Kabanata 46

138 10 0
                                    


Princess Safira Jane's POV

Nagulat talaga kami ni Kuya ng makita siya. Naka ngisi siya sa amin habang nagkakamot ng batok. Baliw talaga kahit kailan.


" Anong ginagawa mo dito Dritan?" tanong ni Kuya. Oo si Thor ang nagsalita sa likod namin. Pinakita niya yung porselas na bigay ni Mira. 



" Eto ba balak niyo sa kanya, akala niyo mauutakan niyo ako hahaha" natatawang sabi niya pero natigilan din ng takpan ko ang bunganga niya. 



"Wag ka ngang maingay" sabi ko sa kanya kaya tumango siya. "Paano ka nagkameron ng ganyan"



" Tsk ako nga unang nakaalam na mahal ni Mira si Aiden, anong inaakala mo papatalo ako" sabi niya kaya inirapan ko na lang siya. 



"Manahimik na nga kayo" 



" Napapansin ko din ang nangyayari kaya nakikisabay ako" sabi niya kaya napa tingin kami sa kanya. 



" Ganon din ang ginawa mo" 



"Oo para malaman ko kung bakit nagkaganon lahat. Nakakapag taka na nawala ng biglaan si Yna at Dark. Nung nasa party pa lang lintek na ang kaba ko at pagtataka kaya hindi ko ininom yung pesteng inumin na yun"



"Talaga? Edi narinig mo din yung mga nagsalita" 



"Oo, susundan ko sana sina Dark at Yna pero humingi ng tulong sa akin si Stella kaya tinulungan kona tapos bigla na lang nawalan ng malay ang lahat kaya naman para masaya sumali ako hahaha" 



"Nasaan yung sinasabi mong narinig mo?" 



" Ano bang narinig-aray!" angal niya ng batukan siya ni Kuya. "Bakit ka namamatok ha!" 



" Kahit kailan wala kang kwentang kausap" 



" Eh? wala naman ako narinig kasi naka tulog din ako dahil sa pagod hahaha" napa tsk na lang kami ni Kuya.



"Tara na nga hanapin natin ang prinsesa ko" 



" Damang dama mo talaga eh noh, lintik ka namang makapag paselos hahaha" 



"Tigilan mo ako Dritan kung ayaw mong matusta"

Archamage PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon