CHAPTER 5

311 14 1
                                    


Still Honey's POV

Natapos Ang exam namin at thankfully walang nabagsak sa min.
Lahat ay improving.

Mabilis ding nagdaan Ang panahon at ngayon ay busy na Ang mga estudyante sa 4th Year Highschool para sa gaganaping JS Prom next week.
Excited ako and at the same time, kinakabahan din Kung ano Ang magiging hitsura ko.
Ngayon pa Lang, Hindi na ako lumalabas Ng bahay para Hindi na ako umitim. Hindi Naman Kasi talaga ako maitim. Light brown Ang true color ko. Niready ko na Rin Ang mga make up na gagamitin ko pati na Rin Ang sandals.
Pero Wala pa akong gown. Mahirap pumili eh. Ang hinahanap Kong gown ay Yung maganda at Yung makakakuha Ng atensyon ni Clent.

"Honey!! Halika Muna."
Tawag na Naman ni kuya Alvin. Hayyst!! Ayan na Naman!!

" Oh ano na Naman?!"

"Ibigay mo 'to Kay ate Novie mo" nakangiting utos nya. Love letter na Naman.
" Paulit ulit na Lang. Iitim na Naman ako Nyan eh!"

"Sige na bunso. At diba Wala ka pang gown? Pwede Kang humingi Ng tulong Kay Ate Novie mo"
Sabi ni kuya. Kung sa bagay may point sya dun! Ate pa naman ni Clent si ate Novie Kaya siguro pareho sila Ng tastes.
"Okay"
Sagot ko at kinuha ko na Ang love letter. Mabilis Akong tumungo sa bahay nila.

Kumatok ako sa pinto at binuksan iyon ni Tita Clarisse.
"Oh hija. Napadalaw ka."

"Good morning Tita. Nandyan po ba si ate Novie? Pwede ko po ba sya kausapin?"

" Nasa kwarto nya. Puntahan mo na Lang."
Sabi ni tita, at pumasok na ako sa bahay nila. Tinungo ko Ang kwarto ni Ate Novie. Tuwang tuwa sya nang Makitang may love letter na Naman akong dala.

"Ate pwede po magpatulong?" Tanong ko sa kanya.
" Oo Naman. Ano Yun?"
Tanong nya.

" Magpapatulong Sana ako Kung ano Yung pwede Kong suotin sa JS prom namin." Tugon ko sa kanya. Lumiwanag Naman Ang mukha nya. Ate Novie is good at this. Fashionista Kasi syang babae.

"Clent!! Halika muna dito"
Tawag ni Ate Novie Kay Clent. Lumapit Naman si Clent sa Amin.

"Clent. Ano sa tingin mo Ang mas magandang kulay para sa gown ni Honey?" Tanong ni Ate Novie.
Nakaramdam ako ng hiya. Naku Naman! Nakakahiya Naman Kay Clent. Dapat secret Lang 'tong paghahanda ko eh. Gusto Kong masurprise sya Sa transformation ko.

"Hmm.. para sa kin ate, mas attractive Ang red. " Tugon ni Clent.
Aba! Mukhang maganda nga Ang red ahh. Okay Clent pipiliin namin Yung pinakamagandang red gown.

Sinamahan ako ni Ate Novie sa pagbili Ng gown. Sya Rin Ang pumili ng gown ko Kasi marunong syang pumili Kung ano ang bagay sa kin.
And finally!! Nakahanap na ako! This gown is really nice. Sana magandahan sa kin si Clent.
..........

A WEEK PASSED...

Nasa kwarto na ako, at nakasuot na Rin Ng red gown na binili ni Ate Novie para sa kin.
Si Ate Novie na Rin Ang nag ayos sa kin.

"OMG girl. Ang ganda mo naman pala!" Bulalas ni Ate Novie pagkatapos nya akong make-upan. Tumingin ako sa salamin at Oo nga. Ang ganda ko.

"So ibig nyo po bang sabihin ate, pangit ako noon?"

"No honey. What I mean is.. maganda ka pa Rin noon pero Hindi ka nga Lang marunong mag ayos."
Sabi ni Ate Novie.

Lumapit Naman si kuya Alvin sa min at umakbay sya Kay Ate Novie. Ang sweet.

"Maganda ka na bunso. Maiinlove na sayo Ang crush mo" natatawang sambit ni kuya sa kin.
Sana nga magkagusto na sya ULIT sa kin.

"Wala Naman akong crush kuya eh"
Pagtatanggi ko pa.

" Sus sinungaling" Sabi pa nya.

Pagkaraan Ng ilang minuto, hinatid na ako ni kuya sa school...
Magsisimula na rin Kasi Ang JS Prom.

"Girl!! You're so pretty!!!"
Bati agad ni Luisa sa kin. Maganda na nga ba talaga ako??
Marami na kasing pumapansin sa kin.
OMG. So ibig sabihin manonotice na Rin ako ni Clent sa wakas!
_______

Nagsimula Ang sayawan at kaming dalawa ni Yvo Ang magpartners. Magpartners din Sina Luisa and Justin.

"Ang ganda mo ngayon Honey ha. May inaabangan ka bang lalaki ngayon?"
Tanong ni Yvo sa kin habang sumasayaw kami Ng solemn dance.

"Wala Naman. But I just want someone to notice me kahit ngayon Lang" nakangiting sagot ko sa kanya.

" Ehemm.. Sino Naman Kaya?"
Nakangiting tanong nya. Di nya pwedeng malaman Kung sino Noh! Barkada nya si Clent Kaya for sure, ikekwento nya Kay Clent pag nalaman nyang si Clent Ang gusto ko.

"Sino Honey Si George? Si Michael? Si Anthony? Si John Eric?"

"Kahit ubusin mo pa name Ng batchmates natin, Hindi ko sasabihin sayo"
Tugon ko at lumingon-lingon na ako kahit saan. Hinahanap ko Lang naman si Clent. Asan na Kaya sya??

Napalingon ako sa may bandang Kanan at doon ko nasulyapan Ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Pero masaya silang sumasayaw ni Amanda.

Ang gwapo nya sa suot nya. Red Ang suot nya at Ang pogi talaga nyang tignan. At ganun din si Amanda.
Ang ganda din nya sa suot nyang red gown din. Pareho kaming red gown pero mas maganda Ang gown nya.

Mas lalong sumikip Ang dibdib ko nang Makita silang sumasayaw Ng mabagal tapos they really look like sweet couples. Nakapulupot Ang kamay ni Amanda sa batok ni Clent. Tapos nakapulupot din Ang kamay ni Clent sa Bewang ni Amanda.
Masaya pa silang nag uusap.
Ang sakit na talaga!! May pag asa pa ba ako??

"Hey Honey, sinong tinitingnan mo dyan?" Tanong ni Yvo sa kin.

"Sina Clent. Ang sweet Kasi nilang sumayaw. Sana maisayaw din ako ng crush ko Ng ganyan" Sabi ko.

" Ahh Oo nga eh. Ang sweet talaga nila sobra. Sinagot na sya ni Amanda kanina Lang bago magsimula Ang sayawan" nakangiting sagot ni Yvo habang nakatitig kina Clent.

Ano? Sinagot na sya?? Wala na bang pag asa?

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon