Kabanata 48

140 12 0
                                    


Prince Fire Aiden's POV

Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Umupo ako sa harap niya kung saan at bumuntong hininga. 


"Kanina....kahit hindi pa sabihin nung nasa cafeteria, may mensahero nang nagsabi sa akin"



" Hindi ko siya pakakasalan" deretsong sabi ko at nang tumingin siya sa akin ay nagtama ang tingin naming dalawa pero siya ang unang umiwas. 



" Sa tingin mo ba may magagawa ka pa. Ayaw ko lang naman masaktan ang kapatid ko diba....diba nililigawan mo si Stella. Sana walang masaktan-"



"Hindi ko pakakasalan si Yna, ano bang sinasabi mo diyan. Isang babae lang ang gusto kong makasama" 



"Right, nakalimutan kong si Allysa pa rin pala ang mahal mo pero bakit mo niligawan ang-" 



" Galit ka pa rin ba sa akin dahil doon?" kunot noong tanong ko sa kanya. " Mira, galit ka pa ba sa akin, sagutin mo ako pakiusap" 



"Hinde"



" Yung nakita mo doon-" 



"Ayokong marinig yung-"



"Patapusin mo muna kasi ako!" medyo tumaas na ang boses ko. "Oo sinabi ko sa mga kaibigan natin na mahal ko siya pero may kasunod yun pero di natapos dahil-"



"So kasalan ko pa ganon?"



"Mira makinig ka muna.  Sinabi ko na noon mahal ko siya, mahal na mahal pero hindi na ngayon. Naiintindihan mona ba?" sabi ko at parang bata naman siyang tumango.



"Sorry"



"Para saan?"tanong ko sa kanya habang naka tungo siya. 



"Naging OA ata ako sa pag react ko nang ganon" natawa na lang ako at napa iling. Ayus lang naman sa akin pero ang hindi ayus sa akin ay yung sinabi niya.



" Ayus lang"



" Si Stella?" 



Archamage PrincessWhere stories live. Discover now