CHAPTER 22

397 16 1
                                    

Good day mga cute readers ko. Hindi na siguro aabot sa 8 chapters 'to Kaya I'll treasure every Chapter of this story. Silent reader ka man, o mahilig kang magcomment ng mahaba, I want to thank you all for reading my story. I appreciate your efforts. Mmmuuuuaaahhh!!
_________________

HONEY'S POV

KKKKKRRRIIIINNNNGGGG!!!
KKKKKRRRIIIINNNNGGGG!!!

Kinapa ko Ang alarm ko at pinatay. Uuuhhmm!!! Ang sakit ng ulo ko! Ano ba Yan?! Parang ayaw ko pang bumangon sa kama. Pero may trabaho pa 'ko eh.
Kinapa ko Ang noo ko at Oh Shit!
Ang init naman!
Kinuha ko Ang thermometer ko at inipit ko iyon sa kilikili ko.
Ang sakit talaga ng ulo ko. Bat ngayon pa 'ko nagkasakit?

Mga 20 seconds lang ay tumunog na ang thermometer. At 38.5°c daw Ang temperature ko!
May lagnat nga ako. Siguro dahil naulanan ako kagabi, or siguro dahil hindi ako makatulog kagabi dahil sa kabaliwang ginawa namin ni Clent. Tapos sumingit pa talaga sa kwento si Mark.

Si Mark nga paLa ay Isa sa mga kasama ko sa trabaho. Nag o-OJT din sya tulad ko at pareho kami ng school. Di ko nga alam na may gusto pala sya sa kin eh. Pabigla-bigla na lang syang aamin nakakanerbyos!

Pinulot ko na ang Cellphone ko at nagtext ako sa manager ko na Kung pwedeng hindi na lang ako papasok muna kasi may lagnat ako. At sunod Kong tinawagan ay si Yvo.

"Hello. Yvo!"

"Oh couz. Napatawag ka?"

"Punta ka naman dito sa condo ko. Uhm.. may lagnat ako eh. Wala akong tagaluto, wala rin akong pwedeng mautusan sa pagbili Ng gamot ohh.. mm..sakit talaga ng ulo ko couz!!"

"Ah ganun ba? Oh sige, magpapapunta na lang ako dyan ng doktor."

"wow social ha! Wala akong pambayad sa doktor noh!"

"hindi libre lang. Don't worry."

"Seryoso? Sinong doktor naman Ang gagamot ng pasyente sa bahay na libre?" Pagtataka ko.

"eh Basta. Mamaya darating na yun. Sige na couz aalis na 'ko. May work din Kaya ako." sagot ni Yvo.

" oh sige na bye."

"sure ako mawawala agad yang lagnat mo yiiiee!!"

Sira!! Ano bang nangyayari Kay Yvo? Parang may topak na yata. At sino naman Kaya Ang doktor na yun?

Dahan-dahan akong napatayo sa kama ko at pumunta ako sa banyo.
Naghilamos lang ako ng kunti tapos nagsuklay. At pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa kama dahil Ang sakit talaga ng ulo ko. Gusto ko talagang mahiga. Hindi ko na pinalitan Ang suot kong spaghetti at short dahil nandito Lang naman ako sa bahay.
Sino Kaya Ang doktor?

TOK! TOK! TOK!

"Pasok po!!"
Sigaw ko sa taong kumakatok sa pinto. Yun na siguro Ang doktor.
Kaagad akong nahiga ng maayos at kinumutan ko muna Ang sarili ko. Maya-maya ay may pigura Ng lalaki Ang pumasok sa kwarto ko.

"Clent?!! Shit! Ano ginagawa mo dito?!" Supladang Tanong ko.
Ang deputa! Si Clent paLa Ang dumating. At may dala syang isang maliit na box.

"Easy lang Honey. Pinapunta ako ni Yvo dito. May lagnat ka raw"

Puta talaga Ang Yvo na yun!! Makakatikim talaga Sya sa kin ng suntok!

"Wala na! Okay na. Wala na 'kong lagnat Kaya umalis ka na"

"Wait. Kararating ko Lang paalisin mo na agad ako. I still need to check you"

"Di na nga kailangan!"

Imbis na makinig sa kin ay tiningnan nya lang ako ng seryoso at her hinawakan nya Ang noo ko.
"Mainit ka"
He seriously said.

Binuksan nya Ang dala nyang box. May mga gamit yun at isang stethoscope.
"Bat may ganyan kang gamit?"

That Should Be MeWhere stories live. Discover now