CHAPTER 12

1K 63 4
                                    

"Sis this is Melissa, Abby, Mico (Pronounced as Myko)" pag papakilala sakin ni Michael ng minsan ay mapag isipan naming mamasyal sa week end.

"Hello girls, nice to meet you! I'm Mika" pag papakilala ko din sa kanila.

Nag shake hands kami at lahat agad din naman kaming nag kapalagayang loob dahil lahat kami ay transgender straight woman. Lahat kami ay mahahaba na ang buhok maliban lang kay Michael dahil hindi padaw lubos na malaya siya sa kanyang kulungan. (Char!) Nasa closet padin daw siya pero alam niya sa sarili niya na babae siya.

Sabi nila ay same school lang dila sila samin but ibang section sila, at meron daw mga pogi din sa kanila. (Oh diba kaya kami naging komportable agad dahil pare - pareho kaming malalandi! Char!)

Panay lang an kwentuhan namin hangang sa dumako kami sa usaping pag papaganda para mapansin ng mga crush namin. At yes mga beks hindi ako nag pahuli sa kwentuhan dahil bumida din ako with matching support ni Michael.

"Ay true mami, sya ngang tunay." pag sang ayon ng mga bago kong kaibigan sa pahayag ni michelle ng sabihin niyang pogi si John Albert.

"True, minsan kong nakasabayan sa pag lalakad ang otoko nayan, mysterious effect at may suplado side pero ma, ang gwapo sobra" saad pa ni Abby sabay tilian na naman kami

"At alam mo ba mami, nakita ko silang mag kakasama si John Albert, si Nick, Cameron, Patick at Shan! Kaloka ang popogi sabay sabay nag lalakad feeling ko nga nun nabasa na ang semento na kinatatayuan ko." eksahiradang saad ni Mico

"Ay ma, iba pajan experience ko, naka sabayan ko si Shan sa comfort room. Papasok na sana ako sa girls comfort room ng makita niya ako at tinawag ako sa may pintuan. Syempre naman hindi ko na sasayangin ang opportunity kaya attack ako agad. Eh ang kaso mag tatanong lang pala sakin kung may nakita akong ballpen sa daan. Kaloka ballpen talaga!" buong pang hihinayang na saad naman ni Melissa.

"Ay dai, wag kayo at mas bongga ang atake ni ate Mika niyo! May goodmorningan nang nagaganap sa kanila ni John Albert" buong pag mamalaki na naman na saad ni Michael sa kanila.

"Award attack pikachu ka agad mami ha! Perfect yan!" malokon saad ni Abby sabay tawanan kaming lahat

"Gaga, ano kaba ako lang to!" malokong sabi dito

"Sino ka dyan mami?" malokong saad ni Melissa

"Ako lang to si Natoy, na mahal na mahal ka!" buong buong ang boses ko ng sabihin ko ito

Siya naman ang pag pakawala namin ng malalakas na tawa na tila kami lang ang tao sa snack house na pinasukan namin. Ang saya sayang maki pag biruan sa kanila, nakakagaan ng pakiramdam. Kahit papano ay nag kakaroon na din ako ng mga bago kong kaibigan.

Masaya pa kaming nag usap usap ng kung ano anong bagay hanggang sa naisipan naming sumubok kumanta sa karaoke house, malapit lang sa pinag kainan namin.

Nang maka pasok kami ay kumuha kami ng kwarto na para lang samin, at mga sis bongga kasi lahat sila may kaya sa buhay. Maganda na, may pera pa kaso walang jowa. (Choss!) Nang maka pa rent na kami ng kwarto naming mag kakaibigan ay nag simula na kaming mag kantahan.

Makwela lang kaming nag kakantahan, at infairnes lahat marunong kumanta, sing tinis ng huni ng ibon ang mga boses namin (Oh diba ibon talaga kami actually! Char!)

"Ay pak ang ganda ng kanta" saad ni michael

"Angeline Quinto ka pala mami" saad ko naman kay Melissa na hawak ang microphone

"Loka hindi yan si angeline quinto" sabad naman ni Mico na sinang ayunan naman ni Abby

"Sino kajan mami?" makwelang tanong ni Abby kay Melissa

"Angeline kentot!" malokong saad ni melissa kaya nag si tawanan kaming lahat labas gilagid at bungisngis kung bungisngis. Kaloka maiihi ata ako nito katatawa.

"Eh ikaw sino ka dyan sa salamin mo mi?" balik tanong naman ni melissa kay Abby.

"Si Betty ma" sagot naman nito

"Betty Lafeya?" tanong ko naman na nag pipigil ng tawa

"Gaga hindi yan si Betty lafeya" sabat ni Mico

"Eh sino ka dyan ma?" tanong naman ni Michael

"Betty Max, yung masarap sa ihawan." malokong sagot ni Abby

"Gaga betamx yun" Sabat ko naman

Masaya lang kaming magkakaibigan, halos puno lang kami ng tawanan at enjoy na enjoy ko ang company nila. Buti nalang talaga at pinakilala ako ni michael sa kina Melissa, Abby at Mico. May mga bago akong kaibigang makakasama ko sa buong school year, for sure hindi maboboring ang first year college ko.

"Ikaw na kakanta te" tawag sakin ni Mico

Agad ko namang kinuha ang isa pang mic at pumwesto. Nang mag register sa screen ang kakantahin ay alam ko nang may sasabihin na naman ang mga kasama ko kaya natatawa agad ako sa isip ko palang.

"Kabog Morrisitte Amon!" Saad ni Abby with matching palakpak

"True kinabog si Angeline" Pag sang ayon ni Melissa

"Mga gaga hindi si Morisette Amon yan!" pag kontra ni michael sa kanila

"Eh sino kajan mami?" tanong ni Mico

"Morisette!" saad ko na naka ngisi sa kanila

"Amon?" sabay sabay bilang tanong

"Morisette Lamon!" saad ko sabay sabay katatawanan na naman ang pinakawalan namin mag babarkada. Pasabog diba sana all singer.

Well hindi lang naman ako magaling kumanta sa mic, kantahan ko kaya mic ni Albert!( Char! Landi ng isip ko!)

Matapos ang masayang bonding namin ng mga bago kong kaibigan ay nag pasya na kaming mag si uwian at mag gagabe nadin, sunday naman bukas, walang pasok kaya makakapag pahinga na kami.

Si Arthur ay busy, kaya hindi naka sama sa gala namin. Pero kung sumama man siya ay siguradong ma a - out of place lang siya samin. Pag nanasaan lang din siya namin (Choss!) nila lang kaya!( joke kasali nako. Family stroke remember?!)

Inaya ko kasi siyang sumamang mamasyal sakin pero hindi daw siya available kaya si Michael ang tinawagan ko na agad namang sumama sakin. Plus nag invite pa siya ng mga barkada niya na ngayon ay mga kaibigan ko na din. Win to win situation padin. Si kuya Arthur busy at ako ay may bagong mga kabigan.

Nag paalam na kami sa isa't isa. Kanya kanya din kaming sumakay ng taxi para naka uwi na. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nag update sa mga kaibigan ko na naka uwi na ako. Hindi ko naman nakailangan na isa isahin silang e chat, dahil may Group chat na kami. Diba ang bilis!

Nang maka pasok na ako ng gate ay may nakita akong pamilyar na sasakyan. Nakita ko na to eh, hindi lang ako sure kung sino ang may ari. Kaya pumasok na agad ako sa bahay at para nadin malaman kung sino ang bisita nila. Dahil maliban kay Kuya Arthur ay wala naman ibang dumadalaw dito samin, isa pa hindi din naman kotse yun ni Arthur.

Agad akong nag tungo sa kitchen dahil alam kong andito na si Mama, si papa lang naman ang busy masyado.

"Ma, andito na po ako" pag tawag ko kay mama habang papalapit sa dining area.

Ganun nalang ang pag kagulat ko ng makita ko ang isang hindi inaasahang bisita. At agad ko ding naalala kung saan at kailangan ko nakita ang kotse na naka parada sa garahe namin. Anong ginagawa ng damuhong to dito sa bahay namin.

"Oh anak anjan kana pala. Kanina kapa inaatay ng kaibigan mo" saad ni mama habang may dala dalang pag kain na katatapos lang lutuin niya for sure dahil umuusok usok pa

"Anong ginagawa mo dito albert?" mataray kong tanaong sa lalaking naka sunod sa mama ko na may dala dala ding pag kain.

Ngumiti naman ang loko at agad na nilagay ang dala niya sa mesa.

"Buti naman at naka uwi kana partner!" saad naman nito

At bigla ko din naalala ang project proposal namin, oo nga pala dapat ngayon namin gagawin yun. Patay! Lagot.

Agad naman akong napaakyat sa kwarto ko, tinawag pa ako ni mama pero hindi na ako sumagot. Agad na nag bihis at mabilisang nag ayos ng kwarto. Bakit ba naman kasi andito agad ang damuhong to. Kaloka.

Ang Crush Kong Bastos (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon