Chapter 13

16 2 1
                                    

ISANG linggo na ang nakaraan nung naghiwalay kami pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari kasi kahit na anong gawin ko hindi ako makamove-on sa nangyari lalo na dahil dito din nagaaral yung babae na hinahanap noon nila na wyne kaya araw araw kong nakikita sila.

Nung una nagtatanong pa sa akin sina vana kung ano daw nangyari sa amin ni wyne pero hindi ko kayang sabihin sa kanila parang gusto ko munang solohin ito. Ang sakit makita na parang wala kaming pinagsamahan sa kanila kasi kung daan daanan nila ako para hangin lang. Palagi pa nilang kasama yung babae.

Kahit na ganon minsan umiiwas ako sa kanila kasi ayokong makitang sweet sila at nagfocus na lang ako sa pag-aaral ko hindi ko na lang inisip ang ibang bagay.

Nandito ako ngayon sa hallway pupuntahan ko sana sila vana sa cafeteria pero nakasalubong ko si ashley yung babaeng sinabasabi nila wyne na ashtera flower daw. Iiwas sana ako pero hinarangan nila yung daan ko kaya tinignan ko na siya.

“alam mo na siguro na ako yung hunahanap nila wyne?” tanong niya. Ilang araw naman na ang dumaan pero bakit ang sakit parang sinasaksak ako sa pagkakasabi niyang asawa niya si wyne.

“alam ko” simpleng sabi ko na lang.

“mabuti naman. Inagaw mo na nga ang pagiging president ng art and design hindi na ako makakapagay na pati si wyne” umalis na sila pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon.

Sa totoo lang hindi ko naman inagaw sa kanya ang pagigng president kasi ang mga tao naman ang nagtalaga sa akin yun. Noon kasi sa department lang namin walang president kaya nagnominate sila pero dalawa kaming na-nominate kaya ang mga classmate namin ang pumili at sa kasamaang palad ako ang napili nila kaya naman simula nun palagi nila akong pinagbabantaan nila ashley lalo na ngayon na wala na sila wyne sa akin.

Ang hirap ang ganitong sitwasyon yung bang parang gusto ko ng mamatay minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung bakit pa ako nabuhay bakit hindi na lang ako kinuha ni lord para magsama sama kami ng magulang ko kasi nahihirapan na ako sa buhay ko.

Yung isang taong tumulong sa akin nawala din pati yung mga tinuri kong mga kaibigan nilayuan ko.

Pagkatapos ng klase pumunta na ako sa waiting shed dito para magabang sasakyan para umuwi. Medyo lumalalim na ang gabi kaya kunti na lang yung tao pero keri lang naman hindi naman ako natatakot dahil may mga ilaw naman.

Ilang minuto lang may dumating na lalake kaya medyo napalayo ako ng kaunti sa dati kong pwesto at baka mudos ito mahirap na. Pero wala naman siyang ginawa kaya naging okay na din ako. Maya maya pa may lumapit sa amin na isang tricycle.

“miss sakay ka na dito hahatid kita sa bahay niyo” ako naman nagtaka dahil sa ganitong mga oras dito mahirap ang tricycle kaya jeep parati ang sasakyan ng mga tao kung late sila umuwi.

Medyo na alangan naman ako at baka may gawin siya akin pero dahil late na sumakay pa din ako kahit may kundi kaba akong nararamdama. Sinabi ko kay manong yung addrees ko at hinatid niya ako sa gate ng bahay nila mimi nung akmang magbabayad na ako tinggihan niya dahil bayad na daw siya..

Nagtaka ako pero hindi ko na tinanong. Nangpasalamat na lang ako at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.

WYNE POV:

Paalis na sana ako ng school nung namataan ko si gracie na naghihintay ng sasakyan sa waiting shed at nagiisa ito kaya nung may nakita akong isang lalaki nilapitan ko ito at may sinabi sa kanya.

“pwede mo bang samahan yung babae don sa waiting shed hanggang makaalis ito” sabi ko dito. Binigyan ko na din ng pera ito.

“cge ba boss”

“wag na wag kang magtatangkang lumapit sa kanya kundi ako ang makakalaban mo” banta ko dito.

Pumasok na ako sa kotse  at pinanood ko lang si gracie pero ilang minuto na wala pa ding sasakyan na dumating kaya naman tinawagan ko na si reed para humanap ng tricycle at ito ang susundo kay gracie nung meron na at natiyak kong safe na si gracie umalis na din ako.
Hindi na kami magkapit bahay ni gracie dahil alam kong masasaktan lang siya kung makita niya kaming magkasama ni noona sa iisang bahay kaya bumalik na lang kami sa mansyon para doon paghandaan kung kailan kami babalik sa mundo namin at bago yun gusto ko munang ibigay lahat ng mga mahahalagang documento kay gracie para siya na ang bahala dito lahat ng maiiwan ko dito at pati na din yung ari arian nila na binili ko noon matitiyak ko na hindi siya maghihirap kung sakaling umalis na kami.

“mabuti nandito ka na may mahalaga tayong paguusapan” bungad ni hanz sakin.

Dumeretso kami sa study room at nakita ko din sina reed at bryant na parang seryoso ang mga ito hindi ko naman mabasa ang mga iniisip nila dahil hinahadlangan nila ito. Kaya wala akong ideya kung tungkol saan ito.

“may isang nilalang na nakakaalam na sa pakay natin dito bukod kay mr. Lee”

“anong sabi niyo diba kunti lang nakakaalam ng bulaklak na iyon”

“hindi namin alam king basta nakasagupa namin sila kanina at doon napagalamanan namin na pumunta sila dito para hanapin ang ashtera flower” sabi ni reed.

“kaya kailangan na pangalagaan natin si noona at baka makuha pa ito sa atin at mabigo tayo”

Hinding hindi ko siya ibibigay ang kaharian  namin ang nakasalalay dito kaya kahit sino papatayin ko alang ala sa kahirian.

“napag alamanan pa namin na may isang huwad na nagpapanggap na ashtera flower para malinlang tayo ng mga kalaban” saad ni bryant.

“ingatan na lang natin ni noona para hindi ito makuha sa atin” sabi ko na lang at lumabas na sa study room.

GRACIE POV:

Dahil wala kaming klase ngayon napagpasyahan ko na pumuntang bayan para maghanap ng trabaho dahil malapit na din ang end of school year.

Nung nakapag paalam na ako kay mimi sumakay na ako ng jeep gusto ko sanang malaman kung saan na lumipat sina wyne pero wala naman akong mapapagtanungan.

Nandito ako sa isang restaurant nung may narinig akong nagsalita kaya nung lingunin ko sina wyne pala kasama nila si noona magtatago sana ako sa isang pader makalipas ng ilang minuto sinilip ko sila na sana hindi ko na lang ginawa kasi nasaktan lang ako sa mga nakita ko.

A/n:
Sorry na Kung bitin medyo busy lang .

❣️❣️Than you tannies ❣️❣️

Flower Of The VampireWhere stories live. Discover now