CHAPTER 13

312 22 7
                                    

Five days na lang ay graduation na nila. Excited na si Honey. Sa mga nagdaang araw kinalimutan nya na muna Ang mga hinanakit nya Kay Clent dahil alam nyang Hindi sya makakapagfocus sa pag aaral kapag inisip nya pa ito. Hindi na din naman sila masyadong busy.
Nagreready na Rin sya para sa OJT nya.

Narinig niyang nagring Ang kanyang phone kaya kinuha nya agad iyon sa bulsa.

'God! Si TJ! Akalain mo yun? Tumatawag sya sa kin.'

"Hello?..." Kinikilig na Tanong nya. Natutop nya Ang bibig dahil di nya inaasahang maging malandi Ang tono nya. Kinilig lang naman kasi sya Kaya di na nya nakontrol Ang boses.

"Hello bebe ko!!!"
Bungad ni TJ sa kanya. She felt her heart jumped!!

"Che! Bebe ka dyan! Napatawag ka?.. "
Sumbat nya dito pero Ang totoo, Hindi na nya alam Kung saan banda titili. Paniguradong may makakakita sa Mukha nya Kung titili sya.
Nasa campus pa kasi sya ng mga oras na yun.

"Haha! I just want to greet you. Libre ka ba ngayong gabi. I want to have dinner with you."

"sure! Anong oras ba?"

"Ehemm.. payag agad! Yan Ang gusto ko sa bebe ko"
Sambit ni TJ sa cellphone at napatawa ito. Di rin nya maiwasang mapangiti ng abot Tenga.
Masarap sa Tenga Ang pagtawag nito sa kanya Ng "bebe ko"...

Alam nyang nang aasar lang ito pero di pa Rin nya mapigilan Ang sarili na kiligin dito dahil Isa Itong model.

"Ayyiieeee!! Bumabanat si Sir!"

Dinig na dinig nya Ang nagtitilian sa kabilang linya. Naalala agad nya Ang makukulit na mga kasambahay sa bahay ni TJ Tanjuanco.
Paniguradong inaasar ng mga ito si TJ.
Napatawa sya.

"Duhhh!! Syempre papayag ako. Wala naman akong gagawin mamayang gabi eh."

"ehmm.. wala kang gagawin mamayang gabi? Gusto mo ba may gawin TAYO?.."

Nagulat sya dahil sa pang aakit sa boses Ng lalaki. Sinumpong na namang sya ng kakirengkengan.
Damnnnnnn!!!
Gusto na nyang mapasigaw. Muli nyang narinig Ang tilian Ng mga kasambahay.

"No!! Ikaw TJ ha. Sapakin Kita dyan eh"

"Easy lang Honey. Ang green-minded naman neto... Pinapatawa ka lang eh."

Napatawa na sya...

"well effective naman yang patawa mo"

"so.. I'll pick you around 6:40?"
Tanong ni TJ sa kabilang linya.
Mabilis niya Itong sinagot ng okay at
Umuwi na agad sya para makapagligo.

....

NAKAngiting pinagmamasdan nya Ang nagmamanehong si TJ sa sarili nitong sasakyan. Nakaupo lamang sya sa tabi nito at nanggigigil na tinititigan Ang kakisigan ng lalaki. Parang gusto nyang punuin Ang Mukha nito ng mga halik nya.
He is just wearing a plain royal blue t-shirt and pants pero tila nagmukha pa Rin Itong model.
Nagkataon din na royal blue din Ang suot nyang dress na off-shoulder. Nagmukha tuloy silang couple.
Iniisip pa Lang nya Kung ano Ang magiging reaksyon ng mga babaeng makakakita sa kanila, paniguradong maiinggit ang mga ito.

"We're here."
Tugon ni TJ nang makarating sila sa isang simpleng restaurant. Sya kasi Ang pumili ng restaurant. Ayaw nyang pumunta sa mamahaling restaurant na kasama Ang isang modelo dahil maraming magaganda at mayayaman na babae sa mamahaling restaurant. Baka laitin ng mga Mata nila Ang pagkatao nya pag nakita syang kasama ng isang model.

Inalalayan syang makababa ni TJ at sabay silang pumasok ng restaurant. Pero bago yun, nagsuot muna si TJ ng maskara ni Cat noir. Hindi naman niyon natatakpan Ang buong Mukha ng lalaki pero okay na rin iyon. Lumalabas pa Rin Ang kagwapuhan ni TJ kahit nakamaskara ito.

Tuluyan na silang nakapasok ni TJ sa restaurant at tama nga Ang hinala nya. Pagtitinginan sila ng mga taong nandoon.
Gwapo pa Rin kasi si TJ kahit may takip sa palibot ng Mata. At sa tindig pa lang nito, ulam na...
Katawan pa lang nito at tila gayuma na para sa mga babae.

Umupo sila sa isang table sa may dulo at nag order na ng makakain.
Pagkatapos ay nagkwentuhan na muna sila.

"May mga kapatid ka ba?"
Tanong nya.

"Yeah. Isang lalaki. Kaedad mo Lang at gwapo din. Pero mas gwapo ako."
Pagmamayabang nito.

" Mahangin! Kaya pala nilalamig ako dito" pang aasar din nya sa binata sabay tawa.

Ngumisi ito na tila isang bata na nanghihingi ng piso.

"Bakit? Sinasabi mo bang panget ako? Ouch naman..."

"Di naman sa ganun... Ipakilala mo na lang Kaya sa kin yang kapatid mo para malaman ko Kung sinong mas gwapo sa inyo"

"ah sus! Wag na. Baka matipuhan mo pa't maichapwera ako"

Pag iinarte nito. Mas lalo pa syang napatawa. Di nya alam na may ganitong ugali si TJ. Marunong Itong makisama pero mahangin din minsan. Makisig ito pero maarte din.
Nagmukha pa ngang bakla Ang naging  tono ng pananalita nito kanina.
Pero sa pinapakita sa kanya ni TJ, mas nagmukha Itong lalaki sa paningin nya.

Dumating na ang kanilang order Kaya nagsimula na silang kumain pero nagpatuloy pa Rin sila sa pag aasaran at pagkikwentuhan
Ngunit may napansin syang nakamasid sa kanila.
Lumingon sya sa may likuran ni TJ at nagulat nang makita ang mga kaibigan doon.

Sina Yvo at Clent ay parehong nakatingin sa kanya Ng matalim.
Si Justin naman, nakangiti lang at tila nang aasar.
At si Luisa, na abot Tenga Ang ngiti at tahimik na tumitili.

"Bat nandito Itong mga 'to??"
Bulong ni Honey..

_____________

Short update Lang po for you all.
Sana madaming comments ngayon...
Loading na kasi ang isip ko Kung Anong idudugtong ko dito.

That Should Be MeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu