16. Mark your bestfriend [Part 3] : Nagalit ang aking bestfriend.

82.3K 915 110
                                    

                                16. MARK YOUR BESTFRIEND [PART 3] :

                                     NAGALIT ANG AKING BESTFRIEND.

“JEBEBEEE—“ napahinto ako sa pagtawag ko kay Romano nang balikan ko siya sa rooftop at makita ko siyang tulog na naman. Hindi kaya bangungutin ‘to? Kakakain lang namin ng lunch, tulog na agad? Para nag-CR lang ako, e.

Nilapitan ko siya at marahang niyugyog.  “Jebebs...” tawag ko sa kanya pero mukhang tulog nga talaga ata siya. I unconsciously pouted. But then, a sudden thought came to my mind. It made me grin. Wala pa nga palang audience ang pagmamarka ko sa kanya.

Ngingiti-ngiting kinuha ko ang purse ko na katabi ng lunchbag namin ni Jebs. At mula doon, kinuha ko ang red lipstick ko at ipinahid sa magagandang mga labi ko. Pinagkakapalan ko pa. Ngingiti-ngiting nakatingin ako sa natutulog niyang mukha habang ginagawa iyon. Naughty thoughts invading my precious mind.

Hah. Tutulog-tulog ka, ha? Humanda kang gwapo ka.... Mamarkahan ka nang tunay ng maganda.

Ngingiti-ngiti akong yumukod sa kanya. Hindi talaga mawala ang ngiti sa mga labi ko. And then the next thing I did... Yes... I kissed him. Pero hindi sa lips dahil alam ko namang automatic na babasain niya ang mga labi niya ‘pag nagising na siya, e. Edi, malalasahan niya. Matalino kaya ako. Hindi pwedeng mabuko agad ako. Timpi timpi rin. Haha!

I left kiss marks all around his handsome face. As in tinadtad ko. Syempre! Bawal muna sa lips kaya sulitin ang face! Hihi! Gwapo gwapo, my gaahd...

“Hngnnh...”

Bigla akong nataranta nang umungol siya kaya agad kong pinunasan ng panyo ko ang lipstick sa mga labi ko.

Crap... Puting puti pa naman ang panyo ko. Agad na itinago ko na lang ‘yon at ang lipstick na hawak ko nang magmulat na siya ng mga mata.

Hindi ba, kapag mag-bestfriend, ang unang gagawin pagmulat ng mga mata ay ngitian ang bestfriend mo? OMG, inirapan niya ako.

Sweetest bestfriend ever! I’m so proud! Bwiset...

“Tsh...” nagkanda-haba na ang nguso ko nang hindi niya talaga ako nginitian at abala lang siya sa pag-iinat niya. Kainis! Tinakpan ko nga ang ilong ko nang maghikab siya.

Pak! “Kapal ng mukha mo, oy”, sabi niya pagkatapos niya akong tampalin sa noo!

“Maka-react, ha!” inis na napahimas na lang ako sa noo ko.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon