CHAPTER 16

332 19 6
                                    

"Hindi ko nakakalimutan lahat ng FIRSTS ko Honey. But don't worry, Hindi ko na ipapaalala yun sa'yo"

Nasa kwarto na si Honey pero Hindi pa rin nya malimutan Ang sinabing iyon ni Clent sa kanya kanina.
Hindi nya malimutan lahat ng FIRSTS nya.

And she knew that most of Clent's "FIRSTS" are about her.
Ang first kiss nito, first love, first hug, first best friend at first sex din.

She sighed... And she's just hoping that Clent can still remember their happy memories and their faded feelings for each other.
Sana bumalik Ang feelings na yun.

Ipinikit na nya Ang kanyang Mata at nakatulog na sya...
........

HONEY'S POV

It's a new morning for me!! Pakiramdam ko kakaiba Ang araw na 'to. Oo may Iba talaga sa araw na 'to dahil ito Ang araw na magbabalik sa dati Ang lahat.
Magiging magkaibigan na ulit kami ni Clent. Oo 'MAGKAIBIGAN' lang. Tingin ko hanggang dun Lang talaga kami. I felt sadness tuwing naiisip ko yun pero di bale.. nandyan na din naman si TJ. Matututunan ko din syang mahalin ng buo paglipas Ng panahon.

Dinukot ko Ang cellphone ko at tinawagan ko sya....

"Hi TJ!!"

"Oh.. Hi bebe ko!"
Ayan na naman sya=_= pero tuwing binabanggit nya Ang 'bebe ko' Ang sarap sa Tenga.

"Hayyst!! Ayan ka na naman. Are you free today? Punta ka naman dito sa min. Ipapasyal kita-"

"I'm sorry Honey. Busy pa din ako ngayon eh. Daming works ngayon. Babawi ako next time okay po ba bebe ko?"

"it's okay TJ. Sige next time na lang. Ingat ka dyan"

"take care too Honey. Bye"

Ibinaba ko Ang cellphone ko. I thought this day will be a happy day pero hindi na naman. Lagi na Lang busy Itong TJ Tanjuanco na 'to. But it's normal. Swerte pa din ako Noh. Model Ang manliligaw ko eh. Pero hindi ko pa sya sinasagot. Gusto ko patagalin muna kasi baka magalit si Clent.
Ibig Kong Sabihin, baka iba na naman Ang isipin nun tungkol sa kin. I hate it.
Ang Plano ko sana ngayong araw na mamamasyal with TJ... Nauwi sa pamamasyal ko mag Isa.

Nagpunta ako sa itaas Ng burol. Marami akong alaala doon sa burol na yun at ngayon lang ako muling nakapagbisita dun. I miss this place.

Masaya akong namasyal dito sa itaas Ng burol. Matagal na Rin nang huli akong nagpunta dito. This place is special for me.
Naaalala ko pa noong Bata pa Lang ako, dito kami nagkasal kasalan Nina Clent. Tapos si Yvo Ang pari namin.
""Promise natin ha. Paglaki natin, magpapakasal ulit tayo" Yan Ang sinabi ni Clent noon nang kinakasal kami dito.

Umupo ako sa ilalim Ng puno at masayang pinagmamasdan Ang mga kabahayan sa baba Ng burol. Ang ganda talaga dito. Habang pinagmamasdan Ang tanawin, napapikit ako. Pilit inaalala Ang mga nangyari noon.

"Ang ganda dito love."

Naimulat ko Ang Mata ko nang may nagsalita. Mabilis akong tumago sa may puno at tiningnan Kung Sino Ang mga taong dumating. Sina Clent at Amanda. SI AMANDA?!?!!?... andito na sya?!!
"Naalala ko pa. Dito kami dati nagkasal kasalan nina Honey noong mga Bata pa kami."
Tugon ni Clent. It made me smile knowing that he still remembered it.

"Pero ngayon, ikaw Naman Ang papakasalan ko dito. Gusto mo bang dito natin iganap Ang kasal natin?"
" Sure, love." Masayang sagot ni Amanda.
I just felt my tears flowing down my cheeks.

"I love you, love. And I miss you so much"
dinig na dinig ko Ang sinabing iyon ni Amanda. Then she hugged Clent tight. Ang sakit sakit!
Bakit ba Ang sakit pa rin?!

Nandito na si Amanda.....

Nandito na sya....

At Plano pa talaga nila na dito ikasal sa itaas ng burol huh?! Hindi ba naisip ni Clent Kung gaano kasakit sakin yun?! Sa amin Ang lugar na 'to. Alaala naming dalawa Ang nandito sa burol na 'to pero ngayon.. he is now going to share this special place to the person he loves. Si Amanda yun.

"Honey? Is that you?!"

Napabalikwas ako nang magtama Ang mga Mata namin ni Amanda. I supposed to hide here the whole time.
I immediately wiped my tears bago pa nila mahalata yun. Pagkatapos ay lumabas na ako sa may puno at hinarap sila.

"A-Amanda?! Oh my God ikaw nga! You're so pretty!!"
Pagsisinungaling ko. Pero totoong gumanda lalo si Amanda. Lamang pa Rin Ang kagandahan nya sa kin Kaya Hindi na ako nagtataka Kung sya pa Rin Ang Mahal ni Clent hanggang ngayon.

"You're so pretty too!! God I miss you so much" mabilis syang tumakbo papunta sa kin at mahigpit akong niyakap.
Muling bumalik Ang sakit sa dibdib ko. Tumugon ako.
Nagyakapan kaming dalawa pero Ang katawan nya na nakadampi sa kin ay nagbibigay sa kin ng sakit.
Bakit pa sya dumating? Bakit pa dumating Ang babaeng 'to??

Napatingin ako Kay Clent... Seryoso Lang syang nakatitig sa pagyayakapan namin ni Amanda.
Pagkatapos lang ng ilang Segundo ay kumalas na ako.

"How are you? Kumusta naman Ang buhay sa California?" Tanong ko.

"It's fine there. Maayos din Ang pag aaral ko and I started having business there" sagot nya.

"okay. Siguro nasisira ko na ang pamamasyal nyong magjowa so mamamaalam na muna ako. Uwi na 'ko. Bye!! Have a nice day"
I smiled at her and I started walking down the hill.

"Bye din Honey!" It's Amanda's voice.

God help me please... Bakit nasasaktan pa rin ako?? I want to be free from this heartache pero bakit Hindi ako makatakas sa hinanakit ko?
Bakit si Clent pa??....
Ah hindi. Bakit si Amanda pa Lord?! Bakit hindi na lang ako? Pwede bang ako na lang ulit? Ano bang meron sa kanya na wala sa kin? Bakit kailangang siya pa Ang babaeng ibibigay mo Kay Clent eh nandito naman ako? Pwede bang ako na lang?

Pisteng yawa!!! Sorry for my words pero hindi ko na mapigilan. Nagagalit ako Kay Amanda. Bakit ba kasi dumating sya? Nagtataka pa rin ako Kung bakit sa dinami dami Ng school dito, doon pa talaga sya sa school namin nagtransfer. Hindi Sana sila nagkakilala ni Clent.

Umuwi na lang ako sa bahay. Siguro ito na Ang huling araw na mamamasyal ako sa burol na yun. Dahil sa tingin ko, unti unti nang naglalaho Ang masasayang alaala namin dun. Mapapalitan na yun ng alaala nina Amanda at Clent.

.............

"Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon. Bakit kailangan mong umalis na naman? Bakit di ka na lang magstay dito sa bahay anak?"
Reklamo ni papa sa kin. Tinulungan nya akong ilabas sa bahay Ang dala Kong bagahe.

"Eh papa, kailangan eh. Alam nyo namang Hindi pa ako tapos sa OJT ko. Kailangan Kong bumalik sa condo ko kasi malapit Lang dun Ang lugar Kung saan ako nagtatrabaho"

"Masaya na Sana tayo anak eh. Akala namin makakasama ka na namin kasi graduate ka na. Yun pala aalis ka na naman" pagtatampo din ni mama sa kin.

"Sorry na ma, pa. Don't worry, lagi naman akong bisita dito."

"Sabi mo Yan ha. Magbisita ka talaga dito palagi."

"opo ma."

Pagkatapos ay umakyat ulit ako papunta sa kwarto ko. May ilan pa kasi akong gamit na kukunin.

I took my favorite picture frame at Ang isang music box na kasing laki Ng  isang plato.
Napasulyap ako sa cabinet...

Ngayon ko Lang napansin Ang isang malaking libro sa itaas nun.
Kinuha ko yun at laking gulat ko nang maalala....
Color brown ito. This is not a book, but this is a Photo Album.
Dito ko nilagay lahat ng pictures na meron ako mula pagkabata.
Hindi ko nadala Itong Album nang una pa lang akong lumipat sa condo ko.

............

That Should Be MeWhere stories live. Discover now