Kabanata 33

175 11 0
                                    


Mira Oceania's POV

Di ako maka tulog dahil sa nangyari kanina. Ang sakit, sobrang sakit sana hindi ko na lang siyang tinanong. Kasama ko sa dorm si Safira at Summer samantalang sa kabila naman ay sina Winter, Autumn at Angelic. Lumabas muna ako para makapag isip isip, nagpunta ako sa Garden na malapit lang din sa aming dorm. 


Natigil ako ng makita ko ang napaka pamilyar na lalaki....... Sa tuwing nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko apoy. Nagtaka ako ng umaangat ang balikat niya kaya nalaman ko na umiiyak siya. Parang may mga sariling utak ang paa ko na nagpasya na lumapit. Ngayon nasa likod na niya ako at nakikita ko na may hawak siyang bracelet.


"Hindi...ako karapat dapat para sa porselas na ito" sabi niya at dahan dahang sinunog yun pero habang nasusunog yun, doon lang siya humagulhol ng iyak kaya wala akong nagawa kundi takpan ang mata niya. Di ko man alam kung para saan yung bracelet na yun pero alam kona mahalaga yun. 


"Tumahan kana......nasasaktan ako kapag umiiyak ka" malungkot na sabi ko at dahan dahang inalis ang kamay ko sa mata niya kaya tumingin na rin siya sa akin " Malamig na dito sa labas...kaya matulog kana" sabi ko at tumalikod sa kanya pero nahawakan niya ang palapulsuhan ko tsaka hinigit at yinakap.


"Kahit ngayon lang......kahit ngayon lang, pakiusap samahan mo muna ako" sabi niya habang umiiyak kaya napa buntong hininga ako kahit nasa isipan ko pa rin ang mga salita na binigkas niya. 


" Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya. " Ilabas mona para hindi ka problemado" sabi ko peri tulad kanina umiling lang siya.


" Presensiya mo lang pikachu, ang kailangan ko" sabi niya at dahil doon bumilis ang tibok ng puso ko at napa luha din  dahil bakit siya ganito sa akin. Bakit niya ako pinapaasa eh meron na siyang Allysa. Humiwalay ako sa yakap at umupo sa bato tsaka palihim na pinunasan ang luha ko. 


" Kwento ka na dali" naka ngiting sabi ko para iwasan ang awkwardness naming dalawa. Umupo siya sa tabi ko pero medyo malayo ng kaunti. Narinig ko siyang bumuntong hininga.


"Pwede bang magtanong?" kinabahan ako doon dahil baka yung nararamdaman ko ang itanong niya sa akin.


"Sige" kinakabahan na sabi ko


" Kung sakaling may nagawa kang kasalan sa kaibigan mo..... anong gagawin mo?" nagka tinginan kaming dalawa. Ano nga ba ang dapat kong gawin

"Hmm depende kasi yan sa nagawang kasalan eh. Be specific kasi di ko magets" sabi ko at narinig ko ang mahina niyang tawa.


"Anong be specific?" ay kaloka ka apoy ah akala ko pa naman matalino ka. 


" Di mo yun alam, akala ko ba nag-aaral kayo ng ingles" umiling lang siya " Ang ibig kong sabihin pano ba yun ahm... ano nga bang ano yun sa tagalog....ang ibig kong sabihin sa be specific ay ano ahm." napakagat ako sa labi dahil hindi ko masyadong masabi kapag sa tagalog. Gosh dapat talaga minamahal ko ang sarili kong wika ayy grabe mahal ko ang sarili kong wika ah bobo lang talaga akes hahaha chareng lang.  


"Ano? di mo din alam" naka ngiti niyang sabi pero umiling lang ako.


Archamage PrincessWhere stories live. Discover now