2. Sino na'ng taya?

91.8K 1.2K 303
                                    

                                                  2. SINO NA'NG TAYA?

ANO nama’ng pakialam ko kung hindi na niya ‘ko kinukulit? Para dalawang araw pa lang naman lumilipas. Bwiset.

'Di ko maalis sa isip ko ang mukha niya. 'Yung umiiyak na mukha niya..... Damn.

Nagbeep phone ko, napaigtad agad ako.

[brod, pad ni cade]

Si Prix lang pala. Psh.

[Yoko. Kayo na lang]

Sigurado namang inuman ulit. E, wala ako sa mood.

[punta na lang kami jan!]

Ayoko. Maghaharot lang sila para namang may bago. Mga salaula pa, gagaling magkalat. Sapakin ko ‘tong mga ‘to, kakasleep-over lang dito kagabi, nagsiligo lang ata kaya umuwi tapos magsisibalikan na naman dito? Kingina.

[Nasa bahay namin ako. Wag nyo na tangkain pad ko, iba na code non]

Para mas convincing.

[tangna po!]

Haha. Sira-ulo talaga.

[Hindot]

 

Nilapag ko sa center table ang phone ko tsaka ako humiga sa couch. Matutulog na lang ulit ako. Sinuot ko ulit headset ko.

Ewan ko pero para lang akong tanga. Sinilip ko pa kung may nagtext, e, pwede namang dumilat na lang ako. Labo. Hinihintay ko siguro reply ni Prix. Kadiri.

Biglang umilaw phone ko.

Bading ata ‘tong si Prix, e. Textmate ba gusto?

[Galit ako.]

“HOOOLY MOTHER OF GOD!!!” Bigla akong napabalikwas ng bangon kasabay ng pagbulalas ko. Tinanggal ko din sa tenga ko ang headset ko, para namang may magsasalita sa text, ‘nak ng!

Teklang ‘to!

Hah! Haha! Hahaha! Sabi na, e. Sabi na nga ba galit siya, at sabi na hindi niya ‘ko matitiis. Sabi na, e! Hehey!

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon