CHAPTER 8

291 13 1
                                    

Wala pa rin ako sa sarili habang umiinom Ng vodka.
Hindi ko pa rin makalimutan Ang naganap kanina.
I saw the hugeness of that maniac man!! First time Kong makakita Ng bagay na yun.
Well, nakita ko na rin Naman Ang junjun ni Clent pero mga Bata pa kami nun. Binusohan ko Kasi sya habang umiihi sya sa may puno. Pero iba na ngayon eh. Dalaga na 'ko at Ang makita Ang malaking junjun Ng lalaking yun ay talagang kakaiba. Nanginginig pa rin ako, dahil Hindi ko Inexpect na makikita ko ang bagay na yun.
Samantala, Sina Clent at Yvo Naman ay nasa tabi ko lang at nagchichismisan.

Nakakapraning din Ang biglang pagsulpot ni Clent kanina. Hindi ko Alam na nandito din pala sya sa bar.

"Hey. Honey"

Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang marinig Ang gwapong boses ni Clent.
Dahan dahan akong napalingon sa kanilang dalawa.
And damn! Nakakamiss Ang gwapong mukha Ng lalaking 'to. 2 years ko na rin syang Hindi nakikita Kasi tuwing nagbabakasyon ako, wala naman sya sa bahay Nila.
I wish I could kiss his cheeks.

"Hey.."

"Huh??"
Wala sa sariling tanong ko.
Hanggang ngayon lutang pa din Ang utak ko.

"Next time wag ka nang sumama sa mga ganung Tao ha."
Tugon ni Clent sa kin na nagpabilis Ng tibok Ng puso ko. Nag aalala sya sa kin.

"O-okay"

"Yvo. Bantayan mong mabuti yang si negra ha"
tugon nya Kay Yvo. Imbis na magalit, mas lalo pa tuloy akong natuwa dahil sa sinabi nya. Dammnnnn!!! Lalabas na yung puso ko!!

"Syempre tol. Babantayan ko 'to. Pero minsan nga lang masyado itong pasaway eh. Kung pwede ko lang itong ikulong sa kwarto nya ginawa ko na"
Sagot Naman ni Yvo habang iiling-iling na nakatingin sa kin na tila naiinis.

"Ang Sabi ko Sayo wag kang lalayo Kasi hahanapin kita mamaya. Tapos Hindi ko Alam, nasa 2nd floor ka na pala. Pa'no na lang Kung Hindi ka nakita ni Clent??? Hayy naku!! Isusumbong talaga kita sa mama mo" sumbat ni Yvo sa kin.

"Sorry na po"
I sarcastically said sabay lagok Ng natitirang vodka sa baso ko.
At muli akong kumuha Ng isa pang baso ng vodka.

"May boyfriend ka na ba Honey?"

Nagulat ako sa itinanong ni Clent sa kin. when I looked at him, he is just staring at me seriously.
What should I say???

"Boyfriend? Wala pa noh!" ~nang dahil Sayo!!

"Good"
Tanging sagot nya at ininom nya ang hawak na alak.

Napainom din ako Ng alak dahil sa kaba na nananalaytay sa buong katawan ko. Bakit kaya nagtatanong sya sa kin ng ganun? Hindi kaya.....

"Kung gusto mo nang magkaboyfriend, ipakilala mo muna sa min Ang lalaki. Baka manyak na Naman."
Seryosong sagot nya. Akala ko Naman ayaw nyang magkajowa ako Kasi may gusto na sya sa kin. Haysstt!!

"Wala pa akong balak magkaboyfriend"

Seryoso ding sagot ko. At napatingin ako sa vodka na hawak ko ngayon.
Dahil Sayo Clent, wala pa 'kong boyfriend. Hindi ko kayang magmahal Ng iba dahil ikaw pa rin Ang laman ng puso ko.
Bakit ba nagpakita ka pa ulit??

"Wala pang balak magkaboyfriend? Eh nanlalandi ka nga Ng lalaki eh"
Nanlaki Ang mata ko sa sinabi ni Yvo. Lintik na taong 'to!!

"Hindi ako nanlalandi noh!!"
I just want to forget my feelings for Clent. Pinipilit Kong mainlove ulit sa iba pero Hindi ko talaga magawa.

"Wala kang planong magboyfriend? Bakit?"
Tanong ni Clent sa kin na naging dahilan para muli Kong maalala Ang sinabi nya noon.

("Living without her weakens me.
Hindi ko kayang mawala sya sa kin")
......

Ang alaalang iyon Ang naging dahilan kaya muli akong nasasaktan. Wala pa rin akong boyfriend, yun ay dahil Ang taong Mahal ko, iba Ang Mahal.

I just sighed in front of them.

"Secret lang"
Sagot ko. At mapait na napangiti sa Kanila.
Damn it!!!
Bakit ba Kasi nakita pa ulit kita Clent!? Kung kelan binubura na kita sa isip ko, Saka ka Naman magpaparamdam.
______________

YVO's POV

Isa sa mga nakakainis na responsibilidad ko dito sa condo ay Ang alagaan Ang baby damulag na si Honey lalong-lalo na paglasing sya gaya na lang ngayon.
Hayyst!! Nakakainis!!

Lagot Naman ako kina Tita pag pinabayaan ko 'to.

Kasalukuyan syang nakasampa sa likod ko. Lasing na lasing sya at kahit Ang paglakad ay di nya magawa. Akalain nyong tatlong baso ng vodka Ang naubos nya.

"Hayyst! Honey wag kang malikot!" Sigaw ko sa bruhang 'to habang binubuksan ko Ang pinto ng condo namin.
Tanging ungol lang Ang sinasagot nya.

"Wag ka ngang malikot! Ang bigat mo kaya!"

"Mmm..Alam mo ba... NaKakaiNis tAlaga kaNinA!! Gushto ko nA nga syAng KalimUtAn.. saKa namAn sya biglang SusulpoT..."
Nabubulol na Saad ni Honey na ikinataka ko.

"Teka ano? Sinong tinutukoy mo?"

"Ssshhino pa ba?.. Eh di yung love of my Layp!! Pisti sya... Bakit ba inLove na inlOve pa rin ako sa kanya?? PeRo sya... PaTay na patay pa rin Kay AmaNda."

Natutop ko ang bibig ko nang marinig Ang sinabi ni Honey.
Shit!!
Sikretong malupet yun!!

Kaagad ko syang inihiga sa kama nya nang makapasok kami sa loob.
Pinagmasdan ko syang nakahiga habang Ang mga labi ay nakakurba na para bang isa syang Bata na gusto nang umiyak.
Mahal pa rin pala nya si Clent?? Kelan pa?
Bat di nya sinasabi?

She slightly opened her eyes and looked at me sadly..

"Yvo.. tell me... Panget ba 'ko?? Mas maganda ba si Amanda sa kin? Tell me!"
Naiiyak na Tanong nya sa kin.
Napatawa na lang ako sa kawalan dahil sa mga naririnig ko. Ang daldal pala Ng bruhang 'to paglasing.

"Syempre mas maganda ka couz"
Biro ko.
Napangiti Naman sya. Pero muli na Naman syang umiyak.

"Kung mas maGanda ako... Bakit mas gUsshto sya ni Clent?!! Bakit tinataWag pa rin nya akong Negra??.. Eh di Naman na ako maitim ah... Ang sshAkit na insan!! Gusto ko na syang KalimUtAn pero bakit di sya malimutan Ng achy breaky heart ko??..."

Huling sambit nya bago sya mawalan Ng malay. Kitang kita ko ang pagtulo Ng luha sa gilid Ng kanyang mata.
Inaamin Kong nagulat ako sa lahat Ng pinagsasasabi nya. Hindi ko akalain na may pagtingin pala sya Kay Clent at matagal na nyang tinatago iyon.

Inaasar namin sya Noong Highschool Kay Clent pero Ang akala ko wala lang sa kanya yun dahil wala na din Naman syang gusto dito. Pero mukhang nagkamali yata ako.

That Should Be MeWhere stories live. Discover now