Chapter 15: Seducing My Ex

50.3K 547 23
                                    

CY'S POV

Naglalakad ako sa hallway nang makita ko si Kiel na papalapit. I have to do this right. Nang malapit na siya, agad akong ngumiti. "Good Morning Kiel." Bati ko sa kanya.

Napatigil siya pero nilagpasan niya rin ako agad. Ah ganun ha.

Here Goes nothing. I confidently walked towards Kiel who's using his locker. Kailangan ko 'tong gawin, hindi lang para kay Chiro kundi para narin sa akin. Ayoko namang habang buhay kaming hindi magpansinan. 

Hinawakan ko siya sa tenga niya at hinila ko siya papunta sa Garden. "A-Aray!" Sinusubukang alisin ni Kiel yung pingot ko pero hindi niya magawa. "Ano ba! Masakit!" 

Alam ko parin ang weakpoints niya. Pagkarating namin sa Garden, binitawan ko na yung tenga niya. Agad niya itong kinuskos at tinignan niya ako ng masama. "Ano nanaman ba? Bakit mo ba ako dinala dito? Para ipamukha sa akin kung paano mo ako iniwan?" Tanong niya sa akin.

"Kiel, Please... Let me explain." Sabi ko.

"Explain? WOW. Do you even deserve to be given a chance to explain yourself? You had 2 years to explain yourself pero ano? Ni-hindi mo manlang ako pinadalhan ng sulat. Tapos ngayon gusto mong mag-explain?" 

"Kiel naman eh, please... Just let me explain myself. Ayaw mo ba manlang malaman kung bakit ako umalis? Kung bakit hindi kita sinipot noong Second Anniversary natin?" Tanong ko. Basag na ang boses ko dahil naiiyak na rin ako. I'm Guilty.

"It Doesn't matter. The only thing that matters is that you and I are over." Naglakad na papalayo si Kiel at naiwan akong nakapako sa kinatatayuan ko. 

***

It's Lunch time. Wherefore art thou Kiel? Ay Ayun! Nakaupo sa isang sulok at nagbabasa ng libro. Bakit hindi siya kumakain? Dati rati naman napaka-takaw niya. Nagagalit pa nga yan sa akin kapag nala-late kami sa lunch eh.

Pumila ako sa Bilihan ng pagkain at Bumili ng dalawang Sinigang at whole rice. Favorite ni Kiel ang Sinigang, pareho kami. Kaya nga kami naging magbestfriends noon.

Binitbit ko yung tray at umupo sa harap ni Kiel. Nagulat siya nang makita ako pero 'di ko yun pinansin. Instead, nilagay ko sa harap niya yung Sinigang. "Kumain ka, baka magka-ulcer ka." Sabi ko.

"Hindi ka ba talaga makaintindi? I don't want you in my life." Malamig na sinabi niya sa akin.

Ngumiti nalang ako. "Naintindihan ko naman ang sinabi mo, pero hindi ba't desisyon ko na yun kung susundin ko o hindi?" Sabi ko. "And I want you in my life." 

"Do whatever you want, ganyan ka naman lagi. Sarili mo lang ang lagi mong iniintindi." Padabog na tumayo si Kiel. Ni hindi niya manlang napansin na naiwan niya yung librong binabasa niya.

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now