3

1.2K 51 1
                                    

Cute

Napaka-challenging ng character ng lalaking iyon. Masungit. Antipatiko. Kung ako ang tatanungin, wala akong balak na makipaglaro sa kaniya. Ang gusto ko lang ay—

“Attention-seeker ka na yata, Thrana?” There. Raia said it already. I want attention.

“Excuse me? Who told you that I want his attention, huh? Isang malaking asa!” Depensa ko, isinuot ang aking channel shades.

“Kung ganoʼn, bakit tayo narito sa tapat ng kwarto niya—damn!”

Mabilis ko kasing tinakpan ang bibig niya dahil napalakas ang pagkakasabi niya niyon! Baka mamaya ay biglang lumabas sa kwarto si Trojan, makita kami!

“Ano ba?” Inis niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya at pinunasan. Iritado niya akong tiningnan.

I smiled. “Huwag ka kasing maingay, girl.”

Inirapan niya lang ako.

Hindi ko muna ito pinansin. Imbes ay dinukot ko ang aking maliit na salamin at naglagay ng liptint sa labi. Maganda at presentable pa naman ako pero mabuti nang sigurado na hindi ako magmumukhang panget sa harap ng lalaking iyon.

“Katukin mo na kaya?” Naiinip na utos ni Raia. Thirty-five minutes pa lang naman kami rito. Buti na lamang talaga medyo malapit ang room niya sa room namin.

Dapat talaga hindi ko na isinama ang babaeng ito. Napakareklamador, oh! Woah? I have realized one thing.

“Shit, Raia. I..I forgot my alcohol!” I hysterically uttered. Hindi ko kasi iyon pwedeng kalimutan kahit saan ako magpunta dapat dala ko iyon.

Huminga ito nang malalim. “Thrana, konti na lang lilipad ka na papunta sa Mars. Hintay ka rito o hindi kaya sa room na tayo magkita.”

Inirapan niya ako bago tumalikod at naglakad papaalis. Pinanood ko lamang siya hanggang sa hindi na siya abot ng aking paningin. Sungit.

“Anong ginagawa mo rito, Miss Thrana?”

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Halos panawan din ako ng hangin sa katawan nang marinig ang boses ni Trojan!

Shit. I cussed under my breath, slowly turned my face to him.

Ilang ulit akong napalunok nang mapagtanto ang dahilan kung bakit nga ba ako naririto sa tapat ng silid niya. Oh, gosh.

“Miss Thrana?” Ulit niya, marahang isinarado ang pinto ng silid niya.

Umayos ako ng tindig sa harap niya, bahagyang itinaas ang kilay. Just pretending. “Iʼve lost my channel ring on the shore. Can I ask for some help?” Banayad kong pagtatanong.

Ang totoo, hindi naman iyon totoo. I don't know. I just want to pull his ass off.

Peke itong tumawa, hindi makapaniwala. “Seryoso ka ba?”

I winced. Do I look like a joker here? Pauso rin ito. “No. I am dead serious. Bigay pa iyon ng mom ko. I can't lose it.”

Ganoon na lamang ang pag-iinit ng aking mukha nang mapagtantong wala siyang suot na damit pang-itaas! Oh, geez. Bagong ligo ang antipatiko.

Nag-iwas ako agad ng tingin. Mahirap na masabihang nag-eenjoy ako sa view. Duh.

“Tss.” Mukhang naalerto siya kaya bumalik siyang muli sa loob ng kwarto niya.

Pinaypayan ko ang aking sarili. Hoo! Pakiramdam ko ay nagbabaga ang dalawa kong pisngi. Hindi naman bago sa akin ang makakita ng lalaking topless—pero bakit iba ang dating kapag siya? Gahd.

Indestructible Waves (Phases of Poison #1) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu