Chapter 22: I hate you

43.3K 468 18
                                    

AYUMI'S POV

Habang naglalakad ako sa hallways, automatic na umaalis sa daanan ko ang mga nakaharang epal. Parang lahat ay naninibago sa kinikilos ko. Tss, akala mo naman hindi pa sila nakakakita ng taong yelo. Nakahanap na rin si Chiro ng katapat niya.

"Kiel! Boyfie ko!" Nilapitan ko siya at hinalikan sa labi. 

"T-Teka? Diba ang girlfriend ni Kiel ay si Cy?!" -Girl 1

"Waaah! What is the meaning of this?!" -Girl 2

Nang maka-recover si Kiel sa ginawa ko, agad niya akong hinila papunta sa Soccer Field. "Ano ang ginagawa mo?!"

Hinalikan ko ulit siya sa labi. "Is it wrong to show affection towards my boyfriend?" tanong ko sa kanya. Dear Cy, I'll be taking back what's rightfully mine. 

"Last time I checked, you broke up with me." -Kiel

"You don't want me back? Naka-move on ka na ba agad, Kiel?" Tanong ko. "Akala ko ba totoo ang pagmamahal na binigay mo sa akin? Bakit parang diring diri ka sa ginagawa ko?"

"Kasal ka na, Ayumi! Nakalimutan mo na ba yun?" -Kiel

"Not anymore, annulled na kami ni Chiro. The Catholic church doesn't allow arranged marriages. Pinaasikaso ko na kahapon and I'm officially yours, again." Sabi ko sa kanya.

"Masisira ang career ni Cy at reputasyon ko sa ginagawa mo. Ano nalang ang sasabihin ng lahat? That I'm two-timing her?" -Kiel

Napakunot ang noo ko. "Have it your way then." Naglakad na ako papalayo. Hindi na ganun ka-laki ang feelings ko para kay Kiel, it slowly faded kasi napalitan ng galit kay Chiro. 

But the fact that he cares more about Cy, hurts. 

"AYUMIIIII! Long time no see!" Tili ni Autumn sabay yakap sakin ng mahigpit. "Bogoshipda!"

"Paki-translate po TnT" Sabi ko sa kanya.

"Ay! Sorry, Sabi ko na-miss kita!" Sabi ni Autumn.

"Na-miss din kita noh! Haha!" I told her. "Kamusta ka naman? Sorry kung bigla nalang kaming nawala ni Yanna." 

"Eto, maganda parin! Hahaha! Joke. Ayos lang yun!" -Autumn

Habang naglalakad kami, kinwento sa akin ni Autumn ang mga nangyari habang wala kami. Ang dami pala naming na-miss na projects. Namiss ko bigla ang Vietnam. Makamusta nga si Zyle mamaya, siya ang rason kung bakit naka-survive kami dun kaya tinuturing ko na siyang malapit na kaibigan.

"Oh! Chiro Oppa!" -Autumn

Hindi ko siya nilingon, ayoko. Galit ako. "Autumn, pwede ko bang makausap mag-isa si Ayumi?" Tanong ni Chiro sa kanya.

"Tara na, Autumn. Magbe-bell na, ma-late pa tayo." Aya ko sa kanya.

"P-Pero si--" Hindi ko na siya pinatapos, hinigit ko na siya papalayo pero agad na hinawakan ni Chiro yung braso ko. 

"Ayumi naman... Please.Ayan na naman yung tono ng boses niya na yan! Para siyang basang tuta na gusto kong alagaan at mahalin. Putapete! Ayoko na! 

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tinignan siya ng masama. "I hate you." 

Tumalikod na ako at naglakad papalayo. 

***

YANNA'S POV

"Yanna, nandito ka din pala." Napatingin ako sa pamilyar na boses na narinig ko. Si Gabriel pala. "Di ko inaakalang pupunta ka sa concert ng Paramore ngayon." 

Nakalimutan mo na ba na sila ang paborito kong banda? Kinalimutan mo na rin ba yun kasabay ng paglimot mo sa pagmamahalan natin? Gabriel... mahal parin kita, mahal mo pa ba ako? 

"Ikaw nga diyan ang hindi ko inaasahan eh." Sabi ko. Sa pagkakaalam ko, wala namang interes si Gabriel sa mga concerts dahil ayaw niyang tumayo ng napaka-tagal. 

"Ah.. Nagpasama kasi si Kathy manood. Libre daw niya." Boom Shakalaka! Masakit sa heart mga dre! Kasama na naman niya yung alipores na sumira ng relasyon naming dalawa. TnT Sabagay, kaya nga ako hiniwalayan ni Gabriel kasi mahal pa daw niya si Kathy. "Nakakatuwang isipin na nagkita na naman tayo sa isang concert." 

Napangiti ako nang maalala ko. Concert noon ng isang banda na sikat noong 80s. Pinilit lang akong pumunta doon kahit na ayoko. Hindi ko nga kasi matanggihan si Mommy. Si Gabriel rin napilitan din noon. Dahil sa ayaw naming manood, tumambay nalang kami sa entrance at doon kami nagkakilala. 

Hanggang sa Naging Bestfriends, Lovers, tapos Strangers. 

"Yanna... may chance pa ba ako?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Chance? Meron pa nga ba?

Ngumiti ako. "Oo naman." 

***

LALALALA~~ Tinatamad akong mag-updateee... Pfft. Anyways, ayan lang ang kinaya eh. Sarreh. :))) Gusto niyo ng teaseeerrrr? XD


MAY TEST! =)) HAHAHAHAHA! :> Ewan ko lang kung anung klaseng test at kung sino ang magte-test. :))))))))))))))))))))))))) Basta may Test! 


Please Support din pala my latest story ^.^ "Try Me" po ang title niya. :)) Tungkol sa gangster churva na may halong fantasy ekla. XD


Para po pala sa mobile readers or sa mga humihingi ng soft copies ng IBA kong story, mahahanap niyo po sa website ko! http://www.nagtatagongdyosa.weebly.com/ or click the external link. 

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now