CHAPTER 17

291 9 4
                                    

HONEY'S POV

Binuklat ko Ang Album at napangiti ako. Bumungad sa kin Ang picture ko nang 2 years old pa Lang ako. At hindi ako nag-iisa. Kasama ko sa picture si Clent na 2 years old din.
Ang cute talaga nya lalo na ng baby pa sya. Chubby Ang pisngi nya at namumula Ang mga labi. He is damn cute.
May nakita din akong pictures naming lima nina Clent, Yvo, Justin at Luisa. Mga paslit pa lang kami.

Umagaw din sa atensyon ko Ang isang litrato. Litrato naming dalawa ni Clent na magkasama at nakasuot ng damit-panggraduation. Nakaakbay pa kami sa isat isa at parehong nakangiti. Graduation namin iyon noong nasa elementary kami. Sya Ang Valedictorian at Salutatorian naman ako.
All of a sudden... I felt my tears falling down my cheeks. Gusto Kong balikan Ang mga alaalang iyon. Kahit bata pa Lang kami ni Clent nang panahong yun, masasabi ko pa Rin na totoo Ang pagmamahal na nararamdaman namin. Kitang Kita iyon sa mga ngiti namin.
Ngunit ganun na lang Ang pagbago ng emosyon ko nang makita ang kasunod na litrato.
Litrato iyon namin nang naggraduate kami sa Highschool. Nakadamit panggraduation din kami.
Pero tatlo na kami sa picture...

Ako, si Clent, at si Amanda....

Napapagitnaan namin ni Amanda si Clent at pareho pa silang nakaakbay sa isat isa. Samantalang ako, nakatayo Lang ako sa tabi at nakangiti habang hawak-hawak Ang isang certificate...
I wish I was that girl...

Kung noon, kaming pareho Ang nakaakbay sa isat isa... ngayon silang dalawa na...

Clent... Ba't di na lang ako?....

All of a sudden, I felt my tears flowing down my cheeks. Mas dumami Ang umaagos na luha mula sa Mata ko at wala akong magawa para pigilan yun.
Ang tanging nagagawa ko na lang ay Ang haplusin at halikan Ang larawan ni Clent... Isang bagay na hinding Hindi ko pwedeng magawa sa kanya sa personal.
At ngayon aalis na ako... Ginawa Kong rason Ang trabaho ko para payagan ako Nina mama na umalis pero Ang totoo, gusto ko Lang talagang umalis dahil ayoko nang makita pa sina Clent at Amanda na namamasyal dito sa lugar namin. Ako na lang Ang lalayo...

"Honey?..."

Napaigtad ako nang biglang pumasok si kuya Alvin sa kwarto. Nahuli na naman nya akong umiiyak.

"Umiiyak ka na naman..."

"Wala 'to kuya. Malungkot lang ako kasi mamimiss ko kayo.."
Rason ko habang pinapahid Ang mga luhang umagos sa Mukha ko.
I immediately hide the photo album.

"Sis... Kung may problema ka pwede mo naman Sabihin sa kin eh. Hindi ito Ang first time na dinamayan Kita kapag umiiyak ka."

Nag aalalang tugon ni kuya sa kin.
He is staring at my face. Nahihiya ako.
Ayokong Sabihin sa kanya na umiiyak ako sa walang kwentang bagay. Umiiyak ako dahil sa katangahan ko.

"Hayy! Naku kuya. Wala nga 'to. Bumaba na nga tayo"

I am about to stand when kuya speak again. Napaupo ulit ako sa kama..

"Ang malas ni Clent dahil hindi nya nakita Kung gaano ka kasweet."

His words shocked me

" Tsk. Bat mo naman sinasali sa usapan Ang taong yun?"

"Hindi ba sya lang Ang dahilan Kaya nahuhuli Kitang umiiyak?"

"K-kuya Hindi kaya-"

"Wag mo na ideny. Nung nakita Kitang umiiyak after ng JS Prom nyo na sabi mo binasted ka ng crush mo, nalaman ko din nun na may nobya na pala si Clent. Naisip ko agad na baka sya Ang crush mo. Tapos ngayon, sabi mo dito ka na titira. Pero bumalik lang Ang nobya ni Clent, aalis ka na naman."

"k-kuya..."

" You don't deserve those tears Honey. Wag ka nang umiyak. Si Clent dapat Ang umiiyak ngayon dahil hindi ikaw ang minahal nya. Ang malas nya."

"Kuya.. "

I found myself speechless. Napaiyak na ako lalo at tinakpan ko na lang Ang Mukha ko sa hiya. Kuya Alvin is really the best. Alam na alam nya lahat ng sikreto ko.

"Uyy sabi ko sa'yo wag ka nang umiyak eh... Tahan na.."

I felt kuya Alvin's arms hugged me. He is trying to comfort me pero iyak pa Rin ako ng iyak. Sinusulit ko Ang pagkakataon na meron akong nasasandalan sa oras na gusto Kong umiyak. Mas nakakagaan ng loob yun.

"So tama nga ako... Aalis ka dahil Kay Clent hindi ba?"

I nodded.. totoo naman eh. Sya Ang dahilan Kaya aalis ako. Ayoko silang makita ni Amanda na magkasama.

"Just a reminder, sister. Hindi mo matatakasan Ang problema mo. Kahit lumayo ka, susunod yang problema mo. Kailangan mong harapin yan para matapos"

I nodded again at mahigpit kong niyakap si kuya. Ngayon pa Lang namimiss ko na agad sya. I badly needed kuya Alvin beside me. Sya Ang nagbibigay sa kin palagi ng lakas Ng loob gaya na lamang ngayon.

Pagkatapos ng drama namin ay bumaba na kami at lumabas na Ng bahay. Nandoon pa rin sina mama at papa nagbabantay Ng daldalhin Kong bagahe.

"Anak, hindi na ba magbabago yang isip mo? Gusto mo ba talagang manatili sa condo mo?"
Problemadong Tanong ni papa sa kin.

"opo pa. Wag naman kayong masyadong emosyonal. Bibisita nga ako palagi dito."

"oh sige na. Mukhang Hindi ka na namin mapipilit... Oyy Clent! Nandyan pala kayo. Magpaalam ka na sa best friend mo aalis na 'to"

Napasulyap ako sa may Kanan at tangina! Nandyan nga si Clent! Kasama pa nya si Amanda. At ano raw sabi ni papa? Best friend???
I never treated Clent as my best friend.

Nagkatinginan kami ni Clent ng Mata sa Mata... His piercing brown eyes are staring at me. Di ko maiwasang mamiss Ang mga titig na yun. Nagagawa nya akong titigan ng ganun noong mga bata pa lang kami.

"Aalis ka Honey?"

Si Amanda Ang nagtanong...

"Umm.. Oo eh. Babalik ako sa condo ko. Mas malapit kasi yun sa pinagtatrabahuhan ko."

"so sad. Ngayon lang tayo nakapagbonding ulit tapos aalis ka agad?" Ani ni Amanda.
Narinig ko namang tumikhim si kuya sa tabi ko.

"mag-inuman naman tayo mamayang gabi ng barkada. Miss ko na Rin kasi kayong lahat eh"

Tsk! Never Kitang namiss girl!

"sure. Text nyo na Lang sa kin mamaya Kung saan Ang venue. Bye!"
Tawag ko. At nagbabye din si Amanda sa kin.

Sunod akong nagpaalam kina mama at papa... At pagkatapos ay muli akong napatingin sa couple na nakatayo pa rin malapit sa kin. Sina Clent at Amanda.
Nakatitig pa rin si Clent sa kin...

"B-bye Clent..."
I seriously said... Maya-maya ay bumuka din sa wakas Ang bibig nya. But his face remained serious.

"Bye... Honey."

Nahawakan ko Ang sarili Kong dibdib ng binanggit nya Ang salitang yun. Naninikip Ang dibdib ko..

Oh God help me escape from this pain!! Mabilis Akong sumakay sa kotse ni kuya at sinibad na nya iyon. Hindi ko na napigilan pang mapaiyak sa loob ng kotse. God!! Bat Ang sakit pakinggan ng goodbye ni Clent para sa kin?! Pakiramdam ko goodbye na nga talaga. Yung goodbye na ibig Sabihin wala na talagang pag-asa. Katapusan na...

Bakit ko ba kailangang maiyak ng ganito?! Sa loob ng mahabang panahon ganito na ang naging buhay ko dahil sa lalaking yun. At hindi pa rin ako makatakas sa pighating iyon.

Hikbi ko Ang tanging umalingawngaw sa loob ng kotse and thankfully, Hindi ako ni kuya pinigilan na umiyak. Nagmamaneho lang sya.
A few minutes later, nakaramdam ako ng antok and so I closed my eyes..

And everything went black..

______________________

Para sa mga cute readers ko here in wattpad and in facebook,
I prepared special Chapters for you.
Malapit na yun😘😘😘

That Should Be MeWhere stories live. Discover now