Kabanata 35

197 13 0
                                    


Transferees....


Safira Jane's POV

Malakas na buntong hininga ang kumawala sa aming lahat dito sa dormitoryo nina Thor. Halos lahat kami ay napapa isip sa nangyari.


" Ano kayang nangyari sa kanya?" tanong ni Zion.


"Wala nakaka alam sa atin bobo" pambabara ni Thor.


"Di ikaw ang kausap ko bobo ka din" 


"Ah talaga? Bakit sumasagot ka sa sinasabi ko. Di pala kinakausap hahaha" tumawa si Thor at Zion pero di namin magawang tumawa.


"Tumahimik kayo!!" natigil sila sa kulitang dalawa ng sumigaw si Kuya" Kita niyo nang nag-iisip-"


"May isip ka pala?" dahil sa ginawa ni Rain ay natawa kami dahil minsan lang niyang ganyanin si Kuya dahil takot siya dito. Kahit hindi kami buong magkapatid ni Kuya, tunay na magkapatid ang turingan namin. 


"Tsk"


" Umayos kayong lahat. Di niyo ba napapansin na umiiwas sa ating mga prinsipe si Mira"biglang sabi ni Dark.  Tumango naman ang iba dahil tama si Dark. Simula nung gabing yun, yun na ang  nakita naming masayang masaya si Mira. Isang linggo na yun at may nagbago, umiiwas siya kina Kuya di lang kay Kuya kundi lahat sila. Kapag tinatanong namin siya sasabihin niyang ayus lang siya. 


" Tanungin niyo kasi" pagmamaktol ni Thor.


"Tinatanong nga namin pero ayus lang daw siya" sabi ko sa kanya kaya napa nguso siya. Ano kayang nangyari sa kanya?


" Namimiss kona ang dating Mira" pagmamaktol niya. Napa tingin kami sa pinto nang bumukas ita at iniluwa nun si Mira at parang bugto ang mata niya. Ang galing niyang mag kontrol ng luha niya dahil di naman umulan eh.


" Hinahanap kayo sa room. Magsisimula na ang klase kaya tara na" sabi niya tsaka lumabas kaya nagka tinginan kami bago tumakbo.


"Mira!" tawag namin sa kanya.


"Bakit?" maiksi niyang sabi


" Ano ahm...." natigil ako bago tumingin kay Summer "Ikaw na" sabi ko pero umiling lang siya tsaka tumingin sa kakambal niya pero sinungitan siya neto. Tumingin kami kay Winter pero umiling lang siya.


"Ayus lang ako kung yun ang gusto niyong malaman" sabi niya at naunang maglakad.


"Ano ba naman yan. Ang bagal bagal niyo kasi" reklamo ni Rain.


"Kung kayo kaya ang magtanong para di ka naman magreklamo Anil" mataray na sabi ni Summer.


" Paano ako magtatanong kung iniiwasan nga kami. Ilag na ilag siya sa amin" masungit na sabi rin niya kay Summer.

Archamage PrincessWhere stories live. Discover now