6. Blag!

106K 1K 81
                                    

                                                             6. BLAG!

ONE week. More than one week na kaming hindi nagpapansinan ni Hero ko. Huhu.

Duh. Na para bang nagpapansinan talaga kami. Ako lang naman ang papansin kaya napipilitan siyang pansinin ako. Haha. Ganda ko, e.

But seriously, ang hirap pala. Ang awkward na. Na-a-awkward-an na ‘ko kapag nasa malapit lang siya. Simula nu’ng nangyari sa detention? Okay pa ‘yun, e.

Kaso…. may sumunod pang nangyari…………….....

                                                                 ——

MAG-isa akong nagpunta sa mall. Manunuod ako ng kung anumang matrip-an na palabas sa sinehan. Ganito naman kasi talaga ako. Gusto ko ng alone time. Alone time sa paligid ng maraming tao. Weird, right? I know, sa ganda ko.

 

Bumili ako ng pop corn at soda. Kimmy Dora ang napili kong palabas. Actually, parang tanga lang. Si Kimmy na kapatid ni Dora…. si Kimmy na matakaw ang naaalala ko. Ugh. Hindi kasi ako maka-concentrate, bwiset na ‘yan!

 

“Honey! Ano ka ba, may kiliti ako dyan.” I even heard a giggle.

Umikot ang mga mata ko. Isang couple sa ibabang row ng pwesto ko. Talagang naglalampungan sila. Well, yeah. Hindi ito ang unang beses na may narinig akong ganyan, pero hello naman! Ate, kuya, Kimmy Dora kaya ang palabas! Comedy ‘to, adik ba sila? Hindi man lang sila namili ng romantic movie. Jusko po.

 

Nakikita ko pang nagkikilitian talaga sila. Ang lapit ng mukha nila sa isa’t isa and I doubt kung ni hindi man lang sila nagkiss n'yan. Sobrang lapit! As in….. ew!

 

“Ahihi!”

 

Gra-be. Pigilan nyo po ako, Papa God. Ibubuhos ko sa kanila ang sodang hawak ko.

 

“Baby, nakakakiliti!”

 

OMG, nakikiliti siya! Kinakamot siguro ang makati kaya nakikiliti siya!

 

Grabe. ‘Di na talaga ako maka-concentrate sa panunuod.

 

“Kiss me, babe.”

 

What the effin’ fudge of f-ck did I hear from the flirtful mouth of the flirt? Seriously?! ‘Yung babae pa talaga?

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon