CHAPTER 28

293 12 2
                                    

~THAT SHOULD BE ME~

Narrator's POV

NAKANGITI si Clent habang hinihintay na bumukas Ang main door Ng simbahan.
Hindi na siya makapaghintay pa na maikasal sa babaeng Mahal na Mahal nya.

Ayan na... Ayan na...
Huminga Sya ng malalim nang sinimulan nang buksan Ang pinto.

Tumambad sa kanya Ang napakagandang si Honey sa suot nitong white gown na ubod ng laki at haba. May dala din Itong bundle of white roses at nakangiting pinagmamasdan din Sya.

Mas lumapad Ang ngiti nya. Nagsimula nang maglakad palapit sa altar si Honey ng may ngiti. Pareho pa silang nagtititigan.

As he is staring at his bride, he can remember their childhood memories.

Naaalala nya Yung panahong ganyan din si Honey... Nakasuot ng puting bistida at naglalakad habang may dalang santan roses na pinitas lamang Nila sa itaas ng burol.
At nang makarating sa harap nya si Honey ay kaagad nya itong inakay papunta sa pari Nila na si Yvo.
Tapos 'you may now kiss the bride'
At tinutuhanan din Nila Ang paghalikan tapos nagpromise pa sila na magpapakasal ulit sila paglaki Nila.

Habang inaalala ang mga bagay na yun ay namalayan na lang nyang may butil ng luha Ang umagos mula sa Mata nya. Masayang masaya sya. Hindi nya akalaing magkakatotoo pa rin pala sa huli Ang mga pangako Nila noon.

"Bro. Wag ka namang umiyak oh"

Natauhan Sya nang may magsalita sa tabi.
Lumingon Sya sa lalaking katabi nya. Si Yvo. Halos naluluha na rin ito. Si Yvo kasi ang best man sa kasal Nila.

"Tukmol. Kita mo namang sobrang saya ko eh.. natural lang Ang maiyak 'no ka ba(sob*)"
Sagot nya dito.

Ilang saglit lang ay nakarating na si Honey sa harap nya. Pinunasan ni Honey Ang kanyang mga luha sa pisngi at marahang pinisil ito.
"Mahal, wag ka na ngang umiyak. Ang baduy mo"
Natatawang sambit sa kanya ni Honey ngunit halata din sa Mata nitong gusto din nitong maiyak.

" Isa ka pa. Pareho Lang talaga kayo ni Yvo eh. Hindi ba pwedeng maiyak sa sobrang tuwa?"

Napangiti na lamang si Honey sa kanya at niyakap Sya nito. At syempre sinuklian din nya ito ng yakap at pumunta na sila sa harap ni Father.

............

YOU MAY NOW KISS THE BRIDE..

Mula sa labas Ng simbahan ay dinig na dinig ni TJ Ang sabi ng pari. Kasunod nun ay Ang pagpalakpakan at paghiyawan ng mga tao.

"Mukhang tapos na ang kasal.."

Bulong nya sa sarili at napayuko Sya.

Wala naman talaga kasi syang balak na pumunta dun. Nadaanan lamang nya Ang simbahan at narinig nya Ang pangalan Nina Honey at Clent Kaya napahinto Sya.
Ngayon lang nya nalaman na kasal na pala ng dalawa at nasaktan sya ng sobra.
Ito Ang panaginip nya noon eh.

Nakangiti syang natutulog dahil napapanaginipan niyang kinakasal silang dalawa ni Honey. Pati Ang Honeymoon Nila ay napanaginipan nya rin. Pero hindi na magkakatotoo lahat ng yun dahil sa Ibang tao na ikinasal si Honey.
At Ang nakakagulat pa, ay si Clent Ang taong yun. Kaya paLa masyadong suplado si Clent sa kanya noon.
Sobrang sakit...

Pinisil nya Ang naninikip nyang dibdib at gusto na nyang maiyak.

"Sana Ako na lang Honey... Sana ako na lang.."

Hindi na nya napigilan Ang pagpatak Ng luha nya Kaya mabilis syang lumisan sa lugar na yun. Ayaw nyang may makakita pa sa kanya dahil baka maging laman Sya ng balita.
Sumakay Sya sa kotse nya at pinaharurot iyon.

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon