Chapter sixty-one: Bubblegum

109 10 2
                                    

Aubrey's POV:


I wandered around the QEH buildings and fields after I jog, trying to find something unusual until I reached this shady place where dead plants and vines were scattered. It looks like an abandoned garden. May nakapaskil na NO TRESPASSING pero dahil sa kuryusidad ay kumuha ako ng putol na kahoy sa gilid at ito ang ginamit ko panghawi sa damo na hanggang sa tuhod ko lang ang taas.


Mag alas sais na ng umaga pagtingin ko ng relo ko kaya maliwanag na rin. May fountain ito na halatang sobrang luma na, punong puno na ng lumot at dumi. Sa gitna nito ay may nakita akong rebulto ng lalake at isang babae. May mga nakasabit na malalaking dahon at baging kaya tinanggal ko ang iba dito para makita ko ang kabuuan ng itsura ng dalawa.


Kumunot ang noo ko.


"Who are you?" Tanong ko sakanila kahit alam kong hindi naman sila sasagot. Kinapa ko ang cellphone ko para kuhanan sana ng litrato kaso wala akong makapa. Fuck. 


"Babalikan ko kayo." Usal ko pa bago tuluyang umalis. Malamang nalaglag ko yon sa field kaninang nag-jogging ako. Nasapo ko ang noo ko. Paano kung may makakuha don at pagdiskitahan? On the other side, wala naman akong dapat ipag-alala dahil nagbubura ako ng messages pwede ko rin ihack yun kung sakaling mawala at lagyan ng virus para hindi na mabuksan.


Nakarating na ako sa West Wing at ini-scan ang kapaligiran, hoping to find it as soon as possible, and there I saw my black phone case on the grass. I ran towards it. 


"Buti wala pang mga estudyante sa ganitong oras, kundi baka hindi ko na to nahanap." Bulong ko at bago pa man ako tumayo ay may nararamdaman akong presensya sa likod ko na patungo saakin.


"Where have you been?!" Sigaw nya sakin. Ngayon ko lang sya nakitang galit. Halos magsalubong na ang kanyang kilay at umusok ang ilong.


Hindi ko sya pinansin at naglakad sa kaliwang direksyon.


"Fuck." Hinawakan nya ang braso ko kaya naman natigilan ako. "Let go of me." Kamado pero may diin kong utos sakanya. He didn't let go, but I felt his grip loosened.


"I've been calling you million times..." Hindi ko alam kung ako lang o parang nag iba ang tono ng boses nya. A gentle, yielding person?


I didn't come home last night because I know his habits. TSS. Hindi lang yon, I stayed awake the previous night para bantayan kung may kakaiba sa company nila pero wala akong napansin except sa pagdating ng alas dose lumabas sina Lyon, Pierce, Carlyle at Harvey na hawak na papel.


Lumabas sila sa Conference Room. Ang pinagtatakaan ko, hindi ko sila nakitang pumasok. There's either a secret passage, or they've been there before I started to keep tabs on them.


"I waited for you last night." Looking at him right now, he seems fragile. What's wrong with him? Hindi ko sya maintindihan kaya napaiwas ako ng tingin. Ano bang problema ng lalakeng to.


At ano bang problema ko? Bakit ba ako parang tangang nakatitig sakanya ng ilang segundo?!


Fearless Demon QueenWhere stories live. Discover now