Kabanata 80

92 7 3
                                    


Pabilis na tinalian ng mga Arcanean ang walang malay na katawan ni Mira habang nakahiga ito sa isang malaking bilog sa gitna ng parang bangin kung tingnan ang na malapit sa isang napakalaking yelo at sa loob nito ay mukha ng isang nilalang. 


"Ihanda na kung saan dadaloy ang luha niya! Dalian niyo mga peste!"sigaw ni Luciana sa ibang mga Arcanean na natira sa labanan nila.  "Bakit ngayon mo lang ito dinala?"



"Sa tingin mo ba na madali ang kunin siya. Hindi mo alam kung ano ang hirap ko para dalhin siya dito."




"Wala akong pakialam dahil ang mahalaga sa atin ay mabuhay ang Reyna bago sumapit ang die plenae lunae reversurus kaya dapat maisagawa na ang ritwal bago dumating ang araw na iyon para mabuhay ang iba pang alagad!" 



"Tama na iyan, gisingin na natin ang munting prinsesa ng Archamage," nakangising saad ni Diana bago sugatan sa hita si Mira dahilan para dumaing ito. 



"Nasaan ako?Anong ginagawa niyo sa akin!Safira bakit mo ito ginagawa," saad ni Mira habang nakatingin sa kaibigan pero tumawa ito at gano'n rin ang iba hanggang sa manlaki ang dalawang mata ni Mira ng makita kung sino ang nasa harap niya. "Oh my God!" 



Gusto niyang umiyak pero alam niyang hindi iyon maaari dahil nakagapos ang dalawang kamay at paa nito dahilan para makahiga siya sa isang bilog na gawa sa matibay na gamit. 




"Bakit ako nasa gitna nito!Balak niyo ba akong ilaglag at sino 'yang nasa loob ng yelo!Pakawalan niyo na ako!" 




"Bakit hindi ka pa umiiyak? Umiyak ka na dali!" sigaw sa kanya ni Luciana pero umiling lang siya. "Ah! Ayaw mo pwes iiyak ka ng sapilitan! Gawin niyo na!" sigaw niya sa mga tauhan dahilan para paluin ng mga ito ang binti ni Mira ng buntot ng pagi. 



"P-Please Stella,maawa ka sa akin bes! Stella maawa ka sa akin!" Pinipilit niyang umiyak pero sa huli ay pumatak na ang luha niya. "T-Tama na!" Gusto man gamitin ni Mira ang mga elementong na hawak niya ay hindi niya ito magamit dahil nakatali ang kamay niya na maski si Blue ay hindi niya magawang pakawalan.




"Isa-isa ng nabubuhay ang kampon nati!" masayang sigaw ni Tyler. "Payapa kayong mabuhay mga kampon ng Arcanean hahaha!"



Tanging pag-iyak ni Mira ang maririnig sa buong lugar at bukod doon ay ang sigaw ng mga nabubuhay na kampon ng arceanean habang tumatagas din ang luha niya papunta sa daluyan ng Reyna ng mga Arcanean. 



"Fire!" Tanging sigaw na lang niya habang umiiyak. Inaalala niya ang mga masaya nilang pagsasama ni Prinsipe Aiden na may ngiti na hindi umabot sa kanyang magagandang mata. Napapikit na lang si Mira habang dinadama ang sakit na nararamdaman niya at pakiramdam niya ay nauubos na ang kanyang lakas. 

Archamage PrincessWhere stories live. Discover now