𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 09

90 18 0
                                    

Her pov:

“sana hindi ka na lang nagpakita pa sa akin ngayon” walang emosyong sabi ko.

“im sorry kung ngayon lang ako humarap sa iyo” sabi niya.

“hindi na mahalaga wala na rin naman akong paki alam pa kasi okay na ako ngayon”

“im sorry wife forgive me”

“okay I forgive you  sana ito na ang huling pagkikita natin kasi ayoko ko na” wala sa loob kong sabi at hindi ko rin alam kung ano ang sinasabi ko sa kanya.

“please let me explain kung bakit hindi ako nagpakita sa iyo ng ilang bawan” nagmamakaawa niya sabi.

Umiling lang ako “ ayoko n asana maintindihan mo” pagkasabi ko iyon lumabas na ako sa kwarto at dumeretso sa kusina.

Nakaupo ako sa safa dito sa sala at iniisip yung nangyari kanina. Kasi sa totoo lang gustong gusto ko siyang yakapin at sabihin na miss na miss ko siya pero wala na akong karapatan dahil una hindi na ako mayaman pangalawa baka may iba na siyang mahal kung kayat hindi siya nagpapakita sa akin noong panahong kailangan ko siya.

Nung bumalik ako sa kwarto ko gaya ng inaasahan ko wala na siya doon kaya pumunta na lang ako sa kama at natulog na ako.

~~~~~'
Kinabukasan maaga akong gumising kasi ngayon na ang unang pasukan ng second semester at ayokong ma late. Pagdating ko sa kusina nadatnan ko sina mimi na kumakain kaya umupo na ako para sabayan ko na sila. Pagkatapos naming kumain naghanda na kami ni Jeanne para pumasok na.

Nandito na kami sa gate ng school nung nakita ko sina skyline at vanadium na nakilala ko noong nag enroll ako. Kaya lumapit ako sa kanila at binate ko silang dalawa.

“hello sa inyo”
“hello din. Tayo na’t baka malate pa tayo” yaya ni van sa amin.

Kaya pumunta na kami sa classroom namin. Si van lang ang ka-klase ko sa lahat kasi pareho kami ng course na kinuha si sky kasi business management ang kurso niya.

Nung pumasok ako sa room masasabi kong okay lang naman kahit papaano kasi hindi gaya sa dati kong paaralan na mga b*itch yung mga nandoon dito kasi ma-approach mo sila at hindi ka nila tatarayan.

Nung breaktime na pumunta na kami ni van sa canteen para magmeryenda hindi naming kasama si sky kasi may klase pa daw. Nung natapos kaming kumain pumunta na kami sa next class namin.

Nung umuwi na ako nagtaka ako kung may kotse sa gilid ng bahay nila mimi pukod sa kotse ko.

“mimi sino pong may-ari ng kotse sa tapat ng bahay?” tang pagkapasok pa lang.

“kotse ng bagong lipat diyan sa kapitbahay natin anak. Diyan lang pi-nark kasi maliit lang yung bakuran nila.”

“sino po yun mimi?” tanong ko ulit.

“ewan ko anak. Pero nung tignan ko kanina apat namang lalaki sa mga binate iyon”

May pumasok sa isip ko kung sino sila pero baka naman imposibleng mangyari iyon hindi na nila kailangan pa. natapos ang paguusap naming ni mimi kayat pumunta ako sa kwarto ko. Pagbukas ko ng bintana parang may naanigan akong tao sa kabilang bahay parang pamilyar eto.

Hindi nga ako nagkamali dahil nung humarap yung lalaki nakita ko na si hanz iyon. Kaya dali dali kong sinara ang bintana at umupo sa kama ko.

Wyne Pov:

Nung nalaman ko ang nagyari sa pamilya ni gracie dali dali kong pina-imbestigahan iyon at nalaman ko na hindi aksedente ang nangyari kundi sinadya iyon ng isang tao na may galit sa pamilya nila. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay gracie iyon tiyak na malulungkot siya. Pero kailangan kong sabihin iyon ang nalalaman ko pero nung paalis na ako sa bahay ko yun naman ang pagdating ng tatlo.

“anong kailangan niyo dito?”taking sabi ko sa kanila.

“may mahalaga kaming sasabihin sayo” sabi naman ni Bryant.

Tumango ako senyales na ipagpatuloy niya kung ano man ang sasabihin niya.

“kailangan na nating hanapin ang  ashtera flower bago pa mahuli ang lahat”

“pero kailangan ko pang puntahan si gracie kailgan niya ako” sabi ko.

Hindi ko na lama ang gagawin ko kasi naguguluhan na ako. Kung uunahin ko ang paghahanap sa ashtera flower bka isipin ni gracie na pinabayaan ko na siya.

“pero king wala na tayong panahon” sabi naman ni reed.

Kaya simla nun hindi na ako nakakapunta kay gracie dahil araw araw naming hinahanap yung bulaklak. Nung isang araw pumunta kami sa school ni gracie at masaya ako dahil baka pakikita ko si gracie dito pero nakarating na kami dito napagalaman ko na wala na pala siya.

At worst lahat ng ari arian nila binenta nila para pambayad ng utang ng magulang niya.
Nasa hallway kami ng paaralan nung parang napansin ko ang isang janitor at parang pamilyar nung nilapitan ko laking gulat ko nung mapagsino ko ito. Walang iba kundi ang kanang kamay ng aking ama na linisan na ang mundo naming at gustong mamuhay ng mapayapa.

“mr. lee” mahinang bigkas ko dito.
Sapat lang para marinig niya ako. Nung tumingin sa akin para gusto niya nang tumakbo.

“a-anong ginagawa mo dito Dylan” kinakabahang tanong niya.

“matagal ka naming hinahanap mr. lee lalo na ang aking ama”

Magsasalita n asana siya nung dumating yug tatlo at kaya ko parang nasasabik sila dito. Si mr. lee kasi ang nagtraining sa aming apat nung bata kami at para na din naming ama siya at minsa parang kaibigan na din.

“halikayo sa bahay ko dun tayo magusap-usap”
Tumango naman kami at umalis na kami sa paaralan at pumunta sa bahay niya.

“bakit kayo nanditong apat.anong kailangan niyo dito sa mundo ng mga tao?” agad agad na sabi niya.

“pinapunta ako ng aking ama dito dahil kailangan kong hanapin ang ashtera flower na tinapon nila dito sa mund ng mga tao” sabi ko sa kanya.

“at kayong tatlo bakit kayo narito alam niyong delikado kayo dito” seryoso niyang sabi sa tatlo

“gusto naming na tulungan si king para mawala na ang sumpa sa angkan nila” sabi Bryant.

“hindi niyo alam ang mga sinasabi niyo” makahulugang sabi ni mr. lee”

“ano png ibig sabihin niyo” tanong ko.

Napapansin ko sa may tinatago si mr.lee sa amin para bang may alam siya sa nakaraan.

“kung may alam kayo pakiusap po sabihin niyo na” tingin ko sa kanya.

“sumunod kayo sa akin”

Kaya tumayo kami at sumunod kami sa kanya. Nandito kami sa isang silid na puno ng mga libro.

“tatapatin ko na kayo… ang hinahanap niyong bulaklak at wala na dahil matagal na itong patay”

Pagkasabi niya iyon  may pinakita siya sa amin na bulaklak.
“eto ang ashtera flower na nabubuhay lang sa mundo natin” nakita naming iyon at para siyang simple rosas lang ito.


𝗔/𝗡: 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗮𝗹𝗹 𝘁𝗵𝗲 𝗴𝗿𝗮𝗺𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗲𝗿𝗿𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝘆𝗽𝗼𝘀❣️ ***

Flower Of The VampireWhere stories live. Discover now