Kabanata 55

137 7 4
                                    


Prince Fire Aiden's POV

Inabot kona ang mga espada ko sa isang kawal at handa na sanang sumakay nang may tumawag sa akin walang iba kundi ang babaeng mahal ko. 


" Fire!" mabilis akong tumakbo at mabilis siyang niyakap. " Wag mo akong iwan Fire, pakiusap" doon ko naramdaman ang pagtulo ng luha ko. Hinawakan ko ang dalawa niyang pisnge tsaka pinunasan ang luha niya.



" Babalik ako" 



" Iiwan mo talaga ako, ayoko Fire" para siyang bata na inagawan nang pagkain. "Wag mo akong iwan, ayokong ikasal sa kanya" 



"Mira makinig ka sa akin, gagawa ako ng paraan para makabalik. Susubukan ko-" 



"Ibig sabihin hindi ka sigurado ganon ba?" tumango na lang ako at doon nagtuloy tuloy ang patak ng luha niya. Umiiyak siya at nagsimulang hampasin ang dibdib ko. " Hindi mo na ako babalikan, iiwan mo na lang ako.Akala ko mahal mo ako" 



"Mira wag kang umiyak pakiusap" pero tumungo lang siya. " Pagsubok lang ito para sa atin, alam kong malalampasan natin 'to tsaka di ako papayag na hindi makikita ang dyosang tulad mo" sinubukan kong biruin siya sa huling sabi ko pero lalo lang siyang umiyak. 



" Mangako ka na babalikan mo ako"  



" Pangako hindi ko hahayaan na makasal ka sa kanya pika, ang prinsesa ko at ang babaeng mahal ko" naka ngiting sabi ko. " Konting tiis lang" mabilis siyang tumango. 



" Ikaw na lang lagi ang nagsasakripisyo, lagi na lang akong walang-" hinalikan ko siya nang mabilis sa labi.



" Wag mong sasabihin yan, hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung wala ka. Ikaw ang pinagkukunan ko ng lakas kaya kapag sumuko ay yun ang magiging kahinaan ko"



" Pangako di ako susuko para kahit simpleng bagay na yun ay matulungan kita" naka ngiting sabi niya. Niyakap ko siya bago huling hinalikan sa noo.



"Kailangan ko nang umalis" malungkot na sabi ko dahan dahan akong lumayo pero hindi pa niya binibitawan ang kamay ko hanggang sa nabitawan na niya ay mabilis akong sumakay sa karwahe. Sinenyasan ko siya na ngumiti kaya naman ginawa niya.



"Mahal na mahal kita Fire! I love you to the moon and back!!!" napa ngiti naman ako nang isigaw niya yun. Nang magsimula nang umandar ay karwahe ay di ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. 



Princess Mira Oceania's POV

Archamage PrincessWhere stories live. Discover now