𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 08

92 18 0
                                    

Gracie Pov:

Umaga na nung nagising ako kaya ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba na sa sala pero nung nasa hagdan pa lang ako narinig kong naguusap sina mimi at tita Jennifer at hindi ko naman sinasadya na marinig ang pinaguusapan nila.

“naaawa ako sa sinapit ng mga amo ko” biglang sinabi ni mimi.

“hindi mo naman iyon kasalanan nandiyan pa naman ang alaga mo siya na lang gabayan mo para naman masuklian ang kabutihan nila sa atin”

“nang dahil sa kanila kaya naipatayo ang bahay na ito kung hindi sa kanila hindi ko na alam kung saan tayo matutulog ngayon”

“kaya nga eh. Napakabuti nilang mag asawa sayang lang at binawi sila agad” nakita kong nalungkot din si tita.

“pero Jennifer nagaaral pa si gracie at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para makapagaral siya” biglang sabi ni mimi sa kapatid niya.

Nung umalis kami para pumunta dito nagdrop out na din ako sa school at sabi ni mimi na dito na lang daw ako sa probinsiya ipagpatuloy ang pagaaral kaya pumayag ako dahil nandito naman daw yung course ko.

“mahahanapan din natin ng sulusyon yan huwag mo nang isipin” pampalubag loob ni tita”

Tumango na lang si mimi at pinagpatuloy na lang nila ang ginagawa nila. Ako naman pumasok na ako sa kusina at napansin nila ako.

“kanina ka pa diyan anak?” sabi ni mimi.

“opo”

“narinig mob a ang pinagusapan naming?”

Tmango ako. Kung gusto niyo po ibenta na lang natin ang kotse ko para sag anon may magamit tayo sa pagaaral ko at ni Jeanne” sabi ko sa kanila

“sigurado ka ba diyan anak?regalo ng parents mo”

“hindi ko naman iyon magagamit dito”

“kung yan ang gusto mo siyang gagawin natin”

Kaya yun nga ang ginawa namin sinabi ko kay Kristine na may ibebenta akong sasakyan.

“girl bakit naman ibebenta moa ng ktse mo?”

“kailangan kasi at isa pa hindi naman ko na magagamit kasi nandito ako sa probinsiya” sagot ko sa kanya.

“may alam ka bang bumibili ng sasakyan” aniya ko.

“wala pero may alam ako na mahilig na sasakyan bibigay ko na lang sayo ang number niya”

“sige” tipid kong sabi at binaba ko na ang tawag. Maya maya dumating na ang text ni Kristine na number daw ng mahilig sa sasakyan.

Kaya agad kong tinawagan ito.

“this is gracie housman speaking”

“oh ikaw yung nagbebenta ng kanyang sasakyan” sabi ng tao sa kabilang linya. Sa pananalita niya parang pamilyar sa pandinig ko pero hindi namna siguro siya.

“yes sir intrisado ba kayo?” walang paliguy liguy kong saad.

“not so fast miss. Kailangan kong tignan ang kotse”

‘sige po ibibgay ko na lang sayo ang address kung saan tayo magkikita para tignan mo”

“sure” pagkasabi niya iyon nagpaalam na at binaba na niya ang tawag.

KINABUKASAN SINA mimi na lang ang pumunta sa meet up naming sana ng buyer pero sabi ni mimi siya na lang daw para safe ako kasi hindi pa naming alam kung modus ba siya kaya bumayag na lang ako.

Isa sa mga kaibigan ni mimi ang nagdrive sa sasakyan papunta sa address na sinabi ko kanina sa kanila. nandito ako sa kusina nung dumating si Jeanne galling kung saan.

“gusto mo ba ate na maglibot libot dito sa amin?” nakangiting sabi niya.

“sige ba para naman mapamilyar ako dito” tugon ko.

Kaya lumabas kami ng bahay para maglibot libot. Marami pa lang magagandang tanawi dito sa probinsya.

“alam mo ba ate palagi kang kinu-kwento sa akin ni mama noon” biglang salita niya nung nasa isang garden kami.

“talaga”hindi naman makapaniwalang sabi ko.

“oo kasi ang sabi niya ikaw daw ang kauna unahang naging alaga niya simula nung naging katulong siya. At sa lahat ng amo niya ang mga magulang mo daw ang pinak-paborito niya sa lahat kasi hindi sila mapagmataas.”

Talaga naman na maraming humahanga sa kabutihan ng magulang ko. Hapon na nung napagdesisyunan naming na uuwi na at baka nakauwi nadin sina mimi. Kaya naglakad na kami pabalik ng bahay pero nung nasa bakuran kami bigla kong nakita ang sasakyon ko na dapat ibenenta na.

“mimi bakit nandiyan pa ang sasakyan ko?” pagkapasok ko ng bahay at tinanong ko si mimi.

“ayaw daw ng buyer kaya hindi na binili” sabi na lang niya pero kita ko na parangmay mali parang may hindi sinasabi si mimi sa akin.

“pero paano po ang pagaaral ko?” tanong ko pa.

“ako na ang bahala doon basta ang mahalaga makapagtapos ka ng pagaaral mo”

May nararamdaman akong kakaiba sa kinikilos ni mimi para bang may tinatago siya sa akin. Nung sumunod na umaga sinamahan ko sina mimi at Jeanne na pumunta sa school kasi may e-enroll daw ako kasi malapit na ang second semester nila kaya nakipag enroll na din ako.

Nung nakarating kami sa school ginala ko ang paningin ko sa loob ng campus na ito at masasabi ko lang na Malaki ang pinagkaiba nila sa dati kong paaralan pero okay lang naman dito kasi presko ang hangin at marami pang puno na pwedeng tambayan kung sakali man.

Dumeretso kami sa office daw ng principal para dun magenroll nung nakarating kami medyo marami ang tao pero keri lang naman. Si mimi na lang daw ang mag e-enroll sa akin kaya inaya ko ni Jeanne na maglibot libot dito para kahit papaano mapamilyar ko ang lugar.

Nasa likod kami ng isang building nung may nakita kaming dalawang babae kaya mumapit kami sa kanila.

“hello po” magalang na sabi ko.

“hello din… upo kayo at sabayan niyo kaming kumain” dun ko lang napansin na kumakain pala sila.

Umupo naman kami ni Jeanne pero hindi kami kumain kasi nakakahiya.

“ transferee ka ba dito?” tanong ni ng isang babae na may bilugang mata.

“oo kaya nandito kami para magenroll for the second semester”

“kaya pala ngayon lang kita nakita” sabi naman ng isang babae na mahaba ang buhok.

Marami pa kaming napagusapan at sabi nila kaibigan ko na daw sila at sabay sabay kaming pumasok next week. Pumayag naman ako kasi nararamdaman kong mababait sila. Maya maya nagpaalam na kami sa kanila para bumalik sa office ng principal para tignan si mimi kung tapos na sila.

Pagdating namin dito sa office saktong paglabas naman ni mimi at tapos na siyang e-enroll ako. Kaya napagpasyahan na naming na uuwi na kasi medyo pagod na din kmi.

Paguwi naming sa bahay dumerets na ako sa silid ko para matulog na kasi medyo gabi na at pagod din ako ngayon. Pero nung paglabas ko ng banyo may naramdaman akong hangin at parang pabango at hindi ako nagkakamali na siya itong nakatayo sa maliit na Teresa dito sa kwarto ko.

𝗔/𝗡: 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗮𝗹𝗹 𝘁𝗵𝗲 𝗴𝗿𝗮𝗺𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗲𝗿𝗿𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝘆𝗽𝗼𝘀❣️

Flower Of The VampireWhere stories live. Discover now