Kabanata 82

76 7 0
                                    


Mabilis na kumilos si Prinsipe Aiden upang tingnan ang kwintas. Nalulusaw na ito sa hindi niya mawari na dahilan. Nagkatinginan naman ang iba sa direksyon na unti-unti na ring nawawala sa kanilang paningin. 




"Winter at Ice gawan niyo ng paraan para tumigas ang maliit na guhit na iyon patungo sa kung saan. Kapag nawala ang kwintas ay siguradong mawawala rin ang daan," seryosong saad ni Brent habang nakatingin kay Aiden na lumuluha na. 




"Nasusunog na ang kabiyak na kwintas kaya pati ito ay naaapektuhan...." Tulad kanina ay nagkatingnan ulit sila. Tumayo si Aiden at hinawakan ng mahigpit ng kamay niya ang kwintas. "Papunta na ako mahal." Aalis na sana siya ng hawakan siya ni Thor sa braso.



"Sasama kami," saad nito bago tumingin sa mga Prinsesa. "Kami na ang hahanap sa dalawa at kayo na ang maiwan dito at sabihan niyo rin sina Mics....Tara!" Mabilis na nagtungo ang mga Prinsipe sa likod ng palasyo at mabilis na sumakay sa mga kabayo at handa na sanang umalis ng makita nila ang kabayo ni Mira kaya natigilan sila. Nagwawala ito at pinapatahimik ito ng mga kawal.



"Ano kayang problema ng kabayo niya?" tanong ni Rain pero wala ni isa ang sumagot. Napatingin naman sila sa buwan na nilalamon ng itim na kulay. 



"Aiden hindi ba't kilala ng kabayo ang amoy ni Mira kahit wala ito sa tabi niya," seryosong saad ni Dark habang nakatingin sa kabayo kalaunan ay napunta kay Prinsipe Aiden. 




"Oo, hayaan na muna natin at kailangan nating-"



"Maaaring alam ng kabayo ni Mira kung nasaan siya kaya siya nagwawala at gustong makawala," putol nito sa sasabihin ng Prinsipe. Bababa na sana siya sa kabayo ng makita nila si Khian na mabilis na sumakay sa kabayo.




"Pahiram muna.....Dalhin mo ako kung nasaan si bunso,buddy!" Pinaandar ito ni Khian ng mabilis at hindi man lang sila pinansin nito at kita nila na patungo ito sa direksyon kung saan tinuturo ng kwintas.




"Tara bilis!" Humabol sila kay Khian na mabilis rin naman nilang naabutan. Tila porsigido rin ito na makita si Mira.




"Khian sandali!" Nilingon sila ni Khian pero patuloy pa rin ang mga ito sa pagpapatakbo ng kanilang mga kabayo. 




"Inoobserbahan ko ang kabayo niya simula ng mawala siya at ngayon ko lang napagtanto kung bakit ito ganito ay iyon ay dahil alam niya kung nasaan ang amo niya. Kabayo siya ng kalangitaan at alam niyang si Mira na ang amo niya!" sigaw nito dahilan para magulat ang iba dahil hindi nila akalain na iyon ay kabayo ng kalangitan. 

Archamage PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora