Chapter Forty-Three: She's coming

2.9K 71 1
                                    

Chapter Forty-Three: She's coming

Here's the update for you guys! I hope you enjoy reading. I know this may be cliche to the other stories. But, stop comparing my works. If you're not happy to read it, you are free to fuck off. Thankyou~

-DyosangJanelle <3

-----------

Aubrey's POV:



"Queen, ano bang trip mo?" kinukulit ako ni Zoey habang kumukuha ng mga bagong damit, oo madaming damit. A vintage dress, though but still manage to look elegant. Haha.



"Stop. Sinama kita dito para may kasama akong magbuhat, hindi para kulitin ako." Inis na sabi ko sakanya, she's annoying the hell out of me. She's so loud >.<



"May balita na ba kay Steph, Queen?" tanong nya habang inaabutan ako ng mga flip-flops. Lumabas ako ng botique at dumiretso sa fashion wing, kumuha ako ng kung ano-anong pwedeng gamitin para sa pagpasok ko.



"I already found her. Don't worry, one of these days, uuwi na sya." I can't tell her where did I found her, lalo na yung agent thingy. For sure, kukulitin ako nyan kung ano yon. She doesn't still know who I really am.



Pagkatapos namin bumili ng kung ano-ano, umuwi na kami. Nadatnan ko si Cain na nakaharap sa laptop nya habang kumakain ng popcorn. Sinundo naman ni Blake si Zoey. Wag nyo na itanong, nagditch kaming lahat sa kanya-kanya naming klase. Sila Nathan? Wala daw sila ngayon dito sa Pilipinas nagpaalam sya sakin kagabi. I kinda miss him, but I need this feelings fade. This won't help my plan.



"Jayce," napatingin ako kay Cain. Sya lang tumatawag sakin nyan, pero kapag kaming dalawa lang. Tumgingin lang ako sakanya,



"Here's your info and the map of the whole Quin Evans High, kahit yung mga secret passage andyan na. I went there last night, nagawa ko na lahat ng inutos mo." I nod at her, hindi ko sya masyadong kinakausap. Ayokong mapalapit sakanya, dahil baka mamaya ay katulad din sya ng kapatid nya.



"You don't really want me to go, do you?" tanong nya habang nakapout, inirapan ko sya.



"Isn't it obvious? Stop pouting—Gross." sabi ko at kinuha na yung envelope na ibinigay nya. Pumasok na ako sa kwarto at binasa ang nasa loob.



Pagkatapos kong tignan ang mga impormasyon, inilabas ko na lahat ng mga kakailanganin ko. I went into my walk-in closet—Umupo ako sa couch para simulan ng maglagay ng kung ano-anong cosmetics. I will portray a nerdy hot gangster girly look for now, if you know what I mean—Pinagsama-sama na dyan lahat, hindi naman mahirap dahil kinapalan ko talaga ang maglagay ng brow liner. I even use a fake mole on the side of my nose. Nilagyan ko ng concealer ang labi ko para magmukhang pale at nilagyan ng unting pink lip tint para whitish-pink yung kulay. I curled my hair, yung sobrang kulot at sinuklay ito pagkatapos, and it looks so frizzy this time.



Kinuha ko lahat ng mga pinamili ko kanina at namili ng isang pares na skater skirt at maluwang na damit. (Yung pang ghetto) Tumapat ako sa harap ng salamin. Nagsuot ako ng black stockings at sinuot ang vans na shoes.



Nagvibrate na ang phone ko. Paglabas ko ng kwarto ko, nanlaki ang mata ni Cain.



"W-who are y-you?" sabi nya at biglng dinukot ang dagger sa boots nya. Inirapan ko sya.



"Don't overreact." sambit ko at umupo sa couch habang hinihintay si Liam. He'll portray as my father. Ang labas ko ngayon, isang patapon na anak. Pero nerd ako. Yes, I get it. Walang nerd na astig. Walang nerd na mataray. But it's time to change the appearance of the nerds Pake mo ba? I don't want to portray as a pathetic nerd—Isang boarding school ang papasukan ko. Kaya hindi ako dapat magpadalos-dalos baka may makahalata sakin, masyado ng cliche ang nerd na paawa.



Fearless Demon QueenWhere stories live. Discover now