14. Mark your bestfriend [Part 1] : Ang possessive kong bestfriend.

88.5K 972 130
                                    

                               14. MARK YOUR BESTFRIEND [PART 1] :

                                ANG POSSESSIVE KONG BESTFRIEND.

LET’S define; nakakainis.

Nakakainis – ‘yung may isang lalaking nagngangalang Hermes Romano na mayabang, maangas, masungit, at higit sa lahat ay pakipot, pagkatapos ay bigla ka na lang aangkinin.

Hindi ba’t iyon ang pinaka-perpektong depinisyon ng nakakainis?

“TSE! BWISIT!” tinabig ko ang kamay ni Romano na nakahawak sa kamay ni Gavin.

“Yabang! MAS BWISIT KA, OY!” ganti niya.

See?! Sino’ng hindi maiinis?! Napaka-unpredictable niya na parang si otor! Sumasakit ang…. magpapabangs ako mamaya!

“Teka, teka, teka. Tama ba ang rinig namin? B-bestfriend?” nagpalipat-lipat ang tingin ni Cade sa amin ni Romano.

“Oo!” “Tss.” Magkasabay kaming sumagot ni Romano pero ako lang ang umayon? WOW!

“Whoa!” hindi makapaniwalang bulalas ni Prix at Jerry tsaka sila nag-apir pa.

Whoah talaga! Siya ‘tong nag-suggest tapos….. Ako, bwist na bwisit na talaga ako sa Romano na ‘to, e. Kaya iningusan ko na siya. Bwisit talaga siya!

I turned my back at him at kumapit ako sa braso ni Gavin. “Gav, libre mo ‘ko milkshake”, nakabusangot na sinama kong maglakad pababa si Gav. Nakakainis, gusto ko ng pampalamig.

“Beb! Ako libre kita!”

Hinatak ko rin ang braso ng sumunod na si Tom kaya dalawa na silang kapit-kapit ko ngayon. “Tara, beb”, sagot ko kay Tommybeb.

“Beeeb! Pa’no ‘ko???” habol ni Jerry.

“Shattap!” sigaw ko nang hindi siya nililingon. Dalawa na kaya ang kapit-kapit ko. Hello?

Pero nang may maalala ako, nilingon ko na rin ulit sila. “Cade, Je, Prix!” Tumaas ang mga kilay nila sa akin at naghintay sa sasabihin ko. “Pakibugbog ang bestfriend ko”, sarkastikong bilin ko sa kanila na pinagdiinan pa ang word na bestfriend.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon