1. Breaking news.

59.2K 965 316
                                    

                                               ~Zabrina~

                                       1. BREAKING NEWS.

NANGHIRAM ako ng salamin kay Lizzy tsaka ko tinitigang mabuti kung ga’no na kalaki ang pimple na tumubo sa mukha ko dahil sa sobrang stress, sinabayan pa na malapit na ‘kong bwisitahin ng buwanan kong kaibigan.

Sa bandang cheekbone sa kanan, namumula. Buti isa lang. Jusko kung dalawa, pa’no na. Sakit kaya ‘pag hinawakan.

 

“Guys! Huhuuu. Nagkakatigyawat na naman ako,” maktol ko sa kanila.

 

“Nako, beh, magiging cancer na ‘yan.”

Sinamaan ko ng tingin si Heidi. “Hayup.”

Tinawanan tuloy nila ‘ko.

 

“Sino ba kasi ‘yan? Si Rio o si Hero?” Lizzy.

 

“H-huh?” Nabigla ako sa biro ni Lizzy. I was caught off-guard.

 

“Kilala ko, kilala ko!”

Napatingin ako kay Kimmy.

 

“Dingdong, dingdong!”

 

“Ay, pu—! Kimmy!!! Pakshit ka, masakit, masakit, masakit!!!” Hinawi ko na nga kamay ni Kimmy hinabol ka pa ng tatlong hampas. Gago, e. Lakas toyo. Pindutin daw ba ‘y tigyawat ko!

 

“Hahahaha! Zabby, may lalabas d’yan putol na kabayo! Hala ka! Hahahaha!” tukso pa ni Kimmy. Epal talaga!

 

“Pakyu, Kimmy, ha.” Sinamaan ko na lang ng tingin si Kimmy.

 

“Haha. Labyu, Zabby.” Sabay nilaparan naman ako ng ngiti.

‘Lang’yang kaibigan talaga, e.

Tagal nilang pinagtripan tigyawat ko. Pinangalanan pa! Pimpy daw. Jusmiyo. Bagong bestfriend ko raw! Hindi raw ako iiwan habambuhay kahit ano’ng mangyari. Huhu. ‘Pag ‘yon nagkatotoo iismack down ko ‘tong mga babaeng ‘to.

Leche. Kumuha na lang ako ng band-aid sa bag ko. ‘Yung may design para cool.

 

“Gaga, ‘wag mong lagyan ng band-aid, hindi makakahinga si Pimpy.”

Napatingin ako kay Cath. “Gusto mong mas mauna kang hindi makahinga, Cath?”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon