have you seen the Second Part of Breaking Dawn?" -Cy

Hanggang sa Mall kasama namin siya. Ang laking singit lang sa buhay? Itapon ko 'to pabalik ng New York eh. "Hindi pa eh, plano sana namin ni Ayumi na manood mamaya."

'PLANO' kaso isa kang malaking singit. "Chiro, nasa restaurant na daw sila." Sumingit ako sa gitna nila at kinabit yung braso ko sa braso ni Chiro. Bleh. :P

Family Day kasi namin ngayon at hindi ko alam kung bakit nandito si Cy. Ugh, bahala siyang ma-op sa amin. Di ko siya kakausapin, magdusa ang uninvited. Hmpf!

***

"Nakakatuwa ka naman Cy, isa ka palang broadway actress." Puri ni Mommy sa kanya.

"Yes Tita. To be honest nga po, ako ang highest paid actress doon." -Cy

Ano ba yan! Ako yung nao-op eh. >___< "Wow, Ang galing naman." Puri ulit ni Mommy. Hala sige, i-op mo yung anak mo. Diyan ka magaling eh.

"Ayumi, bakit hindi mo sinama si Yanna?" Tanong ni Kuya Gab.

"Kasi nandito siya" Turo ko kay Cy. "Magkaribal yang dalawang yan, di mo ba alam?" 


"Gan--"


"Magkaribal? Sinong magkaribal?" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. 

"Oh Nana, akala ko hindi ka pupunta." Tanong ko.

"Hindi nga dapat kaso pinilit ako ni Mikel eh, sinundo pa ako sa bahay. Na-late rin tuloy siya sa Family Day." Nahihiyang sinabi ni Yanna. 

"Pa, Ma" Nagbeso si Kuya kay Mommy at Daddy.

"Woah, Wait. Aren't you NZ? The Famous Composer?" Tanong ni Cy kay Kuya Mikel. 

"Cy Aquino, Famous Broadway Actress?" Balik na tanong naman ni Kuya Mikel kay Cy.

"It's a pleasure to meet you again. Akalain mo nga naman, kapatid pala ni Ayumi ang pinaka-sikat na composer sa Hollywood? What a small world." -Cy

LAHAT NA! LAHAT NA KILALA MO! >__< Bwishit. Oo nga pala, sikat na composer si Kuya Mikel. May pa-NZ NZ pang nalalaman. Hahaha! Mikel Yano kasi diba? Kasunod ng M ay N tapos kasunod ng Y ay Z kaya nabuo ang NZ. "Magkakilala kayo?" Tanong ni Papa. 

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now