21

961 43 1
                                    

Handkerchief

Gabi ring iyon ay ihinatid ako ni Troy sa bahay. Gaya ng nakasanayan, nasa labas ng gate si daddy at naghihintay sa akin.

Hindi pa man nagsasalita si daddy ay nagpaliwanag na siya agad. Kung bakit daw hindi ako nagpahatid sa driver namin. Sinabi ko lang na may motor si Troy.

Hindi mawaglit sa labi ko ang ngiti nang maalala ang paraan niya ng pakikipag-usap sa daddy ko. Maginoo talaga at ramdam ang respeto.

"Kung papayag po kayo...ako na lang po ang maghahatid-sundo kay Thrana tuwing uwian, Sir Gon." Tumingin siya sa akin. "Makakaasa po kayo na hindi siya iuuwing may galos sa katawan."

Dad glanced at me for a second then back to Troy. "What if I disagree? Thrana isn't your girl. You are not her suitor as well. So...why bother?" He emphasized.

Ngumiti si Troy. "Her security matters to me. Pero igagalang ko po desisyon niyo, Sir Gon."

Dad smirked then turned his back at him. Before he could even leave, he says the word that made my heart jump continually!

"I'm counting on you, young lad."

Dahil sa mga nangyari ng araw na iyon ay halos ikapunit na ng labi ko ang palagiang pagngiti. Nakatulog tuloy ako ng mahimbing kagabi.

"Siya nga pala anak? Sa November 15 na ang birthday mo. Have you decided who to put in your eighteen roses? And your plans like themes, location like that. Do you have any?" Nasa hapag kami at kumakain ng almusal nang magtanong si mommy.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bakit ba nawala na sa isip ko ang bagay na iyon? I'm turning eighteen this November. And I still have enough months to decide which, what, who and where-thingy.

Umiling ako, tipid na ngumiti. "As of now, hindi ko pa po alam kung anong...gusto ko."

Lumiit ang mga mata niya sa aking sinabi. Maya-maya ay napangiti. Pasimple pa niyang siniko si daddy. The latter then glance at her, talk to her telepathically.

Humaba ang nguso ko. "Can you give me some time to think po? Hindi ko pa po kasi talaga alam ang details and all, e. Por favor?"

Mom giggled. "It's alright, Thrana. Don't stress yourself too much. We can help you naman."

"Thanks, mommy." I said sweetly.

"I suggest we can held that in Spain. Everything will be under control because of your relatives. What do you think?" Dad interjected.

Naiisip ko na rin naman iyon. Kaya lang kasi, paano kung may gusto kong imbitahan na taga-NU? And what if tanggihan niya ang invitation kapag nalaman niyang sa ibang bansa ako magde-debut?

"I...uh...parang ayoko po?" Sabi ko, nag-aalangan.

Tumango lang si daddy ng mababaw. Alam kong naintindihan nila. Hindi naman nila ako pipilitin kung ayaw ko.

Patapos na akong kumain nang marinig ang pamilyar na tunog ng motor sa labas. Kapwa napatingin sina mommy at daddy doon. Ako naman ay nagpigil ng ngiti. Nandito na si Troy!

"Your friend's here," tikhim ni daddy.

Alam kong may iba pa siyang pakahulugan sa salitang 'friend'. Hindi ko na lang pinansin pa. "I'll just fixed myself, dad." Paalam ko at tumayo na.

Madali akong nanakbo paakyat at inayos ang sarili. Putting a little bit of liptint on my lips and applying powder on my face are enough. Maganda naman na ako kaya hindi na kailangan ng kolorete sa mukha.

"Magandang umaga po, Sir Gon, Ma'am Alloira. Si...Thrana po?"

Nasa gitna na ako ng hagdanan nang makita si Troy na kausap sina daddy. Gaya ko ay nakauniform na rin siya, handa na sa pagpasok. Napasinghap ako nang bigla siyang mag-angat ng mata sa akin.

Indestructible Waves (Phases of Poison #1) Where stories live. Discover now