Kabanata 28

190 12 0
                                    


Rejected 101....


Mira Oceania POV

Nagising ako dahil sa may tumatawag sa akin. Lah! Sino yun aswang ata pero pwede ding multo sa umaga hahaha. Tumayo ako kahit inaantok pa ako at gulo gulo pa ang buhok ko. Binuksan ko ang pinto at ang bumungad sa akin ay ang naka ngiting si Thor. 


"Ang aga aga naninira ka ng tulog" sabi ko habang humihikab pa.


" Ano ba yan kamahalan, nag toothbrush kana ba" napa takip naman ako ng bibig at inamoy ang hininga ko.


"Hindi pa pero hindi naman mabaho ah" naka ngusong sabi ko sa kanya. 


"Wala naman akong sinabing mabaho eh hahahaha nagtatanong lang" tumango tango na lang ako.


"Oh eh anong ginagawa mo dito?" nakapamewang na sabi ko sa kanya.


" May pupuntahan ka" sabi niya at hinila ako palabas ng kwarto ko. Makahigit naman ako.


"Teka Thor ano kasi-" hindi ba naman ako patapusin ng makulit na ito.


" Tara na nakahanda na ang damit mo doon" naka ngiting sabi niya sa akin. Tumgil muna ako tsaka hinarap siya.


"Teka teka nga saan mo ba ako dadalhin?"


"Hindi ako basta tara na" pinigilan ko pa siya pero di nakikinig. " Wag kanang makulit sigurado akong matutuwa ka kapag kasama mo na siya" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya pero ngumiti na naman siya. Nakalabas kami nang palasyo at nakapunta kami sa may kabayo tapos may naka talikod na lalaki.


"Fire?" tanong ko dahil kilala ko na siya kahit likod pa lang niya. Humarap siya at di ako nagkakamali siya nga yun. " Anong ginagawa mo dito" tanong ko binitawan ako ni thor pero hinawakan ko pa rin siya dahil baka tumakas siya.


" Tara na" naka ngiting sabi ni Fire. Teka wala naman kaming usapang dalawa eh kalerkey ang pangit ko samantalang ang isang 'to ay pinagpala tsaka anong tara na eh wala nga kaming usapan.


" Ha? Wala naman-" npautol ang sasabihin ko ng itulak ako ng dahan dahan ni Thor kay Fire. Wah ang pnagit ko tapos lalapit ako sa kanya. Tinakpan ko ang mukha ko pero narinig ko lang ang tawa niya. Naramdaman ko na lang na may nakahawak sa kamay ko at pagtingin ko ay si Fire na nga mga bes. Hinila na niya ako kaya wala na akong nagawa pero napatigil din ng hawakan ulit ako ni thor pero...

blaze

Oo si blaze ang humawak at hindi si thor, siya lang itong nasa gilid na naka tingin sa amin na akala mo ay nasa palabas kami. 


"O Oh" sabi niya na nagpipigil ng tawa. Napa tingin ako kay blaze na naka tingin kay Fire kaya napa tingin ako kay apoy at shook mga bes pareho silang naka tingin sa isa't isa. Third party po ako chos. Hinigit ni apoy ang kamay ko pero ganun din si blaze. 


" Saan kayo pupunta Mira" tanong ni blaze.


Archamage PrincessWhere stories live. Discover now