2

1.6K 59 0
                                    

Mess

“Dumaan na ba?”

Tinapos ko ang paglalagay ng Channel nude lipstick sa aking labi bago nilapitan si Raia na nasa bungad ng pintuan ng kwarto kung saan kami naka-check in.

Sinabi ko ritong abangan kung dadaan ulit si Trojan. Nakita ko kasi siya kanina, mukhang may pinuntahan sa kabilang kwartoo kung doon nga ba.

“Wala pa.” Irita niyang sagot.

Pinigilan ko ang sariling ngumisi. Sinasabayan niya ang aking trip ngunit nagsusungit. Paano ba naman ayaw na ayaw maaabala sa mga ginagawa niya.

Nagkatinginan kami. She raised a brow which made me smile. “Huwag kang mag-alala, hindi ko naman siya aasarin.”

“Isusumbong kita kay Kuya Luke.” Pananakot niya.

“Ang kj mo! Did you forget? He annoyed me last time! Ano, walang rebut-rebut? Asa ka.” Sabi ko.

Hindi ako iyong klase ng babae na magpapadaig, kahit lalaki pa makaharap. Isa pa, kakausapin ko lang naman ito at pwede ring bigyan ng pagkakataon na humingi ng dispensa sa akin.

I know right. I am an ego centric kind of a woman. What I want must happen. What I need must be provided.

Raia smirked at me, crossed-arms. “I will definitely laugh hard when you fall for that guy, Thrana. So damn hard.”

I winced. What an early remark, girl. “You dream.”

Ang tawa nito ay naging dahilan upang mangunot ang aking noo. Maya-maya lang ay sumama na ang tingin ko rito nang hindi niya ako tantanan.

“Stupid. He may be a garbage collector in our eyes but I don't want to deny the fact that he is cool and handsome, girl.” She praised. Fan?

I let out an exhaust sigh. Ibang klase rin ang taong ito. “What a haywire imagination, Raia!” I shot.

“Yie!”

“Tanga.”

Lumakas ang tawa niya kaya nagpasya akong iwanan siya sa kwarto. Naaasar lang ako. Imbes na maghintay kay Trojan na muling dumaan doon ay sinundan ko na siya sa kabilang kwarto.

Gumala ang aking mata sa mga kwartong nadaraanan ko. Sinigurado kong walang ingay ang magagawa ng aking suot na Black flip flops.

Sa isip-isip ko, dapat ay nagsasaya ako sa malinis at asul na asul na dagat. Ngunit sa taglay kong asar, heto ako at sinusundan si Trojan.

“Where could he possibly stay?” I asked myself. Sarado ang mga kwarto at parang walang tao. I canʼt hear any noises.

“Sinusundan mo ba ako, Miss?”

Muntik na tumalon ang puso ko sa kaba dahil sa biglaang pagsulpot ni Trojan sa aking harapan!

I acted like I wasnʼt care nor affected by his mushroom action kahit sa loob-loob ko ay naghuhurumentado na ito.

Ngingisi-ngisi siyang umip-ip sa kaniyang sigarilyo. He even played its smoke like a pro! I immediately cover my nose and throw him glares!

“Do not smoke. I could have an asthma!”

“Bakit mo ako sinusundan, Miss? May kailangan ka ba?” Tanong niya, binalewala ang aking sinabi. Itinagilid niya ang mukha upang hindi ako ang direktang mabugahan ng usok.

Hindi ko magawang makapa ang sasabihin. Sinusundan ko nga ba siya? Oh hell, yes! I just said it earlier because I want a rebuttal. Damn.

“E-Excuse me? You?” I pointed my newly-polished index finger at him. “Me? Gonna follow you?” Sarkastikang tanong ko rito. “Who you?” Tumawa pa ako ng peke.

Indestructible Waves (Phases of Poison #1) Where stories live. Discover now