9. Haha. Anyare?

77K 1K 263
                                    

                                                       9. HAHA. ANYARE?

ART class, sama-sama lahat ng sections. Pinuno ng seniors ang Library. Si Sir Tripp kasi, inarkila. Kami lang dapat ang klase niya ngayon, pero nakipagpalit siya ng time sa teachers ng Queen at Jack. Sa mga susunod na meetings din daw namin, sama-sama pa rin lahat. ‘Di niya nga raw sure kung baka parati na, e. MAPEH teacher kasi. Bahala nga siya, ginusto niya ‘yan. Once a week lang naman. Pabor pa sa’kin ‘yan. Mamamatyagan na lahat ng mamamatyagan.

“Huy, Jebs!” Ngiting-ngiting tinabihan ako ni Zabrina. Binunggo niya pa ‘ko sa braso. A buddy/close friend’s gesture. Alam ko, gusto niyang mawala ‘yung pagka-ilang niya sa’kin dahil sa ginawa kong pag-angkin sa kanya kahapon.

Kitang kita ko ‘yung hiya at saya sa mga mata niya, e. Ganda, sh-t.

Pero naramdaman ko agad na may mga matang nakamasid sa’kin.

Jazz.

 

At bigla ko na lang nilayuan si Zabrina, tsaka ko nilapitan si Jazz.

Patagong sinulyapan ko si Zabrina. Kitang kita ko na medyo nasaktan? Ewan ko, pero ganu’n ‘yung pagkaintindi ko sa saglit na naging reaksyon niya. Nakita ko ‘yun. Kahit tinakpan niya agad ng pagsasalubong ng mga kilay at pagkairita sa mga sumunod na galaw niya.

Magkahiwalay kami ng table. Barkada ko’t si Jazz ang  ka-table ko. Si Kimmy naman ang kasama niya. Pati nga mga classmate naming sila Cath, Lizzy at Heidi, ayun, naki-table din sa kanila. At ang p-tangina, landi talaga ng San Rio na ‘yun, ayun, kanina pa kulit nang kulit kay Zabrina.

Wala. Badtrip talaga itsura ni Zabrina. Nabadtrip siguro sa kinilos ko.

Ewan ko. Dati, palaging tulala lang ako. Ngayon, ‘di na ‘ko mapakali sa patagong pagsulyap sa kanya. Kung tutuusin, pwede namang sa kanya na lang ako tumulala, e. ‘Yun lang.... si Jazz.

Nakita ko na lang na papalapit si Sir Tripp sa table nila. Particularly, sa likod at pagitan ni Mario’t Zabrina.

Lahat ng mga mata nasa kanila.

Ayon. Confiscated ang cellphone ni Zabrina.

Tanga-tanga. Magtetext na lang sa klase pa ni Sir Tripp! Agila kaya mata ni Sir! Sino ba’ng tine-text niya?! Bwiset.

‘Yan tuloy, nagbulungan na ang lahat. Kabanas ‘tong mga ‘to, ‘di na lang mga manahimik, e. Nagbulungan pa talaga.

Alam ko, walang pakialam sa ganyang kahihiyan si Zabrina. Pero ako, meron para sa kanya.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon