CHAPTER 15

311 14 3
                                    

A/N: I dedicate this Chapter to my very dear cousin/reader na si Novie Ann Joy Gigante. Sya  na lang yata Ang team CleNey ngayon. Support Kita girl!!

..............

Mabilis na lumipas Ang panahon at eto na! Graduate na ang mga dati ay mga Batang nagtatakbuhan lamang sa itaas Ng burol.
Mga Batang sipsip noon sa kanilang teacher para lang maipasa Ang isang subject. Masaya sina Honey.
Sabay pa silang nagpicture ni Yvo pagkatapos ng Ceremony.

"Sa wakas!! Malaya na tayo!"

Sigaw ni Yvo sa kawalan. Nasa malawak na ground sila ng campus Kaya umalingawngaw Ang boses nito.

"Hoy bakit? Kinulong ba tayo?"
Inirapan nya Ang pinsan.

"Di mo ba naramdaman Honey? Ang pag aaral Ang naging hadlang sa pangarap ko. Parang kinulong na din ako." Paliwanag ni Yvo na tila nakalaya nga Ang Mukha. Tuwang tuwa ito at nakapikit pa.

"Anong pangarap yan aber?"

"Ano pa nga ba? Eh di ang pangarap Kong magkajowa. Ilang beses ko na din tinangkang magkajowa pero pinipigilan ako ng grades ko. Sa tuwing may dinidiskartehan kasi akong babae, lagi akong bumabagsak. Kaya Hindi na lang muna ako naghanap ng maliligawan."

Malutong na napatawa si Honey. Hindi nya alam na may ganyang karanasan si Yvo. Sa tuwing nanliligaw ito ay palagi itong bumabagsak. Kaya pala NGSB pa rin ito hanggang ngayon.
Pero Alam nyang swerte Ang pinakaunang babae na magiging jowa nito.
Mabuting tao si Yvo. Maalaga din.
Ito Ang nag alaga sa kanya noong nasa iisang condo lang sila.

"Tama na yang daldalan nyo dyan. Magsiuwi na tayo para makapagcelebrate na" Saad ng mama ni Honey.
Sumakay na sila ng kotse at magsiuwi na.

Nagkaroon lamang ng kunting handaan sa loob ng bahay nila. Present Ang kanyang mga magulang, Ang kuya Alvin nya at Ang mag-ina nito na sina Ate Novie at Ang pamangkin nyang babae.
Wala doon si TJ. Inanyayahan nyang dumalo si TJ pero Hindi talaga ito makakapunta dahil busy ito.
Wala din Ang mga kaibigan nya.

Nakaramdam sya ng lungkot.

Wala ngayon Ang mga taong gusto nya sanang makita. Pumasok sa isipan nya si Clent.
"Naku mas lalong Hindi pupunta Ang taong yun. Hindi kami bati. At ngayon din Ang graduation ni Clent. Kaya busy din Ang taong yun"
Isip ni Honey.

Sumubo sya ng isang kutsara ng leche flan na nakahanda sa Mesa. Parang mawawalan sya ng gana. Kulang kasi ang araw nya kahit pa Sabihin nating masaya sya dahil graduate na sya.
Napatingin sya sa pinto nang bigla Itong bumukas.
Pumasok ang ina nya ng nakangiti.

"Anak. May regalo ka mula Kay Clent."

Lumundag Ang kanyang puso ng marinig Ang pangalan Ng lalaki.
Ang lalaking hindi nya inaasahan ay may surpresa pala sa kanya. Biglang nawala lahat ng kalungkutan nya ng mapalingon sya sa regalong hawak ng ina nya.

Inabot sa kanya ng mama nya Ang isang maliit na pulang kahon.
"Uuwi na din agad sya kasi may handaan din sa kanila Kaya Hindi ko na sya inanyayahang pumasok dito sa bahay" tugon ng mama nya.
Tumango sya dito at muling tiningnan Ang maliit na kahon na ngayon ay hawak na nya.

Gumaan Ang pakiramdam nya. Feeling nya ay nawala kaagad lahat ng hinanakit nya sa lalaki.

Dahan dahan nyang binuksan Ang kahon at ganun na lang Ang pagkagulat at tuwa nya nang makita sa loob Ang isang bracelet na may heart na pendant.

May nakadikit din na papel sa likuran ng cover at may nakasulat na:

[For you: Ms.Negra
From: Mr.Gwapo
Congratulations]

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon