9. Ang nakaraan.

58.2K 1.2K 856
                                    

9.  ANG NAKARAAN

“WHAT the f-ck,” usal ni Romano.

“Hoy, ang bibig,” warning ng mama ni Romano kay Romano, “At ‘wag mo na ulit akong gugulatin ng gano’n, ha? Suwail ka talaga, nagulat ako, hindi lang halata. Jusmiyo, makukunan ako sa’yong lalaki ka,” sabay tinignan nito ng masama si Romano. 

“Kahit hindi ka buntis?” pambabara ni Romano sa mama niya.

“Buntis ako, tanga.”

Muntik naman akong matawa sa paraan ng pakikipag-usap ng mama ni Romano kay Romano. Gets ko na kung bakit madam ang tawag sa kanya ni Romano at ng mga kaibigan namin. Wasn’t she the cutest?

“Ma, bilbil ‘yan hindi ‘yan fetus, tigilan mo ‘ko, baka mafiktusan kita.”

Ewan ko, ha. Pero ‘yung kaba ko napapalitan ng tawa. Hahaha, what the! Ganito ba talaga sila mag-usap na mag-ina?

“Ah, bilbil ba. Haha. Epal ka talagang bata ka, ‘no? Ba’t ka ba nandito? At sino ‘yang kasama mo? Bakit mas maganda ‘ko?”

“Kahit mas maganda po talaga ako?” hirit ko agad kay Madam. Aba, karangalan ko na ang pinag-uusapan, e. “Ako po si Zabrina. Maganda.”

Nakakalokong tinignan naman ako ni Madam, kinilatis ako ng mga mata niya mula ulo hanggang paa tsaka nito binalingan si Romano.

“Sige nga, Hermes? Sino’ng mas maganda sa’ming dalawa? Ako na nanay mo, o itong mahal mo?” hamon ni Madam kay Romano. Wait. Mahal daw, heee. “Hmm, tandaan; Walang forever.” What! “So, sino sa’min, anak? Sagot!”

Aba!

Binalingan ko nga bigla si Romano. “Walang forever, pero whatever.” Pinandilatan ko pa siya.

“Tigilan n’yo nga akong dalawa! Pag-uuntugin ko kayong dalawang Z kayo, e! May problema tayo, baka nakakalimutan n’yo!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon