8. Pa'no na kaya?

82K 1.1K 359
                                    

                                                      8. PA'NO NA KAYA?

“ANO’NG kabalbalan ‘to?” Daig ko pa kagawad sa paninita kay Zabrina.

‘La ‘kong pake sa Mariong kasama niya. Alipin lang siya ni Zabrina. Taga-bitbit ng bag? Panis.

Ako lang mag-isa ang bumalik para punatahan sila. Pinauna ko na barkada sa paglalakad.

“Uh.. what is kabalbalan?” medyo matawa-tawang tanong ni Zabrina.

Kabalbalan? Ano nga ba, sa’n ko ba napulot ‘yun? Ah, ewan.

Sinamaan ko lang siya ng tingin na medyo may taas ng kilay pa.

“’To naman, makatingin!”

 

“Ba’t kasi kayo magkasama?” Ayan, deretsahang tanong na ‘yan. Sapukin ko na ‘to ‘pag nagpaligoy-ligoy pa.

Pero imbis na si Zabrina ang sumagot, may gagong umepal.

“Problema mo? Nililigawan ko, e.”

Binalingan ko si Mario. “O, talaga?” P-tangina. Biglang balik ulit ng tingin kay Zabrina. “Bakit nga kasi kayo magkasama?”

 

T-ngina, nililigawan?

‘To namang Zabrina na ‘to, ngingiti-ngiti pa!

“Teka nga. Nagseselos ka ba?” naghahamong tanong niya.

Feelingera rin talaga, e.

Siningkitan ko lang siya ng mata.

“Oo na, imposible naman”, biglang bawi niya. “Sinundo niya ko sa’min kaya kami sabay pumasok. Okay ka na?”

Tamo ‘to. Badtrip ba ‘to? Sungit bigla. Labo.

“Tara na nga.” Hinila ko siya sa palapulsuhan at maglalakad na sana kaso ‘di siya tuminag.

Anak ng... Pinigilan pala sa kabilang braso ng sira-ulong Mario.

“Wow, wow... Parang nu’ng nakaraan lang pinagtatabuyan n’yo ‘kong dalawa, tapos ngayon... Ano ‘to?”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon