Chapter 11

29 4 0
                                    

Wyne P.O.V:

“ang kailangan niyong hanapin ngayon ay kung sino ang ashtera flower ngayon sa mundong ito at kailangan niyo itong protektahan” sabi ni mr. lee nung natapos ang kwento niya sa akin.

“paano namin ito makikita may palatandaan po ba?” tanong ko.

“may marka ng isang rosas ito sa kanyang likod at makikita lang ito kung maging full moon at may kasama itong kauri natin”

Kung kinakailangan na halughugin ko ang mundo mahanap ko lang taong yun gagawin ko. Ayoko ng may masama na namang mangyari sa mundo namin.

Natapos ang paguusap namin at bigla na lang itong naglaho at umalis na.

Pagkalipas ng ilang araw nung sabihin ng mga tauhan ko kung na saan si gracie kaya agad agad akong pumunta doon.

******Present******

Nandito ako sa veranda ng bagong bahay na binili ko dito sa probinsiya at tanaw ko si gracie na nakikipagkwentuhan sa isang bata.

Oo tama kayo kami ang bagong lipat dito at kapitbahay lang namin sina gracie dahil hindi ko maatim na mawalay sa kanya. Sa ngayon hindi pa ako handa na magpakita ulit sa kanya dahil alam kong galit pa din siya. Siguro babantayan ko na lang siya sa malayo.

Gracie P.O.V

Nakikipagkwentuhan ako kay Jeanne nung may napansin akong isang lalaki na naglalakad papunta sa sasakyan na nakapark dito sa bakuran namin.

“hanzz!!” sigaw ko dito.

Nakita ko naman na parang nataranta siya at parang hindi niya expect na tatawagin ko siya.

“g-gracie i-ikaw pala?” kinakabahan na sabi niya.

“ako nga bakit kayo nandito? Sinusundan niyo ba ako?”

‘wala ako sa posisyon para sagutin yan” pagkatapos niyang sabihin yung pumasok na siya sa sasakyan at umalis na siya.

Bumalik na ako sa loob ng bahay at iniisip parin yung nangyari kanina.
Kung nandito si hanz hindi posibleng nandito din siya o silang lahat. Pero bakit anong dahilan nila para pumunta dito. mga tanong ko sa isip ko.

-------------------

Two weeks na ang nakalipas nung nakita ko si hanz at sa nagdaang mga araw palagi ko siyang nakikita kasama niya sina reed at Bryant pero ni isang araw hindi ko nakita si wyne na kasama nila.

Nahihiya naman akong tanungin sila baka mapahiya lang ako. Kaya kung magsalubung kami hindi ko na lang sila pinapansin dahil hindi naman nila ako kinakausap.

Papasok na ako sa school nung may naramdaman akong parang may sumusunod sa akin kaya tinignan ko sa likod ko kung meron pero wala naman kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa school.

 
Lunch na nung napagpasyahan namin nila sky and vana na pumunta sa likod ng school para doon kumain. Sa isang puno kami tumambay at kumain na.

“alam niyo ba yung bagong lipat dito sa school na mga boys.ang hot nila grabe” pagkwekwento ni vana sa amin.

“yan ka naman vana sa mga gwapo gwapo na yan ha” sabi ni sky.

Wala naman akong pakialam sa mga lalaki kasi sa totoo lang kahit hindi na nagpaparamdam sa akin si wyne siya pa din ang tinuturi kong asawa kasi nandito pa naman sa akin yung kwistas na binigay niya at hindi pa naman ito nawawala kaya alam ko na ako pa din ang mahal niya at ganun din ako sa kanya.

Siguro busy lang iyon kung kaya’t hindi ito nagpaparamdam sa akin. Papatawarin ko  naman siya basta sana magpakita na siya sa akin.

“tulala lang gracie. Nanyari sayo?” bigla akong yingyug ni sky kaya nawala ang mga iniisip ko.

“ah hindi may naalala lang ako. Kain na tayo” yaya ko na lang para maiba yung topic namin. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nung may dalawang babae na napadaan sa gawi namin at may narinig akong sinabi nila.

“ang gwa-gwapo ng transfere noh lalo na yung si wyne ang seryoso at ang tangkad” napatigil ako sa pagsubo ko dahil don parang bumalik na naman yung naramdaman ko kaninang umaga dito. Kaya lumapit ako sa kanila at tinanong ko sila.

“hmm miss narinig ko kasi yung usapan niyo yung wyne bang sinasabi niyo is may mga kasamang tatlong ring mga lalaki?”

“oo miss kanina lang namin nakita sila at bali apat sila. Ang sabi daw nila may binababtayan daw silang isang babae dito kaya nagtransfere sila.” Paliwanag nung babae.

Sana hindi totoo ang nasa isip ko oo gusto kong makita si wyne pero kasi hindi ko alam kung paano ko ito haharapin parang nahihiya kasi ako sa kanya. Maraming gumugulo sa isip ko na mga what if.

“alam niyo ba kung anong kinuha nilang mga kurso tanong ko pa.

“ang alam ko lahat daw sila sa business management sila nag-enroll.”
“ganon ba. Sige thank you sa time”

Nung umalis yung dalawang babae bumalik na ako  kina sky.

“ano bang yung mga tinanong mo sa kanila?” biglang sabi ni vana.

“hmm wala tungkol lang sa isang bagay”

Nasa gate na ako hinihintay si jeanne para sabay kami uuwi sa bahay para may kasama ko pero biglang may humintong kotse sa harap ko at muntik na akong magbreak down nung lumabas yung tao sa loob ng sasakyan

“wyne” bulong ko.

“yes its me.” Tipid niyang sabi.
Eto nga ba ang sinasabi ko kung wala siya sa tabi hinahanap hanap ko pero ngayon na nandito siya para namang napipi ako at hindi makapagsalita. Buti na lang at may lumabas doon sa sasakyan at sina bryant pala.

“alam kong marami kang tanong sa kanya gracie kaya naman sinama namin siya dito para makapas-usap na kayo ng maayos at kung pwede magkaayos na kayo dahil kami ang kawawa eh” sabi ni hanz.

Nung umalis yung tatlo kami na lang ang naiwan ni wyne dito at parang mabibingi na ako sa katahimikan dito gusto ko sanang magsalita pero kinakabahan ako sa mga titig niya.

“alam kong galit ka sa akin gracie kasi pinabayaan kita pero lahat ng iyon may dahilan kung sana pakinggan mo lang ako” basag niya sa katahimikan.

“okay wala naman na akong choice kundi pakinggan kita”

WYNE POV:

Hindi ko sinabi kay gracie ang tungkol sa bulaklak dahil alam kong masasaktan siya. Dahil kapag nakita na namin ito may posibilidad na ito ang gustong ipakasal ng aking ama sa akin kaya mas mabuting walang alam si gracie tungkol sa ginagawa namin ngayon.

Kahit na ayokong magsinungaling sa kanya wala akong magawa dahil nakasalalay dito ang kapayapaan ng kaharian namin at ito muna ang uunahin ko sa ngayon.
“kung ganon may iba pa kayong kauri dito sa mundo ng mga tao?”
“yes babe meron at matalik pang kaibigan ng ama ni wyne” itong si reed na naman sinasabay yung kalandian kaya nakatikim siya ng malakas na suntok galing sa akin.
Harap harap ba naman akong ginagago. Wala talagang oras hindi niya ako inaasar kaya mga suntok ang abot niya sa akin.
Mahigit isang oras kaming nagkwekwentuhan dito nung tignan ko si gracie nakatulog na ito sa upuan kaya naman binuhat ko siya papunta sa silid ko.

Flower Of The VampireWhere stories live. Discover now