CHAPTER 1

552 21 0
                                    

welcome to my 2nd Story mga cute readers. I hope you'll like it.

FLASHBACK...

Honey Hereira's POV

Nakakairita talaga!! Andito na naman Kasi ako, naglalakad papunta sa bahay Nina ate Novie Kasi inutusan na Naman ako ng kuya Alvin ko.
Inutusan nya Lang Naman ako na magpadala ng love letter Kay ate Novie. Ano bang akala nila sa kin? LBC?
Nakakainis na talagang pumunta palagi sa bahay Nina ate Novie Kasi naiinis ako sa kapatid nyang lalaki na si Clent.
Gusto nyong tanungin Kung bakit ako galit dun? Eh Kasi Wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako ng "Negra"
Hindi Naman ako masyadong maitim.

Nakarating ako sa bahay Nina Ate Novie at badtrip nga Naman Kasi si Clent Ang nasa bakuran nila at nag aayos Ng bisikleta.

"Oh!! Negra andito ka na Naman? Miss mo agad ako?" He chuckled while asking.
Tsk. gwapo Sana kaso mahangin Lang.

"Pilingero! Si ate mo Ang pinunta ko dito. Asan ba sya?" I asked him.
Saglit siyang napatitig sa kin. Ewan ko Kung anong iniisip nya pero talagang nakakailang Ang pagtitig nya sa kin. Nakakainis.

"Uh... Wait. Tatawagin ko Lang" sa wakas nagsalita na Rin.
Hininto na muna nya Ang pag aayos Ng bisikleta at tumayo na sya.
Pero di ko nagustuhan ang sunod nyang ginawa.
He took off his t-shirt!! In front of me?! Namamawis na Kasi sya.

"Hoo!! Ang init Ng panahon Noh?"
Sabi nya nang humarap sya sa kin. Tinitigan ko Lang sya ng masama.
Inaakit nya ba 'ko sa paghuhubad nya Ng damit sa harap ko?
Dahan dahan Kong binaba Ang tingin ko papunta sa tiyan nya.
Shocks!!!
Nanlaki Ang Mata Kong napatitig sa Mata nya. Tapos binalik ko ulit Ang tingin ko sa 4packs abs nya.
Really??!! He is still 17 years old pero may nakakatakam na siyang abs.
Ang naaalala ko, payaso pa sya noon at Wala siyang kahit isang abs noong 15 years old kami. Ang bilis namang magkaroon.

I heard him chuckled Kaya napatingin ulit ako sa kanya. Mabilis Naman syang tumalikod at pumasok na sa bahay nila.
"Ate!! Andito si Honey!!"
Rinig Kong tawag nya sa loob. Maya maya Lang, nakita ko nang nagmamadaling tumakbo si ate Novie sa kin.

"Ate.. pinapabigay po ni Kuya Alvin" mahinang Sabi ko sa kanya Kasi baka marinig Ng magulang nila.
Mabilis nyang kinuha sa kin Ang love letter at itinago iyon sa bulsa nya.

"Thank you." Bulong din nya sa kin habang nakangiti Ng malapad at muli na syang bumalik sa loob Ng bahay.
Si ate Novie Kasi at Ang kuya ko ay magjowa. Pero secret Lang namin yun Kasi pinagbabawalan pa daw si Ate Novie na magkaboyfriend.

Muli na akong bumalik sa bahay at pumasok na sa kwarto ko.
Nakakainis oh!!
Nangingitim na Naman Ang balat ko. Mukhang Hindi na 'to babalik sa dati na kulay. Si kuya Kasi eh. Kahit tanghaling tapat, inuutusan nya pa din ako na pumunta sa bahay Nina ate Novie. Bilad na bilad na ako sa araw. Mukha na talaga akong Negra.

"Honey!!"

I heard kuya calling me Kaya nagmadali akong lumabas Ng kwarto ko at pumunta sa kwarto nya.
"Oh kuya. Nabigay ko na Kay ate Novie."
Sabi ko.

" Tapos? Ano Sinabi nya?"

"nagthank you Lang sya. Ang laki nga Ng ngiti nya eh"

Ngumiti Ng Kay lapad si kuya sa kin. Iba talaga Ang impact Ng love sa kanya. Ganyan ba talaga Ang pag ibig? 

"Psst. Hi Negra"

Huh?! Boses Yun ni Clent!!
Irita akong napatingin sa may likuran ko. Si Clent nga.

"Oh. Bat ka nandito?"

"Tabi" Sabi Lang nya at diretso syang pumasok sa kwarto ni kuya. Feeling close!! Pabigla bigla pa Naman syang pumapasok dito sa bahay.

"Kuya, pinapabigay po ni Ate."
Sabi nya Kay kuya at may inabot Itong love letter din.
Pagkatapos nun ay lumapit na sya sa kin at sumandal na muna sya sa pinto.

Kitang Kita namin Kung paano napangiti si kuya habang binabasa Ang sulat ni ate Novie para sa kanya.
Hayy!! Pag-ibig nga naman.

"Honey. Nagready ka na ba para sa pasukan?" Pukaw ni Clent sa kin.

Oo nga pala, sa susunod nang araw Ang pasukan namin sa 4th Year Highschool. At Ang Alam ko, classmates ulit kami ni Clent.

"Aba syempre naman naghanda ako Noh! Last week pa nga ako nakabili ng school supplies."

" Hmm.. okay." Sagot Lang nya at nagpaalam na syang uuwi na.

Masaya akong classmates ulit kami. Wala akong gusto sa kanya ha, noon Lang siguro nang mga paslit pa kami.
Pero sa ngayon, mas pinagtutuunan ko Ng pansin Ang pag aaral at malamangan sya.
Kaming dalawa Kasi Ang madalas na naglalaban sa klase. Minsan sya Ang top1 at top2 ako. Minsan Naman, ako Ang nagiging top1 at sya Ang top2.

And I will make sure, this school year, ako na Ang magiging valedictorian sa Highschool. Hindi ako papayag na matalo nya 'ko.

That Should Be MeWhere stories live. Discover now