3. Let's play love. Game?

49.2K 757 218
                                    

3. LET’S PLAY LOVE. GAME?

HINDI ako nag-recess, natulog lang ako. Puyat na puyat, e.

Si Romano kasi! Almost 3 ng madaling araw na ‘ko inuwi sa’min. Tapos hindi pa ‘ko pinatulog ng sarili ko kakaisip sa memory na ginawa namin. Kainis. Ang sweet kasi kagabi, nakakapanibago. Pero nakakakilig nang todo. Hehe. Naalala ko na naman!

Actually, gising na ‘ko. Ayoko pa lang dumilat, tina-try ko pang matulog ulit. Kaso ayaw na, e.

Inangat ko na ang ulo ko at tumingin ako sa paligid ko. Nasa room pa rin naman ako. Kalat pa rin ang mga classmates ko at malamang nasa King si Kimmy kasama ang barkada.

Ugh. Inaantok pa talaga ‘ko.

Yuyuko na ulit sana ako sa desk ko nang makita kong may notebook sa mismong desk ko.

La. Kanina lang wala ‘to, ha? At hindi sa’kin ‘tong notebook na ‘to.

Nakatalikod ang notebook kaya una kong binuklat ang likod.

Binuklat ko at....

 

Napanaginipan kita, paggising ko kayakap ko unan ko. Sana unan na lang napanaginipan ko para paggising ko, ikaw ang kayakap ko

 

 

Pinilas at nakuyumos ko agad ‘yung papel sa sobrang..... sh-t, syempre sobrang kilig! Ano, magde-deny pa ba ‘ko, e, kilig na kilig na ‘ko? Grabe, sa’n nagpunta ‘yung antok ko? Grabe. Feeling ko sobrang pula ko na.

Napapikit ako nang mariin.

 

Grabe ka, Romano....

Oo. Sulat ‘yun ni Romano. Kung anu-anong pakulo na talaga ang naiisip niya. Hindi ko alam, nasakop na ata ng kakornihan ang pagkatao niya.

Inunan niya pa talaga sa’kin ‘yung notebook niya, ha. In fairness, sweet.

Binuklat ko pa ‘yung notebook pero wala namang ibang nakasulat. Napakasipag na nilalang talaga. Wala man lang lectures. Nag-notebook pa, e. Gagamitin lang pala sa kalandian.

 

“Hoy.” Napatingin ako sa nang-hoy. Si Rio, boses pa lang.

 

“Hoy ka rin.”

 

“Kinikilig ka d’yan? Alam mong parating ako, ‘no?”

 

“Puhlease.”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon